AVERY "Ate, nandyan ka ba sa loob?" Napabalikwas ako at mabilis na bumangon ng magising at nakarinig ng sunod-sunod na pagtawag sa akin ng kapatid kong kumakatok mula sa labas ng pintuan. Mukhang umuwi na si Aila galing sa school na pinapasukan niya, kaya kinatok ako dito sa silid namin. "Oo, bakit?" kinakabahan na tanong ko. Hindi ko alam kung paano haharapin ang kapatid ko. Sigurado akong magbibihis siya bago pumunta sa ospital kaya kumakatok ngayon. Mabilis na bumaba ako sa kama at pinulot ang mga damit ko na nagkalat sa lapag at agad na isinuot. Kinakabahan na tiningnan ko si Sir Xander na nagising rin at nakita akong hindi mapakali, dahil natatakot akong baka mahuli kami ng kapatid ko. "Ate, pwede mo bang buksan ang pintuan saglit, magbibihis lang ako," sabi pa ni Aila na mul