AVERY "Ate, aalis na po kami," magalang at nakangiting paalam ni Aila sa akin. "Sige, galingan ninyong tatlo sa school today," nakangiting sabi ko. "Syempre, ate. Kami pa ba?" nakangiti at mayabang na sagot ni Ailee. Nakatayo siya malapit sa pintuan at handa ng umalis para pumasok sa school na pinapasukan nila. Alam kong excited siyang pumasok sa school araw-araw. Masaya akong nakikitang masigla na ang kapatid ko at bumalik na sa dati ang daily routine niya. Nakakapasok na siya ngayon sa school at nakakapag-aral na rin. Malaki na ang pagbabago sa katawan ng kapatid ko simula ng na-operahan siya at lumabas sa hospital. Hindi ko na nakikitang nanghihina at hinihingal si Ailee, pero patuloy pa rin ang pag-inom niya ng gamot araw-araw para na rin sa continues healing niya. "Anong dala