Ilang minutong nakanganga at tulala si Mariella sa kisame, habang nakahiga pa rin sa kama, hindi siya makapaniwala na sa ikalawang beses ay mangyayari ang ganoon.
Nahati ang kanyang isipan kung i-iiyak na lang ba iyon o itatawa? Dahil tila pinaglalaruan nanaman siya ng pagkakataon.
Padabog niya na lang na inihampas ang kamay sa kama dulo’t ng pagkayamot at inis sa muling pagkabitin. Mas lalo lamang tuloy nanakit ang kanyang puson, kasabay ng pagbigat ng kanyang katawan. Ilang sandali rin ang kinailangan niya upang makahupa dala na rin ng galit.
Sa ilang segundo niyang nagmumuni ay nakaligtaan niya na ang tungkol sa hindi sumasaradong pinto, hanggang sa marinig niya na lamang ang langitngit nito.
Ganoon na lamang ang taranta niya sa pagtayo sa kama, sabay hablot sa unang bagay na kanyang nahawakan upang ipangtakip sa sarili. Aligaga pa siya nang kumaripas ng takbo patungo rito, subalit ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mata nang mayroong malaking lalake ang bigla na lamang sumemplang papasok sa loob.
“Putang ina naman na buhay ito oh!”
Singhal na lamang ng estranghero nang tuluyan ng masubsob sa sahig. Mukhang nawala ito sa balanse nang humawak doon.
Isang malalim na hininga ang napakawalan ni Mariella nang masilayan ang naturang ginoo. Tila ba natuod siya sa kinalalagyan nang makita kung sino ito.
“Armando!”
Tuwang-tuwa niyang saad nang mag-angat na ito ng tingin nang lapitan niya.
Pinaningkitan lang siya nito, halata na nahihirapan pang makakita dahil na rin sa dilim ng naturang lugar.
Walang atubili niya na lang na hinawakan ang malaking braso nito upang tulungan na makatayo.
Dala na rin ng tama ng alak, pagkawala sa sarili sa tuwa, hindi na niya nabigyan pansin ang manipis at maliit na telang ipinulupot sa katawan bilang pantakip.
Halata naman ang bahagyang pag-atras ng lalake, habang nakasimangot siyang pinagmamasdan. Ilang sandali rin ang inabot bago bahagyang mabawasan ang guhit sa mukha nito.
“Mariella, ikaw ba iyan?”
Kunot noong turan ni Armando nang sa wakas ay magkaharap na sila. Mukhang doon lamang siya nito tuluyan nakilala.
“Sino pa ba sa tingin mo.”
Natatawang sagot na lang niya, dahil sa biglaan na lang panlalaki ng mga mata nito.
Naroon kasi ang ilang beses na pagtataas at baba ng tingin ni Armando kay Mariella, at napalunok pa ito habang nakakailang ulit na pikit bago mapapunas ng mata na halatang hindi makapaniwala sa nakikita.
Nawala ang atensyon ni Mariella nang mabatid ang mga matang nakatutok sa kanila. Mayroon ng mangilan-ngilan na parokyano ang nagsimulang magkumpulan sa harap ng pinto, tila ba parang mga gutom na hayop na naghahandang sumunggab.
Dali-dali niyang binitiwan ang kasama upang tumungo sa pinto. Taas kilay, nakapamaywang, at abot lupa ang simangot niya nang humarap sa mga ito.
“Sorry, this is a private party.”
Natatawang napaatras na lamang ang mga lalakeng naroon nang itulak ni Mariella ang pinto.
Ganoon na lamang tuloy ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa kaba sa inasal ng mga ito, kaya halos magmadali siya sa pag-iikot ng mga kandado roon.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya nang makasiduradong hindi na bubukas ang pintuan. Hindi niya tuloy napigilan ang mapasandal ang likod roon dahil sa kung anong panghihina.
Nataranta na lamang siya nang makitang nakaupo pa rin si Armando sa sahig, nakayuko habang minamasahe ang sintido.
Alalang napatakbo na lamang siya rito, mabilis siyang lumuhod muli sa tabi nito, at walang atubiling kinuha ang braso ng lalake upang iikot sa kanya balikat para maalalayan ito sa pagtayo. doon niya lang nabatid ang malakas na amoy ng alak na bumabalot sa lalake ng mga sandaling iyon.
Hindi naging madali ang pagpapalakad dito dahil sa laki ng lalake, kaya naman sa kama na lang niya ito pinaupo kaysa sa silya na nasa dulo pa ng silid.
Wala naman nagawa si Armando dahil sa pagkabigla at pagkalito, nanlalaking matang nagpakaladkad na lang ito nang mapansin na nahihirapan si Mariella. Iyon nga lang, tila nadikit na ang titig sa bilog na bilog at mapuputing mga dibdib ng babae na parang puputok na sa pagkakaipit sa kapiranggot na telang nakapulupot sa katawan nito.
“You know the stupid thing is, I forgot to get your number. Hindi ko tuloy alam kung paano ka kokontakin, and afer I even told you na babawi ako sa iyo.”
Natatawang saad na lang ni Mariella upang kahit papaano ay tanggalin ang kanyang pagkailang ng mga oras na iyon, ayaw kasi tumigil ng kabog ng kanyang dibdib ng mga oras na iyon.
Subalit napunta na sa ibang lugar ang isipan ni Armando. Naroon na kasi ang paglalaban ng utak at katawan nito ng mga sandaling iyon dahil na rin sa hitsura ng babae, kaya’t wala na itong naririnig liban sa tila walang patid na mga salita.
Mukhang tinamaan na rin si Mariella ng mga nainom kanina dahil walang tigil na ito sa pagkwekwento nang makaupo sila.
Ayaw niya kasing ipahalata ang sobrang tuwa, lalo pa at ang tagal niya rin itong hinintay at inabangan sa nasabing lugar, ngunit gusto niya rin naman iparamdam ang interes kung kaya hindi niya mapigilan ang bunganga.
Nanatili silang dalawa sa ganitong sitwasyon ng ilang sandali, hanggang sa marinig nila ang isang malakas na tili at halakhak. Agad naagaw noon ang atensyon nilang dalawa. Sabay pa silang napatingin sa pinagmulan nito.
Nanlaki ang mga mata ni Armando nang makita kung saan nagmula ang naturang ingay, habang si Mariella naman ay tila nabuhusan ng malamig na tubig nang maalala ang tungkol sa bagay na iyon.
“Si Leora ba iyon?”
Bulalas na lang ng lalake na nanumbalik ang pagkakakunot ng noo at walang tigil na sa pagpupunas ng mga mata dahil sa magkahalong sorpresa at pagkamangha.
Mula sa kinalalagyan nila ay nakabalandra ang hubad na katawan ng babae, pisat at kumikiskis ang mabibilog nitong dibdib sa salamin na nakaharap sa kanila, habang walang patid na binabayo mula sa likod ng isang makisig na lalake na medyo mas may edad sa mga naunang binata.
Mukhang bagong pasok lamang ito at kakilala ng grupo, dahil rinig na rinig nila ang walang patid na paghiyaw at pang-eenganyo ng mga naroon.
“Go coach!”
Hiyaw ng mga hubad na binatilyo roon na ngayon ay nanonood na lamang at nagpapalakpakan.
Nanatili naman na nakangiti at kagat labing napapaungol si Leora ng mga oras na iyon, kahit naroon na ang hirap nito sa pagbabalanse ng sarili.
“Ay, huwag mo siya alalahanin, you know how adventurous she is. You can see she’s enjoying it very much.”
Pilit tawa na lang ni Mariella kasabay ng lalong pagdidikit ng sarili sa katabi.
Dala na rin marahil ng nainom, hindi niya matanggal ang magkahalong inis at inggit ng mga oras na iyon sa kaibigan, kaya naman walang atubili na ang pagyakap niya sa malaking braso ng kasama upang makuha ang atensyon nito at mas maramdaman na rin ang lapat ng balat nito sa kanyang katawan.
Tulala’t at napanganga na lang kasi si Armando sa naturang palabas na nangyayari sa kabilang dako ng salamin, tila natuod sa kinalalagyan.
Nagtagumpay naman siya dahil agad nabalik sa kanya ang atensyon ng lalake, ngunit naging tuwid na ang mukha nito nang humarap sa kanya.
Isang malalim na paglunok na lamang ang kanyang nagawa, lalo pa nang mabatid ang kakaibang talim at lagkit ng mga titig nito. Napagtanto niya lang ang kamalian na nagawa, matapos sundan kung saan nakatutok ang mga mata ng kasama.
Hindi niya namalayan na nalingkis niya na pala ang buong braso nito, kung kaya naman halos nasa pagitan na ng kanyang mga hita ang kamay nito, habang nakasilid naman ang taas na parte noon sa kanyang dibdib na tila ginawa niya ng dandoy.
“Mukhang kanina ka pa rin nagpapakasaya, ha? Basang-basa ka na oh, nakailan ka na ba?”
Tiim bagang na sambit nito na bigla na lamang nanlisik ang kanina lamang ay pupungay-pungay na mga mata, kasunod noon ang panaka-nakang paglitaw ng isang mapang-asar na ngisi.
“A… Ano bang sinasabi mo? Do you see anyone else here?”
Bulalas niya na lamang sabay atras at ayos ng sarili.
Hindi niya maialis ngayon ang pagkailang at inis dahil sigurado niyang nabatid ng lalake ang matindi niyang pamamasa ng mga sandaling iyon.
Ngayon siya tila nagpapasalamat sa pagkakataon na maiwan ng mag-isa roon, dahilan para mapanatili ang sariling dangal, lalo pa at hindi niya gustong lumabas na immoral sa harapan nito.
Ganoon na lang ang gulat niya nang sandali siya nitong paningkitan bago tumayo. Hindi alintana kahit pa nawawala sa balanse makalibot lang sa loob.
Salubong na salubong ang kilay ni Armando habang nanatiling madilim ang mukha nang mga sandaling iyon, kaya naman kahit halos kumakapit na ito sa dingding ay nakakapanliit pa rin ito.
Isang malalim na paglunok na lamang ang nagawa ni Mariella habang pinagmamasdan ang, hindi niya maintindihan ang kung anong kaba ng mga oras na iyon habang pinapanood ito sa tila pagsisiyasat sa bawat sulok ng lugar.
Walang patid ang pagkabog ng kanyang dibdib habang nakikita kung paano tumalim ang mga mata nito sa bawat bagay na mapapansin doon.
“Ano bang ginagawa mo?”
Sa wakas ay nahanap niyang muli ang boses nang makita kung paano nito halughugin ang looban ng banyo, dahil ultimo dingding ay kinakatok nito para siguraduhin na talagang totoo iyon.
“Baka may camera dito sa loob?”
Taas kilay na lang ni Armando pakabaling sa kanya na taas pa rin ang isang kilay.
Ganoon na lang ang kabog ng kanyang dibdib, kasabay ng panlalaki ng mga mata habang sinisipat ang kisame at ilang mga kagamitan roon.
“Do they do that here?”
Putlang bulalas na lamang niya. Hindi niya napigilan ang mabilisan na pagtakas ng dugo sa kanyang mukha sa kaalaman na maaring may nakapagrecord sa mga ginawa niya.
Narinig niya na ang tungkol sa mga ganoon uri ng modus, at ganoon na lamang ang lalong pagtindi ng kanyang kaba nang mapag-isip-isip na posible nga na mangyari iyon sa ganoon lugar.
“Hindi, imposibleng gawin nila iyon dito. Baka lang kasi nirerecord mo iyong sexcapade ng kaibigan mo.”
Agad na wasiwas ni Armando na ngayon ay medyo umaliwalas na ang mukha, sabay turo sa one-way mirror na kita ang kabilang silid. Bahagya ng lumitaw ang isang makahulugan ngisi sa labi nito nang muling mapagmasdan ang mga nangyayari roon.
“Why would I do that?”
Nanlalaking matang singhal niya lang nang mapagtantong sa kanya pa rin pala nakatuon ang ginagawa nito.
Naroon na ang magkahalong inis at pagkalito sa kung bakit nito maiisip na gagawin niya ang ganoon uri ng bagay.
Tila parang nanghina naman bigla si Armando, napahawak na lamang ito sa isa sa mga poste ng naturang kama, sabay hawak sa mukha dahil sa biglaan pagkahilo.
“Ibig mong sabihin nagsasarili ka lang dito habang pinapanood si Leora?”
Napapalatak na lang ng halakhak si Armando na nakayuko na habang nakasandal ang ulo sa naturang kahoy na pondasyon.
“Why? I see nothing wrong with that.”
Kunot noo niya na lang na balik dito sabay halukipkip. Hindi niya napigilan ang mapanguso dulo’t ng pamumula dahil sa pagkailang sa naging sagot, subalit hindi niya naman magawang sabihin ang totoo rito dahil sa hiya at takot na mag-iba ang tingin nito sa kanya oras na malaman ang mga nangyari roon, kung kaya naman mas pinili niya na ang kasinungalingan na iyon.
Akmang magsasalita pa sana si Armando, ngunit bigla na lamang itong napabitaw sa kinahahawakan.
Mabilis nabura ng pag-aalala ang mga bagay na gumugulo sa isipan ni Mariella nang mabatid ang nangyayari sa lalake, kaya naman ganoon na lamang ang pagmamadali niyang lumapit dito.
Agaran niya itong inakay para huwag tuluyan mawala sa balanse, subalit hindi niya natantsa ang bigat nito, kaya napayakap na lamang sila sa isa’t isa dahil sa pagkabigla at taranta. Ganoon na lang ang tili niya nang mapaupo silang dalawa sa kama at halos mapasubsob pahiga.
Ilang sandali nanatili si Mariella at Armando sa posisyon na iyon. Walang makagalaw sa kanilang dalawa dahil sa kanya-kanyang sitwasyon.
Siya ay dahil sa pagkakatuod nang sa wakas ay mabatid ang nipis at liit ng telang nakabalot sa kanya, naroon na ang bahagyang pagkakatanggal noon, kaya naman naghatid ng kakatuwang sensasyon ang pagkakakiskis ng kanyang balat dito.
Habang ang lalake naman ay napasubsob na lamang dahil sa kung anong panghihina. Malalim na ang naging paghinga nito, kasabay ng mabilisan na pagpapawis.
Doon lamang niya namalayan ang lakas ng amoy ng alak sa katawan ng lalake, napansin niya rin ang matinding pamumula ng mukha nito, pati na rin ang pamumungay ng tila antok na mga mata. Napagtanto niya na ang kalasingan nito ang dahilan ng kakaibang kilos at pag-uugali ng kasama.
Kagat labing napalunok na lamang siya dala ng kaba. Walang patid na kasi sa pagririgudon ang kanyang puso na kala mo ay mayroon nagtatambol doon, dahil sa magkahalong init at kiliti na hatid ng pagkakadikit nila sa isa’t isa.
Mas lalo pang kumabog ang kanyang dibdib nang magsimula nanaman ang matinding paglalawa sa pagitan ng kanyang mga hita, dulo’t ng muling pagliliyab at paggising ng matinding libog sa kanyang kaloob looban.
Wala siyang magawa ng mga oras na iyon kung hindi ang makiramdam, kinakabahan kung siya ang unang kikilos at natatakot sa kahihinatnan kung sakaling umalma ang kasama.