Chapter 1: Paano?

1098 Words
Magnus POV "Hala, pogi sino yun?" "Shet ang hot nya!! HALAAA lalapit dito satin" "Uy ano ba naman yan, ang aga namang ayuda nito, Fafa ano raw i********: nyo?" Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulung-bulungan (minsan naman sigawan) na naririnig ko tuwing dadaan ako ng hallway namin. Sa college ko, ako lang ang pinaka sikat dahil sa alam nyo na, pogi ay matcho ako ay varsity player din ako. Magaling ako sa kahit anong sport. Lahat ng babae nagkakandarapang maka date ako. Pero syempre dapat pakipot lang tayo lagi, eh ako naman din eh mabait naman kaso kailangan din ng limitasyon. "Grabe Bro! Iba ka talaga! Talagang hakutin ng chiks, kaya manok kita eh!" "Laptrip ka pre! Ni literal mo naman, pero bro maiba tayo, wala ka man lang bang magustuhan sa lahat ng nakapila sa likod natin ngayon? Kasi kung wala akin na lang ang mga 'to?" "As if naman na sasama yan sa'yo, kupal ka ba?" Sabat naman ng isa naming tropa "Tumigil na nga kayo dyan, mamaya nyan akalain pa ng mga yan binibigyan ko sila ng lisensya para lalong magkandarapa sa'kin." "Pagdating sa court ha, gusto ko practice agad tayo wala ng kakausap sa mga yan." "Naks si utol may pinopormahan to!!! Ang seryoso mo kapag nasa court na ah!" Porket nagseseryoso sa court eh may nagugustuhan na? Di ba pwedeng tama nga naman sila, may pinopormahan talaga akong kakaibabe dito. Eh paano naman ang hinhin nya tapos wala din syang pakialam sa'kin. Gusto ko talaga yung mga ganun eh, yung mga nonchalant, sabi nga nila. At kapag sinuswerte ka nga naman oh, ayan sya sa may mga bleachers nakaupo at nag aaral. Hay ang sipag naman talaga ng baby angel ko na yan, oo baby angel nilagyan ko na ng pangalan para wala ng ibang umagaw. Ang lakas ng tama ko sa kanya sa totoo lang kasi hindi naman ako madalas na magising ng maaga para mag practice dito sa court ng school pero dahil maagang tumatambay yan dito edi inagahan ko na din. "Okay do 1 of every set we have in our morning exercise go!" Dahil good mood ako ngayon, isang set lang at para masilayan ko pa din ang baby angel ko. Ang mga mapupungay nyang mata, makinis na balat, brown na mga mata, at labi nyang mapupula ay ilan lang sa mga nagustuhan ko sa kanya. Flashback (Sophomore) "Uhm miss! Miss na naka beige!! Nahulog mo po panyo mo!" "Uhm Hala oo nga po, sorry kuya and thank you po sa pagkuha" "Walang anuman hehe" End of Flashback Saglit lang yun pero yun na ang pinaka mahabang pag uusap na nagkaroon kami sa personal dahil madalas lang naman syang tahimik. Doon kami unti unting nagpalitan ng mga interest sa buhay. Sya ang hilig nya ay mag drawing ng mga nangyayari sa buhay nya. Pero kahit na ganun eh hindi pa din sya nakakasawang tignan. Lahat ng drawing nya ay mayroon akong kopya. Kapag maglalabas sya ng bagong drawing ay nakaabang agad ako para bumili nito, pero sa kasamaang palad hindi sya basta basta nagbebenta. Ibebenta nya lang kapag para sa school project kaya kunwari noon meron kaming self portal project para sa arts ay nagpa drawing ako sa kanya, at ako ang nag iisang museo nya noon dahil gusto kong makita kung paano nya ako makita sa mga mata nya. Yiee ang romantic ko 'no! Hindi na kasi kayo ganyan bumanat, puro na lang kasi kayo situationship tapos takot pa kayo sa commitment! Pero maiba tayo, hanggang ngayon eh nasa akin pa din ang self portrait na pinagawa ko sakanya noon. "Oh ngayon naman 3 ikot dito sa court, go go go!" Kunwaring busy ako tumakbo pero pa minsan minsan akong nagtatapon ng tingin sa kanya, sayang nga lang at wala naman syang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nya kaya in short di nya din nakikita ang mga pagpapapansin ko sakanya. "Okay ngayon start na ng training. Volleyball tayo ah. Pre set pa lang to. Dahan dahan sa pag tapon ng bola ang control ng kamay watch out kayo. And para na din sa safety ng mga taong nandito" Mga taong nandito "Ah okay po, pakitaas na lang po ng ulo nya para maging maayos po yung circulation ng blood nya, in no time magigising din po sya, just tell me kapag nagising na ang pasyente hindi ko alam kung dahil sa pagkakahimatay nya dahil sa bola ang sanhi ng pamumutla nya o dahil anemic sya." "Okay po Nurse." Agad naman akong nag text sa team na pack up na at mag wash up na. Nagpadala din ako ng mga pagkain para naman kapag nagising na ang baby angel ko ay meron syang makain Halos kalahating oras ang hinintay ko nang magising sya "Uhh why am I here?" Hala! Nawalan ba sya ng ala-ala nung nabagok ang ulo nya? "Naalala mo ba ako?" "Of course not, I don't even know you, just please tell me where we are?" "Calm down, classmate mo ako Margaret." Oo Margaret ang pangalan nya, tahimik lang pero ang lakas nyan sa klase. "Uh so that's what happened?" "Oo kaya pasensya ka na ah, nga pala examine ka pa ata ng doctor kung anemic ka raw? Ang putla kasi ng mga labi mo eh." "Yes, I am anemic at meron naman akong maintenance. Pwede na ba akong bumalik sa klase ko? Hindi naman na ako nahihilo at kaya ko na, I can't miss my entrepreneurship quiz today" "Pero miss baka kasi mas mahilo ka don, okay ka lang ba talaga?" "Yes okay lang ako. Promise." At doon na nga nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Margaret, syempre kaibigan muna uy! Gagaya mo pa ko sa'yo na diskarte agad di ka man lang muna bumwelo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD