EXELLE 13

1420 Words
NAKANGITING nagpaalam pa si Vian sa mga kuya niya nang inihatid siya ng mga ito sa Airport. Nagmamadali na rin siyang umalis lalo pa at nakarating sa kaalaman niya na hinahanap na siya ni Rexelle. Ayaw na niyang minsan pang magkrus ang landas nila dahil natatakot siyang patuloy itong masaktan sa piling niya. Alam niyang nagtiwala na ito ng buo at ipinaubaya ang puso sa kanya ngunit natatakot siyang hindi magantihan ang pagmamahal na iniuukol nito sa kanya at lalo pang magkaroon ng kakulangan. Nauna nang nagpaalam si Vian sa mga katrabaho, lalo na sa boss niyang minsang naging impakta ngunit naging napakabuti sa kanya. At kay Dea na palagi siyang inuunawa at tinutulungan sa oras na kailangan niya. Napaiyak na rin siya nang makitang umiiyak si Dea habang nagpupunas ng sipon. "Kailangan ba talagang mag-iyakan tayo rito?" tanong niya na pilit kino-composed ang sarili. "Para namang hindi ako babalik at out of the country ang pupuntahan ko. Malapit lang naman, puwedeng-puwede mo akong dalawin, Bes?" Nauna ng umalis ang mga kuya niya dahil ayaw ng mga itong pigilan pa siya, samantalang nagpaiwan naman si Dea para lang hintayin talaga ang pagsakay niya sa Eroplano. Humalik siya sa pisngi ng kaibigan saka diretso ng naglakad. Ayaw na niyang lumingon pa at baka magawa na niya ang tuluyang umatras at hindi mapanindigan ang kabaliwan niyang ito. Isang taon ang pinirmahan niyang kontrata sa Gen San kung saan nakatalaga ang pinakamalayo nilang Branch. Prenteng nakaupo na siya sa loob ng eroplano pero ang isip niya ay buhay na buhay pa rin. Paminsan-minsang napapatingin siya sa mga lalaki sa eroplano dahil baka sumunod doon si Rexelle. Hindi niya masasabing kilala niyang ng buo ang binata pero alam niyang kaya nitong gawin ang kahit ano. Bilang huling regalo at pagtanaw ng utang na loob kay Rexelle, may inupahan siyang informer para hanapin ang totoong ina ni Rexelle. At tila kay liit ng mundo nang malaman niyang ang nakausap at nakakwentuhan niya noon na hinayaan pa siyang mamalagi sa bahay nito ay walang iba kundi ang nawawalang ina ni Rexelle Ravillo, si Mayrina dela Merced-Ocampo. Alam niyang huli na ang lahat pero kahit paano ay alam niyang mabubunutan siya ng tinik at baka sakaling mabawasan ang iniwan niyang sakit kay Rexelle. Binuksan niya ang cellphone at nag-record doon ng sasabihin niya para kay Rexelle. Dahil sa totoo lang ay nami-miss niya ang binata pero sadya talagang dumarating sa punto na hindi sila maaari sa isa't-isa. Makakasira na siya sa image ng binata, magiging threaten pa siya sa pagsikat nito. It was really hard to accept specially the pain, the pain she brought to Rexelle Ravillo. "Thank you and goodbye," huling paalam niya sa recording saka tuluyan ng pinatay ang phone. INABALA ni Rexelle ang sarili sa paghahanap ng drummer para sa kanilang banda. Ayaw niyang isipin na dahil lang sa isang babae ay mabubuwag ang bandang pinangarap niyang mabuo. "Next!" Sumunod ang lalaki na naupo sa tapat niya saka humampas ng drum. "Damn it! Wala na bang mas matino?" Para ng sumisigaw sa inis si Rexelle. Simula nang iwan siya ng dalaga ay naging malala ang ugali niya lalo na sa mga staff o ibang taong nakapaligid sa kanya. Balik na naman siya sa pagiging suplado, cold, rude at aloof na kilala ng lahat. "Mukhang nagbalik na ang dating Rexelle." Narinig niyang sabi ng isa niyang kasama sa banda. "But I think, I like the new Rexelle than before," singit ni Lejan habang nanonood lang sa susunod na lalaking uupo sa harapan ni Rexelle para pumalo ng drum. Ngunit, reject na naman ito. "Mabuti pang huwag na tayong kumuha ng drummer," mariing sabi ni Rexelle. "Excuse me!" Naagaw ng pansin ang lahat ng may isang tumayo. Naka-bullcap ito at nakasuot ng jersey shirt habang naka-three fourt na maong at rubber shoes. Na-astigan siya sa anyo ng lalaki. "Nagpalista ka ba?" mabilis na gagad ni Rexelle bilang pambabara. "No, but I want to try." "Exelle, let him try," pakiusap ni Lejan. Walang ganang tumango lang si Rexelle at naupo sa tabi habang hawak ang cellphone at hinihintay na baka sakaling i-reply ni Viena ang mga nagdaang misscalls niya at texts. Hindi na rin siya naghabla para kasuhan ang gumawa ng mga article dahil nais pa niya iyong patotohanan. Nagtungo siya sa kompanyang pinapasukan nito, bagaman alam na niya ang lahat ay wala ni isa ang makapagsabi kung nasaan ang dalaga. Malapit na nga niyang ikabaliw ang paghahanap dito. Ngunit anong mang gawin mong hanap ay hindi talaga magpapakita ang taong ayaw magpakita, kahit pa, baliktarin mo man ang mundo. Sinukuan na niya ang bagay na iyon hanggang nadala siya ng mga paa sa bahay nina Viena na mas kilala bilang Vian. Mismong mga kuya niya ay nagsabing topakin ang dalaga, mahirap unawain at minsan magulo mag-isip. Ang mga ito na rin ang nagsabing kalimutan na niya ito. Kung sila talaga ang nakalaan, babalik at babalik ito gaano katagal man siyang maghintay. He never felt betrayed. Well, Rexelle felt it once. Kaya lang ay alam na niyang nagpapanggap si Viena na ibang tao nang mapansin niyang may kakaiba sa dalaga. Kaya pina-imbestigahan niya iyon sa kanyang Manager na kumuha ng tao para alamin ang buo niyang pagkatao. But then he realized na hindi naman pagkatao ni Viena o Vian ang minahal niya kundi ito mismo. Ang kadaldalan nito, kagagahan, kakulitan at ang pagiging masayahin nito kahit gaano pa kalamig ang pakikitungo niya sa dalaga. Napukaw ang atensyon ni Rexelle nang kanina pa pala ito pumapalo ng drum. Wala sa sariling nagsalita siya, "Tanggap ka na." Pagkatapos ay iniwan na ang mga ito. Nagkulong na lang sa kwarto si Rexelle at hindi na lumabas sa tinutuluyan nilang Resort para maki-jamming sa bagong recruit at kabilang sa grupo. Biglang bumukas ang pinto. Iniharang ni Rexelle ang braso sa pagitan ng noo at mga mata para isipin ng kung sino na tulog na siya. "From our informer, Viena will leaving the Manila." Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang balita ng kanyang Manager. Umalis na rin ito pagkatapos iyong sabihin. "No. Ba't ko siya susundan?" Ngunit natagpuan na lang ni Rexelle ang sarili na nakarating na sa Airport. He was thirty minutes late nang magtanong siya sa reception at sinabing nakaalis na ang huling eroplanong ba-biyahe patungong GenSan. "No! Ba't kailangan mo akong iwanan? Matapos mong sabihing mahal mo ako, matapos mong ipaubaya ng buo ang sarili't puso mo, you'll leave me. Damn!" Niloloko na niya ang sarili para isiping mahal siya ng dalaga. First stage of heartache, indenial. Kamamadali ay hindi pala niya napansing naiwan ang phone sa kwarto. Nang makabalik siya ay nakita niya ang isang misscall. Kasunod ang isang recording. Agad siyang napangiti ng marinig ang boses nito. Second stage of heartache -anger. Galit siya kay Viena dahil naging makasarili ito at hindi inisip na hindi naman basta iyon lang ang bagay na ikatutuwa niya. Nang marinig niya ang kabuuhan ng recording ng dalaga ay tila napuno ng galit ang dibdib niya. Wala na siyang balak makipag-reconcile sa kanyang ina na pinabayaan siya at pinaampon sa iba. His Mother cause his pain in his heart, causes why he grew up like that. And he have no intentions to meet her, ever. Napasalampak na lang sa sahig si Rexelle habang hawak na naman ang bote ng brandy na binili niya sa Bar sa loob ng Resort. Today was his day, today was his day to endure and suffer all the pain. "All woman are similar. Pare-pareho lang silang manloloko. She uses me, while the other abandoned me! F*ck! Bakit kailangang ako lang ang makaramdam ng ganitong pakiramdam? Why I need to endure the pain while you woman, enjoying seeing me, this miserable?" Muli siyang tumungga sa hawak na brandy. "I hate you b***h! Filthy liar, f*cking b***h!" Mukhang mga ka-bandmate na ni Rexelle ang naaawa lang sa kanya kaya pinuntahan na siya sa kwarto at sinamahan uminom. "Manager, ibili mo ako ng ticket pa Zambales, ticket for two," mariing sabi sa kanya ng isa sa bandmate ni Rexelle. "Bakit? Magbabakasyon?" "Ipapatapon namin si Rexelle sa Zambales," sabi ni Lejan na tinanguan lang ng Manager na si Jester at naintindihan na ang ibig nilang sabihin. Ayaw na ayaw ni Lejan na nalalasing si Rexelle lalo pa at nagiging ma-drama ito pagnakainom na at hindi na naaalis ang totong saloobin nito na kinaawaan naman niya at ramdam niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD