Ponyang's POV Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na ako. Ang totoo, sino ba naman ang makakatulog sa sobrang lamig dito sa kwarto ko ngayon? Nakailang patong na ako ng damit, medyas at kumot ay hindi ko pa rin makuha ang init na gusto ng katawan ko. Tsk! Ibang init naman ata ang nasa isip ko. Erase... kae-eighteen ko pa lang, masyado pa akong bata para mag isip ng gan'yan. Hindi rin pala maganda kapag sa palasyo ka nakatira, ang hirap hanapin ng mga kasama mo sa bahay. Nasaan na kaya ang mister ko? Naks! feeling mo talaga totoong mag asawa na kami, noh? Sa papel lang kami mag-asawa, sana naman ay hindi lang sa papel, pati na sa gawa. Sayang kasi, natikman ko na sana ang yummyness ng asawa ko kagabi. Nasa honeymoon stage kami 'di ba? Pambihira, sana naman kasi kahit isang gabi mapagb