NAGISING siyang parang binibiyak ang ulo niya sa sakit. Pero hindi lang pala ulo niya ang masakit maging ang batok niya masakit din. Gusto sana niyang himasin ang ulo niyang masakit ng hindi niya maigalaw ang mga kamay niya. Nang imulat niya ang mata niya doon lang niya nakitang nakatali pala siya, kamay at paa. Nararamdaman na din niya ang sakit ng buo niyang katawan. Pero hindi niya pinansin ang mga nararamdaman niya ngayon. Naalala niya kasi bigla ang mag-ina niya, napapamura nalang siya sa pag-aalala niya sa mag-ina niya na hindi na niya alam kung nasaan na ngayon. "Smith" Napaangat nalang ang mata niya sa narinig niyang nagsalita. Hindi niya na napansin ang pagpasuk ng isang tao sa kung nasaan man siya ngayon. Nang makita kung sino ang tumawag sa kanya. "Toby?"hindi makapaniwala