Naalimpungatan ako nang may yumugyog sa balikat. Nang imulat ko ang mata ko, si mama ang nakita ko. Napatingin ako sa cellphone ko upang tingnan kong anong oras na. Alas sinco palang nang umaga. "Ang aga mo naman ma. Sana nagpahinga ka muna ng matagal." Sabi ko kay mama. "Di rin naman ako mapakali sa bahay. Lalo pa at alam kong wala kang magagamit dito." Sagot ni mama. "Salamat ma. Naabala ko pa tuloy kayo." Sabi ko sa kanya. "Ano kaba naman anak. Sino ba naman ang magtutulungan kondi tayo lang ding pamilya. Oh, kape ka muna para mainitan naman yang tiyan mo. May dala rin akong puto. Kumain ka muna habang tulog pa yang anak mo." Sabi niya. Bumaba ako sa hospital bed ni Jaia at lumapit sa isang maliit na lamesa. Bawat pasyente may nakalaan na tig-iisang lamesa marahil ay para ito sa