May dalang sasakyan si Raevan kaya sumabay na lang ako pauwi sa bahay. Napagdesisyunan ko na sa bahay ko na lang gamutin ang sugat niya dahil may first aid kit naman ako sa bahay. "Sorry at makalat pa ang bahay" ani ko pagpasok namin sa loob. Nakakahiya itong bahay ko. Hindi ako prepared kaya naman nakabalandra pa ang mga bago kong labang damit sa upuan. May mga papel na nagkalat at hindi ko nai-akyat sa taas. Mayroon pang hugasin sa lababo. Kung alam ko lang na magiging ganito, nakapaglinis man lang sana ako. Para tuloy akong hindi babae nito. "I don't mind" aniya bago pumasok sa loob. Lumibot ang kaniyang mata sa munti kong bahay. Kinuha ko naman ang gabundok kong mga damit sa bangkuan kong yari sa matibay na kahoy para doon siya umupo. "Upo ka muna" I gestured him to sit.