6

3878 Words
    Amanda         DALAWANG araw ang matulin na lumipas pero nandito pa rin ako sa hospital na ito. Pakiramdam ko ay sobrang tagal ko ng nakahiga dito sa kamang ito at napag alaman ko ring ang dami na rin palang nagbago sa paligid ko.         Sino bang mag aakalang tatlong taon na ang lumipas mula ng tumakbo ako at nabangga ang aking sasakyan? Can you imagine that?! Akala ko sa pelikula at soap opera lang ang mga ganitong kuwento. Nakakatawa lang dahil puwede ko na pa lang ipadala ang istorya ko sa MMK.         Wala akong matandaang alaala sa nakalipas na tatlong taon. Nagising na lang ako na takot na takot at pilit na isinasalba ang buhay ko sa kamay ni Billy. Araw-araw na bumibisita sila Mam Margarita at Sir Robert sa akin, they are Jake's parents. Napag-alaman ko na sila ang kumupkop sa akin for the past three years ng mawala ang mga maalala ko. I owed my life to them. Dumalaw din sa akin ang isang babaeng na nagngangalang Cassie, I don't remember her, but she said that we were best of friends. Pina-aalala din nilang lahat sa akin kung ano ang naging buhay ko simula sa aksidente hanggang sa amnesia ko pati na rin ang kasal namin ni Jake - which I really don't remember.         Yes, they told me that Jake and I were married a year ago at heto nga ako ngayon, on my 3rd month of pregnancy. Nakakalungkot lang isipin na hindi ko man lang matandaan ang lahat ng pangyayaring iyon sa buhay ko. Nakakaiyak lang kasi hindi ko man lang maalala ang first kiss ko, first I love you, yung wedding proposal niya, our wedding vows, pati yung first night namin.         Hindi ko man lang matandaan kung paano ko siyang minahal? Kung paano ako namuhay kasama siya at kung bakit naging ganito ang mukha ko. At nasaan si Billy? Hinahanap pa rin ba niya ako? What about my dad? Is he looking for me?         Bakit? Bakit tangan ko ang mukha ng babaeng sinasabi nilang si Jenny? Bakit naging ako siya?         "Come in." Naputol ang aking pag iisip ng may biglang kumatok sa pinto. Inayos ko ang pagkaka kumot ko ng sumilip si Doctor dela Vega. Alanganin akong ngumiti sa kanya ng tuluyan na siyang makapasok ng silid ko.         "Hey. Can we talk?" Simula ng magising akong muli mula ng tangkain kong tumakas ay si Dr. Dan na ang nag asikaso sakin. Mabait siya at talaga namang very professional. Nakababatang kapatid siya ni Jake. Kung Si Dan ay todo asikaso, si Jake naman ay hindi na nagpakita magmula ng magising ako. To think that he is claiming as my husband pero wala siya sa tabi ko ngayon. Ewan ko ba kung bakit nalulungkot ako.         "What do you want?" hindi niya pinansin ang tanong ko bagkus ngumiti lamang siya at may inabot sa akin na isang envelope. I opened it and was shocked.         It was the results of the forensic and DNA test! Jenny's name was there and an unknown person. Agad akong kinabahan, nag pabalik-balik ako ng tingin sa kanya at sa papel na hawak ko. Hindi ko napigilang manginig sa kaba at takot.          "Y-You knew?" malalalim ang naging pag lunok ko, diko napigilan ang sarili ko ng maramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Ano nang mangyayari sa akin pagkatapos nito?           "Yes Amanda, I knew it all along." tipid niyang sabi.         "B-but why? P-paanong alam mo kung sino ako pero lahat naman kayo tinatawag akong J-jenny?!" nauutal kong sabi. Humugot ng malalim na hininga si Dan at nag umpisang i-detalye sa akin ang mga pangyayaring kinalimutan ng utak ko.         "Three years ago, na-aksidente si Jake at ang kanyang fiancé...si Jen. Including you," Napatutop na lang ako sa bibig ko para hindi lang niya makita ang sobrang kong takot sa kanya. "Yes Amanda, it was your car that hit them." Wala akong nagging kilos na nagawa. "Jake was safe, with only minor injuries. The other one was critical due to severe burns to the point that she can't be identified, and the third person was dead on arrival. We did a serial test including DNA to confirm the identity of the survivor. It did not match to Jen."           "Ibig sabihin—"           "She was dead." Si Dan na ang kusang tumapos sa sana'y sasabihin ko. Tuloy-tuloy lamang ang pag buhos ng mga luha ko para sa isang taong hindi ko kilala, ganunpama'y alam ko ang pakiramdam ng nawalan ng minamahal. Sa murang edad, napag daanan ko na ang lahat ng sakit na puwedeng maramdaman ng isang tao.         "Hindi ko alam kung papaano ko sabihin kay Jake ang masamang balita, ng biglang ka namang magising sa pag kaka-coma mo ng wala kang matandaan tungkol sa nakaraan. Then I've got an idea and I did the worst decision I have ever done in my life. Pinalabas kong ikaw si Jenny, na si Jenny ang nakaligtas sa aksidenteng iyon. I used your amnesia to cover up for Jenny's death. I let them reconstruct your face." puno ng kapaitan na kuwento niya sa akin, sa buong panahon ng pakikinig ko sa kanyan ay bilang na bilang ko ang aking pag hinga.           "But for Jenny, right?!" puno ng pait at sama ng loob kong sigaw sa kanya. Hindi ko namalayang nakuyom ko na ang kawawang papel sa palad ko. Unti-unti ko ng naiintindihan ang lahat-lahat. Kung bakit ganon na lamang ang pagtawag nila sa akin ng Jenny. Kung bakit sila andito sa tabi ko kahit hindi ko naman sila kilala. Dan's confessions hit me big time.         "I'm sorry I used you. It was a big mistake b-but-you were okay back then, until now." nag mamadali nitong paliwanag. Nakita ko din ang kinang sa mga mata nito pero ang katotohanang ginawa niya ang lahat ng iyon ay hindi parin makatarungan para sa akin. "Maybe its payback time for me. You hit your head again then now you remember."         "Y-you used me." buong pait kong sumbat sa kanya. Naubusan ng kulay ang mukha nito.         "I'm sorry, Amanda. I'm sorry I dragged you into this! Mahal ko ang kapatid ko. Ayoko lang na masaktan siya sa pag kawala ng babaeng mahal niya." basag na tinig niyang turan sa akin. He used me for so long and now he will just say sorry?         Ramdam ko ang bigat ng kasalanan ni Dan, sa akin at kay Jake. Ginawa lang niya ang alam niyang tama ng mga panahong iyon. Pero hindi ko magawang hindi magalit sa lahat ng ginawa niya sa akin. Inabot niya ako upang hawakan ang aking kamay pero piniksi ko iyon. Akala ba nila basta ganon na lang? Na hihingi sila ng tawad at pag katapos wala na?         "Please, say something." Dan was desperately looking at me saka ako napatingin sa kanya.         "W-what about now? Anong...ano na ang mangyayari sa akin ngayon?" napalunok ako ng makailang beses habang iniisip ko kung gaano kalaki ang kasalanan ko para gawin niya ito sa akin? "Hindi mo lang ako ginawang kriminal. Dahil sa lahat ng ito, mas dinagdagan mo pa ang kasalanan ko sa kanya. Sa tingin mo, mapapatawad niya ako? Hindi, Dan. Hindi!"         "Ikaw ang mag de-desisyon Amanda. Will you let me tell them the truth or we will keep this secret till we can?" seryoso niyang turan sa akin?         Wala akong maapuhap na sasabihin. Gusto kong mag pakatotoo at gawin ang tama na sabihin sa kanila na nakakaalala na ako pero sa kabilang banda, nasa panganib din ang buhay ko.         "What about my dad? Does he know that I'm—I'm d-dead?" yun ang unang pumasok sa isip ko.         "I've done my own investigation, and your dad was safe, hindi niya alam na buhay ka but he's still hoping that he will see you, alive," he assured me.         Sa dalawampu't-apat—hindi, sa dalawampu't-pitong taon ng existence ko natuto akong 'wag umasa sa tulong ng ibang tao. My dad let me live on my own, to be independent. But this time, it's different. Dan needs me. Jake needs me. I also need for my father to be safe. At ngayon nga nang mag kakaanak na ako. My baby is my outmost priority. Kahit ibuwis ko pa ang buhay ko.         "I-I've been running from Billy, my husband. Our marriage was not bound by love. It was an obligation, for my dad. Pero hindi mabuting tao si Billy." Kagat ko ang labi ko habang ipinaliliwanag ko kay Dan lahat ng naaalala ko, ang rason kung bakit ako nandito sa kinasasadlakan kong situwasyon. It's not clear to me why is he still wants me to be dead, kung nasa kanya na ang negosyo namin. Hindi pa bumabalik ang lahat ng mga alaala ko. There are still tiny pieces of my memories in the deepest part of my brain. At kailangan ko ng oras at panahon para ibalik ang lahat-lahat ng kinuha sa akin ni Billy. Ang ipinundar ng mga magulang ko, ang kalayaan ko, at ang buhay ko.         "Hindi ka niya mahahanap Amanda, remember you're in Jenny's face. Kahit na sino hindi ka makikilala. Think about your situation; use it in a positive way." Paniniguradong sabi sa akin ni Dan. Mariing hinawakan ni Dan ang kamay ko pero sa pag kakataong ito, tinanggap ko iyon.         Tama si Dan, habang hindi pa bumabalik lahat ng aking memorya, ligtas ako sa katauhan ni Jen. Hindi malalaman ni Billy na buhay ako. Nakatitig lang ako kay Dan at ganon din siya sa akin. Hindi ko maitatanggi na sa kabilang banda, tama siya.         Then I come up with the greatest decision I've ever done in my entire life.           "We will stick with your plan. I will help you and you will help me to fix myself. Habang hindi pa bumabalik ang lahat ng alaala ko, I...I will p-pretend to be Jen. Pero hindi ibig sabihin nito ay sang-ayon na ako sa lahat ng ginawa mo. Balang araw, malalaman din ni J-Jake ang lahat." nabuhayan ng pag asa si Dan at niyakap niya ako ng mahigpit saka nag pasalamat ng ilang beses.         I am so sorry, Jake. I have no intension of using you and Jen's love. Gusto lang naming protektahan ang puso mo. Hangad lang namin na maging masaya ka.           READY na akong ma-discharge. Sinabi na sa akin ni Dan lahat ng dapat kong malaman tungkol kay Jenny. Si Dan rin ang maghahatid sa akin, ayon sa kanya sa mansyon daw muna ako mamamalagi where he can check up on me anytime.         Sa Davao talaga kami nakatira. Sa kuwento niya ay may farm daw doon si Jake. Simula ng aksidente nag decide muna si Jake na doon muna manirahan. Malayo sa polusyon, para din daw maganda at mabilis ang pag galing ko. Madali kong nakagaanan ng loob si Dan. Typical na mabait, gentleman at good-looking. Madami na din naman akong nakilala na guwapo sa Austria but Dan is different. I can see a real brother in him.           "May mga iba ka pa bang kamag-anak bukod sa daddy mo?" dagdag na ni Dan sa akin habang inililigpit nito ang mga gamit ko.         Umiling ako. "Only child si daddy at purong naka-base naman si mommy sa Spain. My mom was born in Germany, but she grew up in Spain, sa mga lolo at lola ko." Kuwento ko naman sa kanya.         "Aah. That explains your features. Nabago man namin ang hulma ng mukha mo pero hindi maikakailang may dugong banyaga ka." sabi nito habang patuloy sa pag aayos.           "D-dan, ako na diyan." naki-agaw naman ako sa mga isinisilid niyang gamit ko sa bag but he just glared at me. Nahihiya man ako dahil siya ang nag aasikaso sa akin at sa mga gamit ko.           "Kabilin-bilinan ni Jake na huwag kang pag kikilusin. Praning iyong kapatid ko na iyon, kapag nalaman niyang hindi ko siya sinunod baka ilang buwan akong baldado." namutla ako sa sinabi niya. Is Jake really capable of doing that? I heard Dan chuckled kaya napalingon ako sa kanya, "Binibiro ka lang. But my brother is really a control freak. He's short-tempered, f*****g asshole. Masasanay ka din sa kanya." sinabayan pa niya ng kindat sa akin.           Napatungo na lang ako. Paano naman ako masasanay kung ngayon pa lang ay tinatakot na niya ako? Paano ko ba araw-araw malalampasan ang pag papanggap na ito. Buti sana kung katulad pa rin ako ng dati. Walang naaalala tungkol sa nakaraan ko. Kaso iba na ngayon, ang daming dapat isa alang-alang.           Siya at ang pamilya ni Jake, ang kaligtasan ko at ang baby.         "Dan, w-what about my eyes? Nabanggit mo sa akin na purong Pilipino si Jenny. H-how can we explained to them the color now of my eyes?" nag aalala pa din ako sa pag papanggap na gagawin namin. Kung noon effortless ang drama dahil wala naman talaga akong naaalala, puwes, iba na ngayon. Parang araw-araw bibitayin ako ng paulit-ulit sa pag sisinungaling.           "It's well taken cared of, Amanda. Sinabi ko na noon pa na naapektuhan ang vision mo dahil sa paulit-ulit na surgery and to make it fashionable, pinapagamit ka ng contact lenses dahil ayaw mo ng eyeglasses." may himig pang-aasar na wika ni Dan sa akin. Napabuga na lamang ako ng malalim na hininga dahil wala na talaga akong ibang option ngayon kundi ang magpanggap.           "So. Are you ready to go home?" tanong niya sakin showing his signature smile. Panigurado madami na din napaiyak tong mokong na'to. Tinignan ko ang nakaayos ko ng mga gamit. Lalo tuloy akong kinabahan, titira ako kasama ni Jake sa iisang bubong.           "Will I ever be ready?" Umirap ako sa kanya at alinlangan na sumagot. Sa totoo lang gusto ko ng mag back-out.           "We talk about this before, Amanda?" napalunok ako ng tawagin niya ako, nawala ang ngiti sa labi ni Dan saka napalitan ng kaseryosohan. Hinilot muna nito ang sentido saka malalim na huminga, "Ako ang bahala. Okay!"         Pilit akong tumango. Mayroon pa ba akong ibang pag pipilian? Lahat sila inaakalang ako si Jenny. Masasabi ko ba ang katotohanan sa kanila na hindi makakatanggap ng pang huhusga sa kanila kung nagkataon?         Mariin akong napapapikit saka tahimik na nanalangin. I slowly sit on the wheelchair as he grab my things then open the door. Sakto namang dumating si Jake. Pareho kaming natigilan ni Dan. Nakatingin lang din si Jake sa amin, partikular sa akin. Nag baba ako ng tingin dahil hindi ko kayang matitigan siya ng matagalan ng hindi nakukunsensya sa kasinungalingan ginagawa naming ng kapatid niya.           "You're just in time Jake, discharged na si Jen. Sinabi ko na sa kanya lahat ng instructions and medications that she will take. Hoy! nakikinig ka ba?" nakita ko ang malakas na pag hampas ni Dan kay Jake.            "Y-yes. Yes. Alam ko na. I can take it from here. Thanks, bro. I owe you." Nagtapikan pa silang magkapatid ng balikat at pag katapos ay siya ng pumuwesto sa liuran ng wheelchair ko.           "Jen, keep your distance to Jake. You are not fully recovered yet. Bawal pa ang—"           "f**k you!?" Jake sneered. Hindi ko napigilang pag initan ng pisngi sa sinabi ni Dan. Literal na pinadilatan ko siya ng mga mata. Alam kong nag papanggap lang ako pero hindi ko naman alam kung ano ang ginawa ko noong mga panahong wala akong maalala. "Well let's go then, Love—before I forgot what your DOCTOR’S advice was." Tila naubusan ako ng hangin lalo na ng kindatan ako ni Jake. Nag baba ako ng tingin habang itinutulak niya ang wheelchair ko. Sana lang maging maayos ang lahat. Sana lang wala akong taong masasaktan sa gagawin kong pag papanggap.           Iba talaga mag biro ang tadhana. Noon isa lang akong aspiring fashion designer na pinilit ipinakasal sa isang mayamang negosyante. Ngayon naman isa na akong impostora. Mapait akong napangiti. Nag iba na kasi ang itsura ko. A massive plastic surgery was all I needed to erased any traces of Amanda Giron in my life.           "Hey, is there something wrong babe?"           "Huh?!" nagulat ako sa tanong niya. Nilingon niya ako saglit habang naka stoplight. Matapos kong ma-discharge ay tutuloy na agad kami sa mansion ng mga dela Vega. I don't know what will expect from there pero hindi pumayag si Jake na maantala ang pag bi-biyahe naming lalo na at mahigpit na bilin ni Dan ang mahabang pahinga sa akin.           "Is there something that bothers you?" kunot noo niyang tanong sakin. Gusto kong matawa sa itsura niya dahil masyadong nakakunot ang noo niya.         I am so sorry, Jake. Kung alam mo lang.         "N-nothing..." pagka kuwan ay umiling ako saka nag bigay ng tipid na ngiti. Sakto ang pag tatama ng mga mata naming na agad ko naming binawi ng ibaling ko ang paningin ko sa labas ng bintana. Nahagip ko sa sidemirror ang ngiting hindi umabot sa mga mata niya na ikina-guilty ko ng husto.         Huminga ako ng malalim. You are now Mrs. Jenny dela Vega. You should act like her! Go! Kaya ko to!         "Uhm...Jake," Humarap muli ito sa akin while he is still driving, "W-where were you the last two days? Hindi kasi kita nakitang b-bumisita sa hospital."           Iyong totoo? Iyon talaga ang nasabi ko? Anu ba yan Amanda!  Masasapak kita!         "Seems like a nagging wife huh?" He grinned. Uminit na naman ang pisngi ko. Sabi ko nga hindi na sana ako nag salita. I instantly licked and bit my lip dahil sa pagkapahiya. Gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko ngayon.         "Nasa office lang ako, babe. Kahit kating-kati man ang mga paa ko na puntahan ka kaso ang higpit ng doktor mo. He said that my mere presence makes you more stress. Tama ba yun? Ang supportive niyang kapatid diba?" he glanced again at my side. Mukha namang nakahalata siya dahil bigla siyang nag seryoso. Ganito ba talaga ang mood niya? Unpredictable?         "Don't worry, Babe. I was well behaving. Promise!" giit nito sa akin. I smiled at him. The way he cracks jokes even if the topic was dead serious makes the problem lighter.           "Aahmm...J-Jake," Lumingon naman siya agad sakin, "Hmmmm?"           "I'm s-sorry for causing you so much trouble." I'm sorry din kasi nag papanggap akong si Jenny, ang babaeng talagang minamahal mo.         He stopped the car on the safe side of the road then he looked at me in the eye. He stares as me with full of promises and compassion.           He held my hand and kissed it.           "I should be the one who's saying sorry, Jen. Sa lahat ng mga maling desisyon ko, ikaw ang napapahamak. If only I could turn back the time. Hindi ko hahayaang masaktan ka. Just promise me..." hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko at dinala sa kaliwang dibdib niya, "Promise me you will never leave me. Hindi ko kaya. Mahal na mahal kita." he touches my face while still holding my hand.         I can't move. Napatda ako at walang maisagot sa sinabi niyang mahal niya ako. He gently cups my face, then he looked into my lips. Biglang naging mabigat ang hangin sa loob ng sasakyan at uminit ang aking pakiramdam. Hindi ako nakapalag ng bigla na lamang ikinulong ni Jake ang pisngi ko sa mga palad niya at dinampian ng halik ang labi ko. Nakauwang lang ang aking bibig habang hindi ko maipaliwanag kung bakit pinili ng mga mata kong pumikit. Halos dampi lang yun pero daig ko pa ang na kuryente ng 220 Volts. I can't describe what was just happened. I was kissed before, but it didn't felt like this.         Like I had finally come home.           Jake           I NEVER felt so helpless until today. Nang makita ko si Jen, unconscious in one of the benches outside the hospital – it scared the hell out of me.         Then the memories are coming back, into pieces. It's like, history repeats itself. Sabi ni Dan, sobrang pagod, stress at gutom ang dahilan kung bakit siya nahimatay. But he assured me that she's fine and as well as the baby.         I was relieved. For now, Jenny and our child's safety is my outmost concern. As I see her now, peacefully sleeping, umaasa ako na magiging maayos ang lahat sa aming dalawa. Kanina, when I saw her eyes full of fear of me, I can't breathe. I wanted to hug her, to kiss her, to say sorry that I am not with her when she needed me the most. But when she didn't recognize who I am? My heartbeat stopped. Literally, I want to die.         How I wished I was the one who is suffering, not her. I can take it, not her. Now, it makes me think. Does she deserve me? I mean, when all I can do is to make her suffer?         Tama bang ako ang minahal niya?         Pigil na pigil ko ang sarili kong dalawin si Jenny sa hospital. Ang sabi ni Dan, masyado daw siyang stress sa lahat ng nangyari. Makakatulong daw ang mahabang pahinga at hindi pang iistorbo sa asawa ko habang nag papagaling siya. Hindi ko din naman siya masisisi, kahit ako nag aalala ng lubos sa kalagayan niya dahil pangalawang beses na itong nangyari sa kanya.         Kaya heto ako ngayon, nag mumukmok sa opisina ko at nakatambak lang ang mga papeles na pipirmahan ko. Nasa opisina man ang katawan ko pero nasa hospital naman ang kaluluwa at puso ko. Ngayon na kasi idi-discharge si Jen, gustuhin ko man na ako ang nasa tabi niya ngayon, mahigpit ang bilin ni Dan sa akin.         Hell! But she's my wife! "Screw you, Dan! You're making my life miserable!" Saka ko pabalagbag na kinuha ang telepono and anxiously waiting for my secretary to pick up the line.         "Hello. Lyn? Cancel all of my meetings today. I don't care kung may presentation! Basta i-cancel mo lahat. I will call you to send the papers for me to sign in my house." saka ako buwisit na ibinagsak ang telepono and grabbed my keys. My day will not end without seeing her.         Matagal ng nakatigil ang sasakyan ko pero tulog pa din si Jen. I hate to wake her up. Nasa harapan ko ngayon ang pinaka magandang babae na nakita ko. Heart-shaped face, pointed nose, pale white skin, full-luscious lips. Siguro pag may makakakita sa akin na kakilala ko hindi maniniwala na nag nanakaw ako ng tingin sa asawa ko.         Kanina habang nasa kotse kami. She was uneasy. Ang layo-layo pa ng iniisip niya kaya hindi na niya ako narinig na nagsalita. Puwede pala yon?         She even asked me kung bakit hindi ako dumalaw sa kanya sa hospital. I kinda like it. She's jealous and possessive. Tangina. Kinilig ako. But when I saw her licked and bit her lower lip. Argh!! Heaven knows how much will power I have to resist on kissing her and take her here at the car. I've almost fired up. Pero nung nagtama na ang mga mata namin. I'm just a man, longing and wanting this woman beside me who happens to be my wife.         I kissed her.         Ayoko pa sana siyang gisingin pero baka mangalay na siya sa pag kakaupo, it's not healthy for her and our baby.         "Babe," I shrugged her gently enough to wake her up.         She moaned.         Fuck! Nadedemonyo na naman ang utak ko. It sent shivers in my entire body. Daig ko pa ang naka-energy drink. My desire ignited.         "Love, gising na. Andito na tayo." inisang tabi ko ang mga nararamdaman ko ngayon. Habang halpos ko naman ang makinis niyang pisngi.         "Hmm..." she opened her eyes; I see her clearly in my view here. My face was only an inch to hers and I want to kiss that sweet lips again. Agad naman itong umayos ng upo, "I-I'm s-sorry nakatulog p-pala ako." her voice was like she'd made love.         Damn. I was heating up.         What the f**k, Jacob? Get a grip on your crotch, you might scare her! I winced saka tuluyang umayos kundi baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong sunggaban na lang siya.           "Kanina pa sila nag hihintay sa atin. We're home."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD