Magnus' POV
Natapos na ang chillnuman at konting salo salo. I made sure naman na hindi iinom ng marami si Margaret as I promised her parents na ako ang bahala sa kanya.
"Hey Margaret malapit na mag 11, I think we should go home?"
"Oh yeah, maaga ka pa bukas right? May training pa kayo. Everyone, blockmates and Ms. mauuna na po kaming umuwi ni Mr. Gray. Pinagpaalam lang po nya ako sa parents ko eh. I had fun time with you guys, and once again congratulations to all of us."
After namin na magpaalam ay nag byahe na kami
"You know what Magnus? It's still feel surreal na nanalo tayo, like magagaling silang lahat eh. Walang tapon kahit na production nila."
"It's because magaling din naman tayo and we worked hard for it."
"Yeah, we worked really hard for it, although hindi naman masyado nag eexpect yung blockmates natin pero they still believed in us. Congratulations ulit ah. And I just want to tell you something din pala."
"Ano yun?"
Tumingin ako sa kanya at parang ilang pa sya na sabihan ang gusto nyang sabihin.
"Ano kasi, thank you? I guess you become the greatest factor kung bakit na build ko yung confidence ko during this phase of the competition, lagi mong sinasabi sa'kin na I can do it and I am doing a great job in answering all of the questions. Without you nag quit na ako, without you hindi ko kayang tumayo sa stage ng ako lang mag isa. Kaya thank you Magnus, really. At saka it feels good na may taong nakakaintindi sa'yo kaya thank you dahil isa ka sa mga taong yun."
"Ikaw naman, na touch naman ako sa mga pa ganyan mo ah. Of course I will be here para sa'yo. Kung hindi mo pa alam, gusto kita Margaret. Matagal na, since first year pa lang tayo, kahit na marami pang magkagusto sa'kin, ikaw at ikaw lang naman ang nagugustuhan ko."
"Wow, I don't know what to say Magnus. Halos lahat ng babae sa school nagkakagusto sa'yo? Bakit ako?"
"Kasi ikaw na yan eh, you are the perfect form of peace and melancholy kapag kailangan ko ng break, gustong gusto ko nga na nasa court ka eh, at least gaganahan akong mag training, knowing trainings are so hard pero kahit ganun araw araw akong present, pero syempre hindi lang dahil sa'yo, pero dahil gusto ko kung anong ginagawa ko. Thank you for lighting up my life."
Hindi ko alam kung saan ko tinago ang mahiyain na side ko kasi ang dating Magnus hindi naman to masasabi sa isang Constance Margaret nang ganun ka smooth.
"I know napaka inappropriate ng situation and lugar but if you will say yes, gusto ko sanang ligawan ka, Margaret."
Hindi naman sya agad nakapag salita at nag isip isip muna.
"Gusto ko na honest ka sa nararamdaman mo Magnus. Pero give me 1 week para ihanda ang sarili ko para dito. Gusto kong pag isipan muna, kung handa na ba talaga ako. Unang beses ko to eh"
"Sure Margaret, andito lang ako. Speaking of andito na nandito na tayo."
I hold the door for her dahil para sa'kin deserve nya lahat ng magagandang bagay sa mundo.
"Tito & Tita, we had some fun po. Sige po mauuna na po ako. Good night po Tita & Tito, Margaret."
"Thank you Magnus. I enjoyed your company."
Pumasok na ako ng kotse at pinailaw ang signal light ng tatlong beses, hindi ko alam kung napansin yun ni Margaret pero gusto ko lang sabihin na "I love you". Pagkatapos ng gabing 'to parang mas lalo lang akong nahulog sa kanya. She's very honest with her thoughts, sana lang dai pa magbago kung anong meron kami kahit di man kami magkatuluyan.
Margaret's POV
Di ako makapaniwala na umamin sa'kin ngayong gabi ang nag iisang Magnus Gray na sikat na sikat sa mga babae sa school. Yung reason nya kung bakit ako nagustuhan is hindi naman bitin, hindi din naman mahaba, tamang tama lang para sabihin na walang dahilan para magustuhan ka ng isang tao, pwede ka nilang magustuhan kasi simpleng ikaw lang yan. I feel the warmth kapag kasama ko sya at kaya kong mag break free tuwing nandyan sya, pwede din akong maging careless kasi sya na ang bahala saming dalawa. Kung tutuusin, napaka ideal man ni Magnus kasi hindi lang din naman sya sa sport magaling kung hindi sa academics pati na din sa buhay. He's using his athlete perks para sa scholarship at hindi sya nahihiya sa mga nagtatanong.
Tinawagan ko ang dalawa kong kaibigan para sa opinyon nila
"WHAT!? UMAMIN NA SYA SAYO? BUTI NAMAN!"
"FOR REAL! ANG TAGAL NA NYA KAYANG MAY GUSTO SAYO!"
"Matagal nyo na din bang alam ang tungkol dito?"
"Yes girl, lahat ng snacks at mga random gifts na natatanggap mo noon galing sa kanya. Hindi ka man lang kasi naging curious sa kung sino man ang nagpapadala sa'yo kaya ayan hindi mo din agad nalaman kung sino."
"But, how? I mean napaka famous nya sa school? And I am just an average girl?"
"Ayan na naman sya sa pang down sa sarili nya. Girl kaya ka nagustuhan ni Magnus because you're you, unlike sa mga nagkakagusto sa kanya na kailangan pang mag panggap na iba para lang makalapit sa kanya. Have confidence girl!"
"Sabi nya manliligaw sya sa'kin"
"Edi payagan mo na! Bihira na lang ganyang mga lalaki ngayon Margaret! Go grab your boy!"
"Not yet Elisia! At saka okay lang yan mag isip ka muna kung anong next mong gagawin o sasabihin sa kanya, okay?"
"Okay guys, thank you so much. Good night"
Hindi ko pa alam pero one week pa naman, I will figure this out.
The next day papasok sa school ay nasa harapan na ng bahay namin ang kotse ni Magnus at nag aabang sakin.
"Good morning Margaret! I got you coffee, tinanong ko pa to kila Elisia, here para naman meron ka energy for a long day."
"Magnus, good morning. Hindi mo naman kailangan gawin to. Ang layo ng na drive mo para lang masundo ako?"
"Wala naman problema yun eh. Saka dadaanan ko pa din naman yung village nyo papuntang school so naisip kong isabay ka na kasi sabi din ng mommy mo traffic dito. Ang humble ng nila eh, kahit kaya mo naman na hindi mag commute nag cocommute ka pa din and your parents are very supportive about it."
"Thank you so much. Yes very lucky din ako na I have their back."
Nakarating na kami sa campus at saka naman na kami umakto sa mga kaibigan namin na parang wala lang nangyari, buti na lang at hindi nila napansin na magkasabay kami kanina.
"Oh? Sabay ata kayo?"
"Ah nagkataon lang."
At nagsimula na nga silang tuksuhin kami. I feel uncomfortable pero gusto kong sa akin lang sya ipapares.
Third Person's POV
Masaya ang lahat dahil nakikita nilang nagkaka mabutihan naman si Magnus at Margaret, maliban na lang sa isa nilang kaklase. Naiirita sya sa sigawan na naririnig nya, kulang na lang ay sigawan nya din sila pabalik dahil sa rindi. Matagal na syang may gusto kay Magnus at may plano itong akitin ang binata para lang makuha nya ang taong mahal nya.
Watch out Margaret, I will get your man.