AVERY Kaharap namin ni Sir Xander ang mga kapatid ko dito sa maliit naming sala. Tinawag ko sila para kausapin at sabihin sa kanila ang gustong mangyari ng lalaking katabi ko. "Aila, Arnel, Ailee, makinig kayong mabuti. May importante akong sasabihin sa inyo. Gusto namin ng Kuya Xander ninyo na sa bahay na niya tayo titira," kinakabahan na simula ko. "Gusto n'yo bang sumama sa amin doon?" Isa-isang tiningnan ko ang tatlong mga kapatid ko. Oo agad ang sagot ni Ailee at sinabing excited umano siya. "Hanggang kailan tayo doon titira, Ate Aves? Paano itong bahay natin?" tanong ni Aila. Matured kung mag-isip ang kapatid kong ito, kaya expected ko ng magtatanong talaga siya tungkol dito. "Sa ngayon, doon muna tayo titira. Itong bahay, wala akong balak paupahan dahil ayaw kong masira it