Ponyang's POV "Isabela! Six o' clock na, gumising ka na!" Papungas-pungas na iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ko ang mahinang pagyugyog ni Ate Jen sa aking balikat. "Ate naman, inaantok pa 'ko, eh," reklamo ko, binalak kong magtalukbong ng kumot pero maagap na nahatak ito ni Ate Jen. "First day mo sa school, hindi ka puwedeng ma late." School ba kamo? Pasukan na? Huh! Dali-dali akong bumangon sa aking kama at nag inat-inat. "Nakahanda na ang uniform mo, maligo ka na para makasabay ka sa almusal," anito. "Ay...ay, Ate!" tuwang sabi ko sabay saludo. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayong malapit na ako sa aking pangarap. Alekzander U hintayin mo ang pinakamagandang si Isabela Marquez Vander." Waaahh! Echos lang, hindi pa nga pala kami kasal. Shet! Kinikilig ako. Maisip ko