CHASE 8

2340 Words
LALONG nalito si Edina sa ginawa nito. Napadikit ang likuran niya sa bahagi ng sasakyan nang idiin nito ang halik sa kanya. Pinagbuti nito ang paghalik at mas lalo iyong pinalalim. Napapasinghap na nga lang siya sa ginagawa nito. Nang bahagyang mapabuka ang kanyang bibig ay nabigyan ito ng access para tuluyan nitong pasukin ang loob ng bibig niya. Sa sarap nitong humalik ay tila dinuduyan na siya sa langit. Ang mga halik nito na tila nagsasabi na pag-aari siya nito. Bakit ba kahit anong takas niya rito ay tila lalo lang siya nahuhulog sa binata? At ang walang hiya ay binibigyan na siya ng dahilan para gawin siyang pag-aari nito. "We're not going to courting stage. Hindi na ako manliligaw pa sa iyo. Dahil ang totoo ay hindi ko alam kung paano manligaw. It was my first time. In twenty seven years of existence, ngayon ko lang naramdaman ito. Lahat ng ito ay bago at hindi ko alam kung paano ito tatakasan." Niyakap siya ni Chase, napayakap na rin siya rito. Sa yakap nito ay tila nangungulila ito at sabik na makasama siya. "I know you're tired. I'll take you home." Saka kumalas sa pagkakayakap dito. "Sana, hindi ito ang huling nating pagkikita," sabi pa nito habang nakabakod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya. "Dahil hindi rin naman ako papayag. I want you to be mine, Edina. Ayaw ko ng kahati, gusto ko akin ka lang," dagdag pa nito na hindi nilulubayan ng tingin ang mga mata niya. Kita niya sa mga mata nito ang pagiging seryoso, mukhang wala na nga siyang takas. Bihag at pag-aari na siya ng isang Chaser Dela Torre. Pinanindigan nga ni Chase ang mga binitiwang salita sa kanya. Hatid-sundo siya nito. Sa pakiusap na rin niyang nais ng matinong trabaho, ibinalik siya ni Chase sa kaibigan pala nito. Ginagawa siyang Admin Assistant doon pero tinanggihan lang niya dahil hindi naman siya graduate ng College saka wala siyang alam sa ganoon. Pikit-mata at bingi-bingian na lang niyang tinatanggap ang lahat ng mga naririnig niyang insulto sa mga nakapaligid sa kanya. Kung sasaya naman si Chase na makasama siya, ay masaya na rin siya. Chase were ready to give up everything for her. Paano ba naman iyong tanggapin na lang niya ang lahat ng mga insultong ibinabato sa kanya dahil sa pakikipagrelasyon niya sa CEO ng isang Electronic Company. Sinundan na lang niya ang takbo ng mga nangyayari. Madalas itong bumibisita sa upahang bahay nila ni Edina. Kung anu-ano pa nga ang madalas nitong dalhin para sa kanya na hindi na man niya pinagtutuunan ng pansin. Madalas pa ngang si Aleja lang ang nakikinabang kagaya ng palaging bouquet ng roses at mga mamahaling chocolates. Kapag dinadala naman siya ni Chase sa Restaurant, madalas naman kung anu-anong mga mamahaling alahas ang binibili nito sa kanya. Hindi naman siya maluhong tao, sapat na sa kanya kung ano ang nariyan kaya kahit ayaw niya, napipilitan na lang siyang tanggapin ang mga iyon. Napatingin si Aleja sa isang box na naman ng necklace na nasa kama. "Galing na naman sa boyfriend mong si Chase?" Kung tutuusin wala naman siyang matandaang sinagot niya ito. Pero ganoon pa rin ang nangyari. Naging magkarelasyon sila sa isang iglap. Hindi naman iyon tinutulan ng damdamin niya dahil hulog na hulog na siya kay Chase. Bagaman hindi pa siya handang umamin, humahanap na lamang ng tiyempo. Nais niya ang binata muna ang tuluyang mahulog sa kanya bago siya at kung handa ba nitong tanggapin ang lahat-lahat sa kanya kabilang ang pamilya niya. "Kunin mo na lang. Hindi ko naman pwedeng ibenta 'yan," sagot niya kay Aleja. "Gaga! Malamang, sayang 'yan. Hindi na 'no, baka hanapin pa sa iyo 'yan," mabilis na tanggi ni Aleja na nanghihinayang sa mga binibigay ni Chase at natatakot na baka, hanapin ni Chase ang mga binibigay nito kay Edina. Hinayaan na lamang ni Edina ang kaibigan. Naiintindihan naman niya ito kung bakit tila ayaw nitong makialam sa nangyayari sa kanila ni Chase. Naging maganda naman ang takbo ng lahat. Unti-unti na niyang minamahal ang binata at ganoon din naman ito sa kanya. Palagi itong nakaabang para alalayan siya, kulang na nga lang ay kargahin na siya nito tuwing magkasama sila dahil sa dalas nilang mag-date. Palagi itong nakalambing sa kanya na parang bata. Halos ayaw na nito humiwalay sa kanya at kulang na nga rin ay ibulsa siya nito para lang hindi na siya mawaglit sa paningin nito. Ganoon na siya nito kamahal. Pagmamahal na sobra at umaapaw. Kahit sa trabaho ay hindi na tago ang lahat sa kanila ni Chase, siya ang palaging laman ng bulong-bulungan. Iwinawalang bahala na nga lang niya iyon. Sa totoo lang iyon ang pinakamahirap na yugto ng buhay ni Edina, ang makisabay sa mga upper class at hayaang maliitin siya. Isang hapon, pinasya ni Chase na mamasyal sila na malayo sa lahat. Dahil sa trabaho at sa biyahe, sa sandaling nakasakay siya sa sasakyan nito ay hindi na niya maiwasang bahagyang pumikit. "May Ancestral House kami sa Laguna. Minsan kapag nalulungkot ako, doon ako nagpapalipas ng oras." Hinayaan na lang niyang magsalita si Chase. Hanggang sa napapapikit na siya ng tuluyan. Sumusuko na ang mata niya dahil sa pagod at antok. Kulang pa siya sa pahinga at tulog dahil may dumating na guest ang kompanya kaya naging abala siya sa trabaho at pakikisali sa pag-organize ng event. Kung hindi nga lang siya ninakaw ni Chase sa kanyang amo ay hindi siya mapipilitang sasama. Balak pa rin kasi niyang magpatuloy sa trabaho. Kahit kung tutuusin, kayang-kaya naman ni Chase na magtrabaho at buhayin siya. Iyon nga lang ay hindi ang tipo niya ang ganoon ang mindset sa buhay. Kahit pa madalas siya sa Unit ng binata, wala naman silang gaanong nagagawa kundi ang maglambingan, harapin ang hinaharap at pagtulungan ang mangyayari sa kinabukasan. Nang magmulat siya ng mata, napansin niyang may nakapatong na tela sa katawan niya. Marahan siyang napadilat at naisip na ikinumot siguro nito ang coat sa kanya. Nakahinto na ang sasakyan kaya, umayos na siya ng upo. "Saan na tayo?" "Here we are, Alaminos, Laguna." Anunsyo nito na kasabay ang pagbaba sa sasakyan, naglakad paikot at pinagbuksan siya ng pinto. "Salamat." Sabi niya nang mapagbuksan na siya ng pinto nito. NAKATAYO na sila sa tapat ng malaking gate. Namangha siya sa laki ng lugar na tinawag nitong Ancestral house. Tunay ngang napakayaman nito at tsamba na kung siya ang mapili nitong pakasalan—bigtime, a one time-millionaire and instant Cinderella nga. Marami man siyang naiisip na magaganda kung siya nga ang makatuluyan nito ngunit mas namumuo ang pag-aalala na walang forever. Chos! Mas nangunguna lang ang isiping hindi sila magkapantay at maaring masaktan lang siya. "Wow! Ang ganda!" Hanggang makapasok sila sa Ancestral Mansion, hindi na nawala ang salitang Wow sa bibig niya. Kanina pa siya manghang-mangha. Magmula sa labas hanggang makapasok sila dito sa loob ng bahay. "Si Mang Baste ang naiwang care taker ng bahay na ito." "Ibig mong sabihin walang nakatira dito? Sayang naman. Pinaupahan nyo na lang sana." "Hindi maaari." Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "My father preserves the whole house and environment. Gusto niya kapag bumalik kami dito, walang nabago. Gusto niya kasing laging maalala sina Lola at Lolo." Napatango na lang siya. Napakaswerto siguro ng taong ito sa mga magulang nito. Pinanganak na kagat-kagat ang gintong kutsara, samantalang siya, tansong baliko pa ang kutsara ang naumpisahan niyang kagatin. Paano nga kaya ang feeling ng isang anak-mayaman? Nag-iisang anak at tagapagmana pa? "Dito ako ipinanganak, nag-aral hanggang makatapos ng College." Sinusundan lang niya ang sinasabi nito, naging abala ang mga mata niya sa pagtingin sa mga nakakwadernong larawan sa Salas. Huminto ang mata niya sa isang Litratong parang Class picture ang style pero puro lalaki. Magtatanong pa lang sana siya ay mukhang alam na nito ang itatanong niya. "It wasn't my class picture. Hindi naman all-boys School ang UPLB. May fraternities akong sinalihan nung Senior college days ko. At sila ang mga kabaro ko." Ang ga-gwapo naman ng mga kaibigan nito, no wonder kung bakit gwapo din siya. Bawal siguro ang pangit sa Fraternities nila. "Alpha Omega Selpha Society ang pangalan ng grupo namin. Ako iyang nasa dulo sa kanan. Mula sa itaas, sa kaliwa ay sina Tresher, Ice, Lejan, Van, Rex, Hans, Jai, Aldrich, Chrisjan, Terrence at si Eidrian. Dahil ako lang ang masiyadong mabait sa grupo, pinag-initan ako ni Supreme Master o Supremo Rogin, iyang nasa gitna." "Bakit ka naman niya pinag-iinitan?" Nagtatakang tanong niya dito. Kung totoong mabuting tao si Chase walang magagalit dapat sa kanya. "Akala niya may relasyon kami ni Marjie, yung girlfriend niya way back in college pero chilhood friends lang naman kami kaya kami malapit sa isat-isa." Mahabang paliwanag nito na parang may dinidepensa at naghahalo ang sama ng loob. "Wala nga ba?" paninigurado niya. "Oo naman wala talaga. May gf ako 'nun, si Annieca pero naghiwalay din kami nitong taon lang." "Bakit?" "Hindi niya ako kayang ipagpalit sa kasikatan niya. She wants to be a model in America pero hindi ako pumayag, I can't be in LDR." "Ah. Naiintindihan ko ang punto mo. I feel you," pakikipagsimpatya niya. Manghang napatingin ito sa kanya dahil ito ang unang beses na narinig siyang mag-english. "Nice. Alam mo ba, dahil galit na galit sa akin si Rogin, ang ibininigay niya sa aking initiation ay magquit sa Frat. Since, ayaw ko ng gulo. I did what he told. But I still hates him. Sinira niya ang reputasyon ko. Hindi na ako pinagkatiwalaan ng lahat." Napakuyom pa ito sa sariling kamao. Pakiramdam niya siya ang nasa katayuan nito. The hint of his voice looks like he needs to avenge to this guy. “Pero matagal na iyon.” Lumapit siya dito and cup his face. "Walang magagawa ang paghihiganti, mabuti pang ipaubay mo na lang sa Diyos ang galit mo sa kanya.” Hinawakan nito ang kamay niya para alisin, nabigla siya nang yakapin siya nito. “You are really a good lady. A kind of girl I want to be with.” Humiwalay ng yakap si Edina dito. “Wag kang magsasalita ng tapos, Chase. Lahat may hangganan. Paano kung magsawa ka lang sa akin? Hindi ako ang tipo ng babaeng madali mong mapapasunod sa mga nais mo, hindi ako ‘yung babaeng handang gawin ang kahit ano para sa’yo. Hindi ako ‘yung babaeng handang sumugal para sa’yo.” Kahit pa sinisiraan na niya ang sarili dito, lalo lang nitong ibinaon ang mukha sa leeg niya para yakapin siya. Natatakot siyang baka magkaroon ng hangganan ang lahat kaya hanggang maaari ay uunahan na niya ito. Ayaw niya sanang mahulog dito pero paano kung ang pinipigilan niya, ay hindi niya na mapigilan at bumigay na ang puso niya dito. She really needs time to think. Tuluyan nang humiwalay ng yakap ito sa kanya, hinanap ang mukha niya, kinulong sa palad at nagulat na lamang siya nang halikan siya nito. Halos pigil niya ang hininga nang maglapat ang labi nila. Ramdam na ramdam niya ang paghahanap nito, lalong humigpit ang brasong nakapulupot sa bewang niya. Napakapit siya sa batok nito. Ano mang oras ay mawawalan yata siya ng balanse. Hinihigop nito ang lakas niya at hindi niya maunawaan kung bakit nadadala siya nito. Matangkad ito sa kanya, hindi niya namamalayang napapaangat na rin siya sa mainit na halikan nilang iyon. Naging mapusok ang labi nito dahil hindi siya tumututol, napabuka ng kaunti ang labi niya nang bahagya nitong kagatin ang ibabang labi niya dahilan para mabigyan niya ng access ang binata para galugarin ang kaloob-looban ng bibig niya. The heat still going on, she thinks she’ll going to convulsion anytime because of this strange feeling. Napapaatras siya sa tindi ng kumosyon. Wala na siguro siyang maatrasan kaya napasandal na siya sa pader, she was cornered this time. And she didn’t know how to stop him or even herself. Because her mind and heart like what this man doing, she might be explode if this man stops. Hindi na nga niya alam kung paanong nawala ang suot niyang shirt at pareho na silang topless, nakayakap pa rin ito sa kanya at patuloy na sinisibasib ng halik ang labi niya. “Tell me... to stop, Edina... because I can’t..” Sabi nito sa pagitan ng mainit nilang halikan. Napapaungol lang siya, hindi siya umiimik. With that word she gave a key to give up everything. Hindi na rin niya namalayang nakahiga na pala sila sa carpeted floor ng Magarang bahay. “I will be gentle.” Iyon ang salitang pinanghawakan niya para hayaan ito sa nais nitong gawin. Mayamaya pa ay napuno ng ungol ang loob ng sala. “Ooohh.. ooohh... I love it Edina...” Halos mapamulagat siya nang bigla nitong idiin at maipasok nang buo ang sandata nito, umalpas na ang luha sa mata niya. Masakit. Mahapdi. Masalimuot. Pero hindi niya alam kung bakit nasasarapan pa rin siya. “You’re crying baby. Sorry, nasaktan ka ba? I don’t want you to get hurt.” Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Umalis ito sa ibabaw niya na parang nabitin saka tumalikod sa kanya. “Magbihis ka na.” Naririnig lang niyang nagsusuot na ito na pants at nagzi-zipper hindi niya na ito tinapunan ng tingin. Bigla siyang natakot, what if she was align on one of his playgirls? What if wala siyang balak panagutan ang mga nangyari? Paano na ngayon siya haharap sa pamilya niya lalo na kapag may nabuo. Maraming tanong sa isip niya na walang kasagutan at hinihingi niyang sana mahalin nga siya nito. “Tapos ka na? Let’s go.” Biglang nanlamig ito sa kanya matapos ang nangyari. Hindi man lang niya nagawang libutin ang buong Mansion nito. Excited pa naman siyang gawin iyon, dahil ayon dito may dalawampung kwarto raw ang buong Mansion. Napunta sa iba ang inaasahan niya. Akala niya magkakaroon sila ng moment, pero ibang MOMENT ang nangyari—hindi ayon sa nais niya, pero bakit umayon sa nararamdaman niya? Mahal na nga ba niya ito, sa ganung kadaling panahon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD