AVERY Sakay ako ngayon ng magarang sasakyan ni Sir Xander habang tahimik siyang nagmamaneho para ihatid ako sa bahay. Tanging ang mga ingay sa kalsada ang naririnig ko habang nakasandal sa upuan ko at nakatutok ang mga mata sa daan. Gaya ng dati, sa kanto, malapit sa isang sikat na pharmacy tumigil ang sasakyan ni Sir Xander. "Salamat," maikling sabi ko matapos kalasin ang seatbelt na nakakabit sa katawan ko. "For what?" tanong ni Sir Xander. na ngayon ko lang muling narinig na nagsalita mula ng sabihin niyang maghanda na ako at ihahatid na niya ako. "Sa paghatid mo sa akin," nahihiyang sagot ko. Alam ko kasing busy talaga siya dahil nakita ko namang abala siya maghapon habang naroon ako sa bahay niya, pero nagawa pa rin niya akong ihatid dito sa amin. "It's nothing," maikling s