Ponyang's POV Para akong masisiraan ng bait. Grabe! Ganito pala kahirap ang mag-college kung alam ko lang bumalik na lang ako sa amin at nagtinda na lang uli ng kakanin. "Pssst!" Bigla akong napatigil sa paglalakad ng may marinig akong sumisitsit sa likuran ko, at ng lingunin ko kung sino. Huh! Si poging Ice na naman. "Hihintayin kita sa C&C," sabi nito. Sasagot pa sana ako kaso hindi na ako pinansin nito at nagdire-diretso na ng lakad, nilagpasan lang ako, sumakay na sa pulang sports car nito at mabilis na pinaharurot iyon. Tsh! Pati ang sasakyan kakulay ng buhok niya. Napapailing ako habang tinatanaw ang papalayong sasakyan. Hay, paano na? Susunduin ako ni Ate Jen, kapag nalaman ni Sebastian Vander na may part time job ako pagagalitan akong tiyak ng masungit na mamang iyon. Asa