TRESH 11

2163 Words
MALAKAS pa rin ang kabog ng dibdib ni Joshana hanggang makarating siya ng Opisina. Pero kahit lagi siya nitong iniinis ay tila hinahanap-hanap niya ang presensiya nito at kung paano ay kinikilig siya sa mg gestures nito sa hindi niya mawaring dahilan. Napahawak siya sa kanyang dibdib. "No, Joshana. Hindi ka in-love. He was teasing you dahil sa kompanya at hindi dahil gusto ka niya," warning niya sa sarili. Kung palagi itong magpapatuloy, baka nga bumigay na siya. Baka bumaba na ang depensa niya at magpasakop na lang sa asawa sa papel. Sa tuwing sasagi sa isipan niya si Tresher Lance ay ang mga gestures nito ang naaalala niya. Mabilis niyang pinilig ang ulo at binalikan ang nakabukas ng papeles sa harapan niya. Bahagya pa nga siyang nagulat nang tumunog ang phone niya dahil sa natanggap na text. 'Pwde bng huminto k s pgtakbo? Pra kng runner.' Napatingin siya sa number. Walang dudang galing iyon sa asawa niya. Sinagot naman niya iyon. 'Pingsasasabi mo?' 'Knina k p kc tumatakbo s isip ko.' Wala na, huminto na ang t***k ng puso niya sa pagpipigil sa pagngiti. At nang muling makatanggap ng text na, 'Wag k munang kiligin. Kulang p kc yan pra mbasa mo ang nilalamn ng puso ko.' Mayamaya ay may nakasunod na text na naman. 'Nabsa mo b ang pangalan mo s puso ko? Damn it, prang tattoo.' Sabay ang kasunod na text na naman. 'Wag kng papalipas ng gutom, ayaw kong maover work k, misis ko. Muah!' Kusang umangat ang labi ni Joshana at tuluyan ng napangiti. "Ms. Shana," tawag ng mahadera niyang sekretarya. Bigla siyang nataranta at kamuntik pang mabitiwan ang phone habang paulit-ulit na binabasa ang text ng asawa niya. Napatawa ang mahadera, "Ikaw Ma'am ah, ganyan ka pala kiligin." Saka humirit ng mapanuksong pagtawa. Tumikhim siya at agad inayos ang sarili mula sa pagkapahiya. "Anong kailangan mo?" "Am, may bisita po kayo sa labas. Asawa nyo raw po." Napatayo mula sa kinauupuan si Joshana. How could he said that matters to her employee? Wala pa naman siyang ipinapakilala pa. Ang lakas naman ng loob nito para i-aanounce na ito ang asawa niya. Kaagad niyang nilabas ang asawang nasa Lobby sa ground floor. Mula sa pasilyo ay kita niyang maraming napapatingin kay Tresher at kinukuhaan pa ito ng litrato na animo ay isang celebrity. Nang bumaba siya mula sa elevator at nakita siya ng mga naroroon ay kaagad na nag-alisan at iwasan ang mga empleyado na tila nakakita ng multo sa pagmamadaling makabalik sa sari-sariling pwesto. Nawala na sa paligid ang mga usi, siya namang paglapit niya ng tuluyan kay Tresher Lance. "How dare you? Anong karapatan mong sabihin sa kanila na asawa kita?" Inilang hakbang ni Tresh ang pagitan nila. "You mean, ikinahihiya mo talaga ako?" Natahimik siya at nag-alinlangan sa mga binitiwang salita. "Hindi sa ga'non. Ayaw ko lang maging laman ng tuksuhan," pag-eesplika niya habang hindi na makatingin dito ng diretso. "Here." Sabay abot ng naka-paper bag na Tupperwares. "Alam kong hindi ka nakakain kanina ng almusal. Sinamahan ko na rin 'yan ng lunch at dinner. In case na hindi ka na maka-order ng pagkain." Tinanggap niya ang paper bag at hindi na nagawang muli pang magsalita. Tiyak siyang na-dissapoint niya ito. Pero, bakit naman kaya ito madi-dissapoint sa sinabi niya. "Aalis na ako. Nag-alala lang ako na hindi ka nakakain." Saka na ito tumalikod. Nahimigan niya ang bakas ng kalungkutan sa boses nito. Kaya lang ay nanaig pa rin sa kanya na ang kompanya lang talaga ang inaalala at habol nito. Hindi na lang niya pinigilan pa ito. She cleared her mind about Tresher Lance Anderson. Kasi kung totong, hindi lang ang kompanya ang habol nito sa kanya dapat ay sinabi na nito. Pero, ano naman kaya ang posible niyang isagot? LATE ng nakauwi si Joshana at kagaya ng nakaraan ay wala ng tao sa paligid. Napakatahimik na halos ikabingi ng kanyang nag-iingay na isipan. Dire-diretsong pumasok ng sariling silid si Joshana. Bukas ay palalayain na niya ito. Paaalisin na niya sa kanyang pamamahay at sa kanyang buhay ang asawa sa papel. Kinabukasan ay nagkusang magdilat ang mga mata ni Joshana nang naamoy ang mga niluluto na tuluyang nagpapalakas ng ingay ng kanyang tiyan. Pagkababa sa hagdan ay sinalubong siya ng alok ng matandang katiwala at ni Tresher. “Come, join us,” maiksing sabi nito. “Ibang klase pa lang magluto itong asawa mo, Shana. Masarap na, magaling pa,” puri pa ni Aling Magda. Mas nais nitong tawagin siyang Shana kaysa sa Josh. “Hindi ako kakain. Sa Opisina na po ako mag-aalmusal.” “Don’t buy. I prepared your food. Kung hindi mo naman gustong kainin. Bahala ka ng ipamigay, but don’t waste,” iyon lang ang sinabi nito at tinalikuran na siya. Kasing lamig ng umagang iyon ang trato na nito sa kanya, marahil ay nararamdaman na nito ang ginagawa niya. Kaya binabalik na nito kung ano ang ginagawa niya. Apektado nga yata ito sa mga sinabi niya kahapon at sa nagdaang araw. Nang tuluyan na itong mawala sa paningin niya, lumapit siya sa mesa at kinuha ang plato saka dinampot ang nakalapag na tinapay at ang ginawa nitong tuna spread na favorite niya. “Akala ko ba hindi ka gutom?” Nilisikan niya ng mata si Aling Magda, naramdaman naman nito ang ibig niyang sabihin. Simula nang tumira roon si Tresher Lance, hindi pa niya tinikman ang ano mang niluto nito maliban kahapon at ngayon pa lang. Hindi pa nga niya ito nagawang sabayan man lang sa pagkain. Kahit pa ilang beses na nitong pinaparamdam ang pagiging asawa. Napapangiti pa nga siya dahil totoong masarap ito magluto. Bibihirang may lalaking magaling magluto. Kung siya nga, kahit ang magprito ng itlog na sunny side up, hindi niya ma-perfect. Kaya bigla siyang humanga rito. Unti-unti tuloy nawawalan na ng bisa ang mga binibilin niya sa sariling utak na huwag magpaapekto sa lalaking ito. Bakit hindi mo subukan? Iyon ang huling usapan nila ni Karline sa phone noong nakaraan. Pinatawad na niya ito, bestfriend niya si Karline at hindi niya ito matitiis. Ayon dito mukhang maganda naman ang intensyon ni Tresher Lance sa kanya. Bakit nga naman hindi niya subukan na makipaglapit dito? Paano nga naman kung dumating ang time na mawala na ito sa paningin niya? At kapag nawala na ito, hindi na niya mapaparamdam kung ano ang totoo niyang nararamdaman para rito. Nakarating na siya sa opisina, blangko ang utak niya at ukopado ni Tresher Lance. Nang tingnan ni Joshana ang sariling phone, wala ni isang text ito sa kanya. Samantalang noong unang araw na naroon ito, ‘Good morning’ ang unang bati ni Lance sa text at puro cheesy words. Hindi niya maikakait na nami-miss niya ito. Ang pangungulit nito, ang paglalambing and the way he looks at her like she was the only woman in the world he ever met. Napabuntong hininga siya. “Joshana.. nababaliw ka na,” sabi pa niya sa sarili habang nakatingin sa cellphone niya. She type ‘Hi. Thanks sa baon. Tuna spread is my favorite.’ And now Joshana’s having a hard time if she’s going to send it. Pero s-in-end pa rin niya, bahala na kung ano ang isipin ni Lance sa tinext niya. ‘Welcome’ iyon lang ang um-appear sa screen niya na reply nito. Bigla siyang nalungkot, wala na ang nakakaasar na Tresher Lance na tinatadtad siya ng text at nagpapakilig sa araw-araw niya. Wala na ring magde-deliver ng mga baon niya, magluluto para sa kanya at handang magpakaalila. Lumamig na ito, kasing lamig ng in-order niyang Ice Coffee. Inalis na lang niya sa isipan niya si Lance at pinagtuunan ang trabaho. Kailangan niyang matapos ang deadlines dahil mawawala siya ng dalawang araw. Bukas ng sabado na siya tutungo ng Isabella at magpapaabot na siya ng Lunes. Minabuti na niyang makauwi ng maaga, kakausapin na niya si Lance. Aamin na siya rito, dahil ayaw niyang mahuli ang lahat. Ayaw na niyang itago pa ang totoo niyang damdamin. Kapag siguro nagpumilit pa ito tungkol sa kompanya, marahil ay hihinto na rin siya. Dumating na siya sa bahay ngunit walang Tresher Lance Anderson na namataan niya roon. “Aling Magda nasan si Lance?” “Si Tresh ba?” nagtataka pa ito kung sinong Lance ang tinutukoy niya. “Tresher Lance po ang pangalan niya.” “Ah. Ganun ba. Ayaw niya raw kasing tinatawag ng Lance. Gusto niya Tresh,” pagpapaliwanag pa nito. Napadabog siya sa katagalan nito sumagot. “Na’san na nga po siya?” “Hindi ba kayo nagkasalubong? Kaaalis lang niya.” “Umalis siya? Saan daw ang punta?” “Babalik daw muna siya sa kanila.” Nagkibit-balikat pa ang Ginang kung saang eksakto ang punta nito. Biglang nagtubig ang mga mata niya. Dumiretso na siya ng kwarto para tawagan ito. “Hello, Lance.” Hindi pa inabot ng ilang minuto may sumagot agad sa kabilang linya. “May problema ba?” “Na ‘san ka?” “Nasa Manila ako, sa Lola ko. Bakit, may problema ba?” muling tanong nito. Hindi na kasing lamig ng ice coffee ang boses nito. May bahid na iyon ng pag-aalala dahil sa biglaang pagtawag niya. Bigla siyang natawa sa sarili. She was exaggerated that she thinks he flew going back to Canada. “W-wala. Sige bye.” Hindi na niya binanggit ang totoong dahilan dahil ayaw niyang pagtawanan siya nito. Hinanda na lang niya ang mga gamit niya, bukas ng alasais ng umaga ang alis niya patungong Isabella. Nang lumabas siya ng kwarto, nagtungo siya sa garden at naupo sa gilid habang nakatingala sa kalangitan. Puno ng bituin ang kalangitan. Ngunit tila hindi naman bituin ang nakikita niya mula sa kalangitan kun ’di ang mukha ni Tresher Lance. Pinilig niya ang ulo dahil sa halusinasyon, muling ibinalik niya ang tingin sa kalangitan. Nagulat na lamang siya nang may naglapag ng damit sa likuran niya. Sanay siyang magsuot lang ng kamison dress o night dress dahil doon siya komportable. “Malamig sa labas, nagpapaantok ka pa?” Tumingin siya kay Lance, nakatingala ito at pinagmamasdan din ang tinitingnan niya. Wala naman siyang maipipintas sa lalaking ito. His looks, 'di naman maikakailang gwapo nga ito. He has pointed nose, his eyes that has sparks whenever she’s looking at him. Ngunit sa anyo nito ngayon, mukhang problemado rin ito, manaka-nakang bigote ang tumutubo sa baba nito. Hindi pa ito nakaka-shave at magulo rin ang buhok nito. “’Wag mo akong titigan, kapag na-in-love ka sa ‘kin, wala na akong kasalanan diyan.” Nag-iwas siya ng tingin dito. “Asa ka naman.” “Oo. Kasi ako, ga'non na.” Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito, napa-awang pa ang bibig niya at nabigla. Hindi nga niya alam kung ano ang ire-react. Magsasalita pa sana siya nang biglang kinawit ni Lance ang kamay sa batok niya para maglapit ang labi nila. He kisses him deeper as before and his tongue moves as it was wandering over her mouth. Naramdaman niya ang pangangailangan nito, ang pagka-miss nito sa kanya. Lance may be fewer in words, but his moves, his actions, shows it all. She always denies it. Hindi pa sana sila titigil kung hindi lang nila narinig ang pagtili ni Aling Magda. “Ay! Pasensiya na,” hinging paumanhin ng Ginang at nagmamadaling tinalikuran sila. Nawala na sa paningin nila ang Ginang, pareho silang nailang at hindi na makatingin sa isa’t-isa. “Gusto mo pa rin bang makipag-annul?” Nagulat siya sa tanong nito. Seryoso na ang mukha nito ngunit may bakas ng lungkot. “I will not stay here for long. Like you, I do have business in Canada. At hindi ko rin ‘yon pwedeng pabayaan,” nakatungo lang ito at hindi tumitingin sa kanya. “To tell you the truth, wala akong balak ma-link sa ‘yo. Ang company talaga ang habol ko, lalo na nang malaman kong ikaw pala ‘yong batang uhuging kaklase ko noon. But when I saw you wearing your two piece, I don’t know what strucks me. I’m so strung out on you. And I tell my self na baka hanggang ‘DON lang ang gusto ko sa ‘yo.” Tumingin ito sa kanya. “You know what I mean. But every time I see you.. my mind wanders. My mind pushing me na sana, ako ang lagi mong kasama, na sana lagi akong nasa tabi mo. Na hindi ako mapakali kapag wala ka pa, at hindi ko alam ang gagawin ko kapag pinakawalan kita.” Napatungo rin si Joshana. “Lance, Aling Magda told me na ayaw mong tinatawag ng Lance. Kaya from now on, Tresh na ang itatawag ko sa ‘yo. Pero kung ayaw mo pala na tawagin kang Lance bakit hinayaan mo ako?” “You're changing topic again. You don’t like confrontations do you?” Tiningnan niya ang mga mata nito. “Tresh, I can’t tell yet.” 'Sinungaling!' untag niya sa sarili dahil ang totoo ay gustong-gusto na rin niya ito. At aamin na nga sana siya pero inuunahan naman siya ng kaba at ng takot. Hindi tuloy malaman nito kung para saan ang sagot niya, sa comfrontations o sa nararamdaman niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD