ICE 12

1811 Words
PULANG-PULA ang mukha ni Chilien nang tuluyang makalabas ng Bar ng binata. Kung dati-rati ay naiisip niyang tawagin itong Kupal, ngayon ay bigla ng nabago ang ihip ng hangin. Para kasing mas lalo pa niyang nagugustuhan ang nangyayari. Himala pan kusang nag-angat ang sulok ng labi niya nang makarating sa sariling opisina. Naisip niyang gamitin sana si Mister Tamayo para pasakitan ang hinayupak niyang ex-boyfriend, pero.. papayag naman kaya ito? Iba naman kasi ang sinasabi ng puso niya, gusto pa niyang pagalitan ang lintek na puso niyang hindi niya maintindihan kung ano ba ang nais sabihin. Pasaway na puso! Nais pa siyang ipahamak. Maging siya ay walang ideya kung gaano na siya katagal na naging tulala dahil hindi pa rin ma-digest ng sistema niya kung ninakawan pa rin ba siya ng halik ng binata. “Chili, are you okay? Maputla ka.” Napalingon naman siya kay Bhea dahil siguro sa iniis niya kaya hindi niya namalayang nakatayo na pala ito sa harapan ng desk niya. “Hindi. I’m fine.” Kung tutusin nga hindi niya pwedeng pagalitan si Mister Tamayo dahil hindi lang isang beses siya nitong ninakawan ng halik, pangatlo na ito, nakaw pa rin ba iyon? Oo naman, dahil hindi siya nagpaalam. Eh, ang tanong ba papayagan ba niya kung sakaling magpaalam ito. “Hoy! Kanina pa kaya kita kinakausap.” “Hah.” Nawala na naman ito sa isip dahil ngayon sarado ang isip niya sa halik na iyon. “Tulala ka kasi dyan. I’m asking you, what happened between the two of you?” Na ang tinutukoy nito ay ang walang hiyang ex-boyfriend. “Haynaku! Bakit hindi mo na lang siya tapatin. Hindi mo na siya mahal diba? Manloloko siya!” Gigil na gigil ang Bestfriend niya, maging ito ay alam ang pinagdaanan niya. “I am your bestfriend since then kaya alam ko kung ano ang problema mo.” “I know, kahit zero love life ka.” Sumimangot ito at nagpout sa kanya. “Hmp! Kaya lang naman naghahabol sayo ang Alejandro na 'yon dahil alam na may pera ka ulit.” Her bestfriend got it right dahil iyan talaga ang unang pumasok sa isip niya. “You really need a knight and shining armor,” sabi nito sa kanya na parang may tinutumbok. “May mabibili ba 'non sa Mall?” painosenteng tanong niya. “Sa tabi tabi, meron.” Pinatulan naman nito ang biro niya, nagtawanan na lang silang pareho. Panandaliang nawala ang mga balakid sa isip niya, thanks to ber bestfriend and being there in good and bad times. She blocked everything happens to her. Pasado alasnuebe na ng gabi, ni hindi niya namalayang nakaalis na si Bhea at kanina pa nagpaalam. Si Janus na lang ang naroroon at mukhang magpapaalam na rin sa kanya. Tinanguan na lang niya ito nang magpaalam na ito sa kanya. Nakaramdam na siya ng antok kaya iniligpit na niya ang mga papers niya sa desk at naghanda na ring umuwi. She turned off all the lights then took her bag and her car’s key. She locked the Restaurant’s door. Naglalakad na siya patungo sa sasakyan na ilang metro lang ang layo mula sa Restaurant nang maalinagan niyang may nakapark din doon. She was pretty sure it wasn’t belong to him but for sure sasakyan ito ni Alejandro. Bumaba ang sakay nito, hindi nga siya nagkamali, lumapit pa ito sa kinatatayuan niya. “What are you still doing here?” Hinintay ba siya nito? “I’ll take you home, we need to talk.” Naglalakad na siya patungo sa kotse niya. “I have my car,” malamig na tugon niya, bubuksan na sana niya ang pinto ng kose ng pigilan nito ang braso niya. “Please, let us talk.” “Not now. I’m tired.” Dahil ang totoo, ayaw niya itong makita o makasama man lang. But he insist, kinabig siya nito paharap at isinandal sa sarili niyang sasakyan. “What?” “Mahal pa rin kita, Chil,” biglang bulalas nito. “I don’t want your love right now—“ “But I want you back.” Ibinakod pa nito ang isang braso sa kanan niya nang tila aalis na sana siya dahil nasasagwaan na siya sa pwesto nila. He’s so crazy, hindi talaga nito maintindihan na ayaw na niya rito. Tinaasan niya ito ng kilay. “Look Alejandro, ayaw ko na sa’yo, hindi mo ba naiintindihan? We’re over. May fiance na ako.” “I still love you, and you still mine.” Nagulat siya at bahagyang nakaramdam ng kaba nang bigla nitong hawakan ang mgkabilang braso niya at lalo pa nitong inilapit ang katawan para idiin siya sa kotse. “I don’t love you anymore! Obcess! “ Napalakas ang boses niya, balak sana niyang sipain ito pero inipit nito ang dalawang hita niya using his knees. “Leave me alone! No!” Pilit siya nitong gustong halikan, naamoy pa niya ang hininga nitong amoy alak. “You’re drunk! Ano ba!” Dahil hindi makatiyempo sa labi niya, hinalikan na lang nito ang leeg niya na pinababa nito hanggang mapunta sa ibabaw ng didbdib niya. “'Wag ano ba! Get off!” Ngunit kahit anong pagpupumiglas niya, bingi na ito dahil nga nakainom. NANLALAKI na lang ang mata niya nang bigla itong tumilapon dahil sa lakas ng puwersang tumama sa mukha nito at iyon ay dahil kay Icequiel. Yeah, Ice is there to help her bago pa makuha nito ang bataang iniingatan niya at pinaglalaanan lamang niya sa taong pakakasalan niya. “Walang puwedeng humalik sa fiancée ko!” Nagtatangis ang bagang nito, namumula ang tainga sa galit, habang kuyom pa rin ang mga palad at hinihingal pa. “Why did you punch him?” Bagay lang iyon rito, but pity is evident in her face, iyon na lang ang nararamdaman niya para dito. “I do it for you,” he said casually. “Why an Icequiel Tamayo would do that?” “Because I am Icequiel, Ice.” Bigla ba naman siya nitong hinila palayo kay Alejandro na nagpupumilit tumayong muli. Sinulyapan niya si Alejandro at tuluyan na itong nakatayo. “Let’s go” he commanded, habang hinihila ang kamay niyang hawak pa rin nito. Ngunit tila, hindi siya makakilos. “Do you still love him?” tanong muli nito. Hindi na niya ito nagawang sagutin nang tuluyan na rin siyang nagpatianod sa pagsama rito. Wala siyang balak sagutin iyon dahil wala na siyang nararamdaman para dito. Kahit kaunti, walang-wala na. Isinakay siya nito sa sariling kotse. “Where are we going,” mayamaya ay tanong nito nang mapansing ibang daan ang tinatahak nila. “To fix your self and forget him.” Bahagya siyang nag-isip kung saang lugar ang ibig sabihin nito nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang Bar. “Baba na,” he commanded again, hindi ba dapat siya ang nasusunod dito? “What are we doing here?” tanong muli na naman niya. Hinawakan nito ang kamay niya at ginaya siya papasok sa loob. “Hard drinks in two.” “Yes, Ice,” sagot ng Bartender. Kilala ito roon. Don’t tell her, pag-aari niya rin ito? “Hindi ako umiinom,” tugon niya. “Saan mo ba gustong malasing, sa alak o sa halik ko?”agad nitong tinungga ang shot glass na kalalapag lang sa harapan niya. Hinawakan na rin niya ang shot glass at tumungga, kesa naman ang huli. Alak na lang. “Masarap din pala ang alak nila dito,” usal niya na hindi man lang niya naramdaman ang pagkapait niyon. “Another one.” Hindi niya alam kung nakarami na rin ba ito o sinasabayan din ba siya. Basta siya, tuloy tuloy sa pag-tungga. Nasarapan ba siya o dahil may kinikimkim talaga siyang galit kaya naparami na siya ng naiinom? “Who is Alejandro Dominguez in your life, Chili?” Hindi na siya nagtataka kung magtanong ito, because she lied when she said she don’t know him. But the question is can she trust him? “He’s my past Boyfriend” Bigla niyang naisagot. “Long time past ex-boyfriend." “Bakit kayo naghiwalay?” Ano ito, interrogations? Kailangan pang may follow up questions. “Why we should need to talk about it? Past is past, can we just put it that way, hmm?” naasar na sabi niya saka muling tumungga. “Dahil hindi ka matatahimik kung siya pa rin ang gumugulo sa isipan mo.” “You’re not even my mother nor father and not even my bestfriend. So, why are you intruding half of my life?” Wala itong pakialam sa buhay niya, ano bang karaparan nito para manghimasok? Tiningnan niya ito sa mata kahit nakakaramdam na siya ng pagka-blur ng paningin. “Alam ko. I just want to know your past, because I want to be the last person you should lean on.” Napangalumbaba siya sa sinabi nito. Concern ang loko sa kanya. Itinaas pa niya ang shot glass. “Ano namang mapapala ko kung sasabihin ko sa’yo?" Saka inikot-ikot ang laman niyon. Natahimik ito at bahagyang nag isip. “Hmm.. I can be your enemy and make sure I will be your greatest lover.” Hindi na niya narinig ang huling salitang binggit nito nang sabayan niya ito. “Nevermind, You win. Sasabihin ko na. Alejandro is my first boyfriend. It’s my debut nang sagutin ko siya. Wala naman kaming naging problema not to mention my parent’s death. 'Don lang nag-start” Nakapalumbaba na ito at nakikinig sa kanya, ramdam na rin niya ang paniningkit ng mata niya dahil sa mga nainom. “Nang mamatay ang parents ko. Yeah, he was there but not to comfort me as well, but to break my heart. He dumped me! Nakipaghiwalay siya sa akin.” Hindi niya namalayang paisa-isa ng naglandas ang butil ng luha sa mata niya. First love is always been a first love at ito ang bagay na mahirap kalimutan. Minsan, may mga bagay na dapat tandaan at hindi pwedeng kalimutan pero bakit ang gustong makalimutan ay iyon pa ang natatandaan? Kinabig siya nito at buong higpit na niyakap. The thing she knew, she was crying on his shoulder. “I do love him before, pero nang malaman niyang naghihirap na ako dahil namatay na ang parents ko, nakipag-break na siya. “He doesn’t deserve you.” alo nito. Kumalas siya sa pagkakayakap nito “Tama ka. And besides, wala na rin akong feelings sa kanya. After all I conquerd para lang malampasan ko lahat. Kapal ng mukha niyang bumalik pa. Three years siyang hindi nagpakita and the next thing I knew, he’s engaged. Pero ngayon sinabi niyang iniwan daw siya 'nong girl kaya, bumabalik ulit siya sa akin. He was insisting, it was his parent’s fault. Decision daw ng parents niya na maghiwalay kami at ipakasal siya sa iba. Yeah, he never cheated me at all pero mas okay pang nag-cheat kaysa bigla kang hiwalayan. Because you're poor.” Hayun na naman ang kamay nito at nagpahid ng luha sa pisngi niya. “You deserve someone better and I know I’m better than him” Hindi niya malaman why this man acting so weird. “My mind tells me to protect you, as if I care to somebody but now I saw you, nag iba na ang panuntunan ko sa buhay.” Parang bulong na lang ang narinig niyang iyon lalo na nang tumunog ang mesa at bumagsak ang ulo niya dahil sa kalasingan, nakatulog na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD