ANG lakas ng t***k ng puso niya, after ng halikan ek-ek nila ni Leigh tumakbo nalang siya papasok sa loob ng rest house nito. hindi na din niya balak na lumabas ng kwarto kung nasaan siya ngayon. Kahit kumakalam pa ang sikmura niya wala na siyang pakialam pa. Agad siyang nahiga sa kama ng masiguro niyang nakalock na ang pinto ng kwarto niya. nagtalukbong pa siya ng kumot para mas sure siyang walang ibang makakakita sa kanya. although siya lang naman ang nasa kwarto na iyon at si Liegh naman nasa labas pa. Nakakahiya! Paulit-ulit ang nakikita niyang itsura ni Leigh kanina habang hinahalikan siya nito. "Urgh!, kainis kang gurang ka!"bigla niyang sigaw. Napabangon pa siya sa sobrang inis niya, pero nawawala naman ang inis niya kapag napapahawak siya sa bibig niya. "Trinity" Napalingon