Ponyang's POV Waaaaah! Bakit ba ang lupit nila?! Sinasabi ng utak ko na mag-back out na lang ako pero ayaw naman ng katawan kong umalis sa kinauupuan ko ngayon habang ang mga staff ng play na naka assign sa wardrobe and make up ay abala sa pagbabago nang husto ng aking anyo. Kung alam ko lang talaga na ganito ang magiging role ko sa play na ito ay hindi na ako sumipot. Ang kaso nang makita nila ako ay nagsipagsugudan sila sa akin at pinagtulungan agad akong iupo sa upuan. Paano ko nga naman magagawang tumakas? "Isabela, 'wag kang malikot, please lang! para kang kiti-kiti d'yan pag ako naasar itatali kita para hindi ka na makagalaw!" mataray na sabi nung bading na gumagawa ng prosthetics ko. "Sorry po! Pero, Kuya, matagal pa ba, nangangalay na 'ko, eh?" Hindi ko mapigilan ang