EXELLE 15

2017 Words
The Finale of TEBS Book 6: Rexelle Ravillo story MONTHS had been passed but since Vian stepped her foot in front of Rexelle's presence. Tila walang nagbago sa hitsura nito. Lalo pa nga itong gumwapo. Mula nang makapasok siya sa party ng mag-asawang Romervan at Marjie, wala na siyang ginawa kundi titigan ang mukha nito. Ideya ng pasaway niyang kaibigang si Chilien-- ang magsuot siya ng maid costume. Para daw ma-recognize agad siya ni Rexelle. Ang nakakainis lang ay tila kumalat na katulong pa rin siya nito magpahanggang ngayon at ito mismo ang nagdala roon. Minsan naiininis na natatawa na lang siya sa mga ganoong isipin. Napapitlag siya nang may lalaking lumapit sa kanya at umupo pa talaga sa tapat niya na hindi man lang naisip ang salitang excuse. "Hi, it was really nice if I know your name." Typical playboy, arrogant, presko at makapal ang mukha ng lalaking ito na malakas ang loob para magpakilala sa kanya. Pero infairness at wala itong tulak kabigin sa ka-gwapuhan. Magsasalita na sana siya nang mapatingin siya sa biglang lumapit sa kanya at hinaklit siya sa braso. "Ouch," daing niya saka siya nito mabilis na binitiwan. Nasa labas na sila ng venue ng binyagan. At hindi niya alam kung saan na siya nadala ni Rexelle. Hindi na niya magawang makapag-protesta nang bigla nitong hakawan ang ulo niya at sunggaban siya ng halik. That kisses says it all. He misses her and she miss him so much. Ang isang taon at ilang buwan niyang pagkawala at walang pagpaparamdam ay tila naging parusa sa kanya. Isang malaking delubyo na hindi man lang siya nagparamdam sa binatang hinding-hindi niya kayang tiisin o kalimutan man lang. Kapwa sila hinihingal nang maghiwalay ang labi nila. Idiniin nito ang ulo sa ulo niya. "Do you know how miserable I am? Knowing na wala ka man lang paramdam." "I actually intend to let you go and forget you." Lumayo ito ng kaunti sa kanya. "Nang ga'non-ga'non na lang? Alam mo ba ang ginawa mo?" Bigla siyang napapitlag nang tila galit ang puminta sa makinis na mukha ni Rexelle. "Kailangan mong maging responsable sa 'kin. May nangyari na sa atin at kailangan mo akong panagutan." "A-Ano?" Nabingi yata si Vian sa mga sinabi nito na hindi niya naisip na sasabihin ng binata. "Kailangan mo akong pakasalan. Tara." Sabay hila pa nito sa kamay niyang mahigpit na nakahawak na rin sa kamay nito. Napahinto siya nang ma-realized kung ano ba ang sinasabi nito. "T-Teka lang. Where are we going?" "Isang tanong, isang sagot. Mahal mo ba ako?" "O-Oo." "Galit ka sa 'kin?" "Hindi." "Na-miss mo ako?" "Oo." "Pakakasalan mo ako?" "Oo. I mean. Ano ba 'yan nalilito na ako eh. Teka lang, ako muna ang sagutin mo." Huminto naman si Rexelle at hinarap siya. "Hindi ka ba galit sa 'kin?" "Hindi." "Hinanap mo ako?" "Oo." "Hindi ka nagtaka na hindi na ako nagparamdam man lang sa 'yo?" "Hindi." "Dahil alam mong babalik ako?" "Oo." "Mahal mo ba ako?" "Oo. So, enough for the Question and answer portion. We need to talk more than anything else." Hindi na naman siya nakapagprotesta nang buhatin na siya nito at dalhin sa sarili niton kotse. Sumakay ito saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan palayo roon. "Oy, teka sa'n na naman tayo pupunta?" "Magtatanan tayo," makabuluhang sagot nito. "Rexelle.." "Aba, hindi mo na ako tinatawag na Sir o kaya ay amo. Huwag mong sabihing may bago ka ng amo." "Ang seloso mo 'no. Huwag kang mag-alala, amo. Ikaw pa rin ang amo kong tunay at alipin mo pa rin ako." DINALA siya ni Rexelle sa bahay nito. Nasa salas na siya nang muli siyang magtanong. "Ba't dito mo ako dinala? Anong gagawin natin dito?" "Magme-make out." Binato niya tuloy ito ng nahagip na throw pillow. Hanggang may lumabas na babae mula sa kwarto. "Kumusta ka na, Vian? Kay tagal mong nawala," salubong ng may edad na babae sa kanya. Napalingon siya sa nakatayong babae at napatitig dito. Saka niya napagtanto na ito ang babaeng malugod na nagpatuloy sa kanya noong wala siyang mahanap na titirahan at magulo ang kanyang isipan, ilang buwan na ang nakararaan. "Ma'am? I mean Tita Rina?" Tila kinikilala pa rin niya ang mukha ng babae. Ang babaeng malaki ang pinagkahawig kay Rexelle. Lumapad ang ngiti niya nang tumango ang Ginang. Agad siyang yumakap dito na kay tagal nilang hindi na nagkita. Napasinghot siya nang magtubig na ang mga mata niya at napuno ng sipon ang ilong niya. "S-Sorry kung hindi na ako nagparamdam. Sorry kung wala ako nang magkaharap kayo ni Rexelle." "Everything was all thanks to your help." Humiwalay na rin ng yakap ang ina ni Rexelle. Tumingin siya kay Rexelle. "You mean, okay na kayo ng Mommy mo? Wala ka ng ano mang galit sa kanya?" "Wala pero sa 'yo, narami ka pang hindi naipapaliwanag sa 'kin." "A-Ano? Am.." Napayuko siya at hindi na makatingin ng diretso sa binata. "Natakot kasi ako na kapag nalaman mo ang totoo, magalit ka, ipagtabuyan mo ako at kamuhian." "Of course I'll be mad. Given na 'yon. That's the stupid bullshit thing you ever did, do you know that?" Nakayuko pa rin ay napatango na lang siya. "Sana hinintay mo muna ang magiging reaksyon ko. Of course I'll hate you. Pero hindi naman magtatagal iyon. Mapapatawad din kita. Alam mo bang kasalanan mo kung bakit nagulo na ang mundo ko? Kasalanan mo kung bakit nagbago ang perspective ko sa mundo. Kasalanan mo kung bakit ako nagbago." "Sorry na, Amo." "I don't need your sorry. What I want is you. I will no longer ask you again to be my girlfriend, but now I want to fully tied with you." Lumuhod ito at may nilabas na isang itim na kaheta saka binuksan sa harapan niya. "Be my ex-girlfriend then be my wife." Ng-ulap ang kanyang mga mata at unti-unting napaluha na parang wala ng balak tumigil sa pagtulo nang makita ang singsing na nakalagay sa kwintas na ibinalik niya noon. "R-Rexelle.." Tumayo si Rexelle. "Huwag mong sabihing tatanggi ka at lalayasan mo na naman ako? Because the next time na lalayasin mo ako, I'll make sure na itatali na kita, hindi lang dito sa puso ko." Oh, s**t na malagkit! Hindi lang alam nito na nag-fireworks na ang malalandi niyang organ. Tila nagkaroon ng sariling party ang mga ito nang tuluyan siyang kiligin sa tila mahikang dala ng mga salita ni Rexelle. Rexelle became this weird, sweet, caring and cheesy at the same time. Saan pa ba siya makahahanap ng katulad nito? Wala na. Dahil nag-iisa lang ito. Sorry na lang sa mga fans nito dahil siya na ang nakahuli sa mailap na puso ng isang Rexelle Ravillo. IPINASYA nila ni Rexelle na magbakasyong muli sa Zambales kung saan huli sila nagkita. Dinala siya ng binata sa bahay kung saan tumuloy siya noon. Ang bahay ng biological mother ni Rexelle. Doon ay ipinaliwanag ng maayos ni Vian ang lahat. Kung bakit nagpanggap siya bilang isang Maid dahil sa kagustuhang tumaas ang posisyon sa kompanya. At kung bakit umalis siya na hindi mismong sa kanya nanggaling ang pagpapakilala sa tunay nitong ina nang makilala niya si Tita Rina. Marami siyang bagay na kinatakutan noon na ngayon ay kayang-kaya na niyang harapin lalo pa at kasama na niya si Rexelle. Nakahiga siya sa bench habang nakatanaw sa malawak na dagat ng Zambales. Tumayo siya nang makitang may malaking-malaking jellyfish na umaaligid sa nahuli niyang isda. Sa sobrang laki ay kailangan niyang magpanggap na lambat para masungkit muli ang malaking isda. "Hi, you are Rexelle Ravillo, right?" Tumango si Rexelle na nakakunot ang noo sa kabila ng shades na suot nito. Umaayon lang din ito sa kalokohan niya. "I'm Vian Lena Abrea, Sexy is my middle name and your soon to be wife is my full name." Saka siya naglahad ng kamay kay Rexelle. "Your soon to be husband and forever yours is my nickname." Saka dinaluhan ang palad niya. "Nice to meet you." Napatanga ang jellyfish este ang babae na parang hindi naintindihan ang mga tinuran nila. Tinaasan ni Vian ng kilay ang babae. "In short I'm her fiancee so back off." Tila nagitla ang babae pero hindi nagpatinag at lumipat sa tabi ni Rexelle at at kumapit sa braso nito. "Soon to be pa lang naman pala. So, maghihiwalay rin kayo. I still have a chance." Ngumiti siya ng napakatamis dahil sa inasta ng babae. "Alam mo-" "Hindi pa," pambabara ng jellyf-- mukhang jellyfish. "Useful sa akin ang linyang ito." Umikot siya at tinabihan ito. "Kung plapla nga sumasabog, mukha mo pa kaya," pabulong na sabi niya na puno ng diin. Namutla ang mukhang jellyfish sa sinabi niya at ito na mismo ang nagkusang bumitiw sa pagkakaangkla sa braso ni Rexelle. "If you'll going to take what is mine, try harder girl." Saka niya hinila ang braso ni Rexelle at iniwan ang babae. Nang makalayo na silang dalawa sa jellyfish na lalong nagmukhang jellyfish-ting mukha iyan. Agad niyang hinampas sa braso si Rexelle. "Alam mo, ang landi mo 'no. Magpapalandi ka na nga lang, hindi pa 'don sa mas angat sa akin." "Baka lalo kang magselos." He was smilling from ear to ear as if she did a music to his ears. Hinampas ulit niya ito sa braso. "Anong nginingiti-ngiti mo?" "Wala. Ang cute mo lang magselos." "Ah, ga'non. So, lalo mo pa akong pinagseselos para maging cute ako sa paningin mo?" Pinagsalikop niya ang dalawang braso. "Pwes, bahala kang maglakad sa altar mag-isa. Tingnan ko lang kung may mahila kang bride. Diyan ka na nga!" pananakot niya saka ito mabilis na tinalikuran at naglakad pabalik sa cottage ng resort. "Vian naman... Nagbibiro lang ako. Huwag ka ng magalit!" "Tse! Biro mong mukha mo!" "Viena! Oy sausage!" "Tigilan mo nga ako. Ang sagwa.." Saka iritableng iniwas ang braso nang akmang hahawakan ni Rexelle nang makalapit ito. "Sige na, sorry na huh. Ikaw naman kasi, bilis magselos." Nagawa pa nitong kurutin ang mukha niya. "Alam mo namang sa iyo lang ako. Nakita mo naman, hindi ko nga siya tinapunan ng tingin eh." Humaplos ang kamay nito sa gilid ng katawan niyang hindi natatabunan ng tela. Nakasuot kasi siya ng Two piece white bikini. "'Yang kamay mo ha. Umayos ka." Lalo itong lumapit at niyakap siya mula sa likuran. "Sabihin mo munang hindi ka na galit at mahal mo ako." "Oo na! I love you na. I love you ka talaga." Iniharap siya ni Rexelle. "I love you ka rin. I love you, I love you, I love you." That's there new ways to say sorry to each other para hindi nila malimutang minamahal nila ang isa't-isa. Hinuli ni Rexelle ang labi niya saka banayad na ginawaran ng halik. Napakapit na lang ang mga braso ni Vian sa batok nito nang lalo nitong hapitin ang katawan niya para mapalapit dito. Saan pa ba siya makakahanap ng amo-ng mamahalin siya ng buo? No one will did that except for Rexelle Ravillo. His gay boss was really an angel in-diguise nang ipakilala nito ang masungit, bugnutin, cold-hearted, tyrant at mailap na si Rexelle Ravillo. At lahat ng negative descriptions niya ay biglang naglaho nang tuluyan siyang mahalin nito. Ikinatutuwa na lang niya na ginagawa nito ang mga negative attitudes na iyon sa mga fans nito. Hindi raw nito kailangan ng fans para lang masabing sikat at gwapo ito dahil siya ang number zero kasama ang ina nito na number one nitong fans. She never imagined, she once change a person like Rexelle Ravillo. Iba pala talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Tunay na pag-ibig. She will surely never run away again, not anymore because Vian or Viena just want to be in his arms until their last breath. And Rexelle will never let her go again, never again. Abangan naman kung paano mababawi ng sugutang puso ng isang binata ang singsing mula sa kaaway nito na maghahatid ng samu't-saring makulay na sandali sa kanilang dalawa. ************* WAKAS**********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD