AVERY Kahit nanginginig ang mga tuhod at binti ay mabilis akong naligo. Minabuti kong mauna nang lumabas kay Sir Xander, dahil baka bigla na naman siyang mag-init at magbago ang isip niya. Baka kapag nangyari iyon ay hindi na ako makalabas ng silid niya at makauwi sa amin. Mahirap na, kailangan kong pumasok sa trabaho para may sahurin ako ngayong buwan. Kailangan namin iyon para sa allowance namin ng mga kapatid ko at pambayad sa mga bills. Mahirap um-absent sa gaya kong sumasahod based sa working hours araw-araw. Nakakapanghinayang ang isang araw na hindi ako papasok dahil malaking kawalan iyon sa sahod ko. Tapos na akong magbihis ng bumukas ang pintuan at lumabas si Sir Xander mula sa banyo. Nakatapis lamang siya ng tuwalya at tumutulo pa ang basang buhok. Nag-iwas ako ng tingin at