Alas siyete na ng gabi ay hindi pa rin nakakauwi ng bahay si Ponyang. Sinubukan naman niyang lakarin ang pauwi sa mansyon ng mga Vander ngunit hindi niya alam kung saan ba ang tamang daan. Mahigit isang oras na siyang naglalakad, imbes na mapalapit sa kaniyang pupuntahan ay lalo pa siyang napalayo ngayon dahil nagkanda ligaw-ligaw na siya. Gusto na niyang umiyak, pagod na rin at namimigat na ang mga paa niya. Ang mahirap sa sitwasyon niya ngayon ay wala siyang mapagtanungan. Ang lahat ng tanungin niya ay hindi sila magkaintindihan. Nahihirapan din kasi siya kung paano ipaliwanag sa mga ito kung ano ang nangyari sa kaniya. Napagdesisyunan niya na huminto muna at magpahinga sa bakanteng bench na nadaanan niya na nakapwesto sa ilalim ng malaking puno. "Where is Isabela?" tanong ni Sebastian