ROMER 7

1631 Words
MARJIE found herself in a room full of dim lights. "Diyos ko, sa wakas nagkamalay ka na.." narinig niyang boses ng isang matanda na walang iba kundi ang matandang Mayordoma. "Manang Irma?" "Kumusta na ang pakiramdam mo?" "N-Nasaan ho ako?" Bigla itong napatingin sa katabing kasambahay rin sa Gonzales Residence. "Ma'am Marjie, nakikilala niyo ba kami?" Tiningnan ni Marjie ang huling nagsalita. "You are Rowena and this is Manang Irma. Bakit? M-May problema ba? May problema ba sa akin?" Biglang napa-krus ang dalawa at nagkatinginan na parang may nangyaring milagro. Bumangon siya umupo sa kama. "Manang, Weng.. please. Ayaw kong mag-isip ng masama. A-Ano ba talagang nangyayari?" Napaiyak na si Manang Irma. "N-natagpuan ka naming puno ng dugo at labis na nanghihina." Napapikit si Marjie at pilit iniisip ang nangyari sa kanya. Saka lang bumalik sa kanya ang alaala na nagpunta siya ng Bar at nakausap pa ang nagpakilalang si Alfer. Alam niyang may inilagay ito sa inumin niya dahil hindi naman mahina ang tolerance niya sa alak. Doon na siya naiyak nang tuluyan. Nagising siya sa isang kwartong dim ang paligid at nananakit ang buo niyang katawan lalo na ang maselang parte ng kanyang katawan. Nang malaman niyang nasa kwarto siya ay tumakas siya at dahil sa panghihina, hindi na niya alam kung saan nadala ng sariling paa. Doon na nga siguro siya natagpuan ni Manang Irma. Napahagulgol na siya ng iyak. "M-Manang, sa tingin ko na-r**e ako at hindi lang isa, m-marami sila," sabi niya sa nanginginig na tinig. Lumapit si Manang Irma at niyakap siya. "Diyos ko, hija. Hindi mo lang alam kung gaanong nag-aalala si Senyor nang madala ka sa Ospital. Humiwalay siya ng yakap sa matanda. "Si Da-Daddy? Nag-alala siya?" "Oo. Halos isang buwan ka ng walang malay. Akala namin kukunin ka na ng maykapal. Awa ng Diyos, narito ka pa rin." Napatakip na siya ng mga palad sa sariling mukha. Ito nga siguro ang parusa sa katigasan ng ulo niya, sa pagiging suwail, sa mga panahong hindi siya sumusunod sa sariling ama. "Weng, bumili ka ng makakain ni Marjie. Tawagin mo na rin ang Doktor." Nang buksan ng tinawag na Weng ang pinto ng kwartong iyon ay nasilip niyang nakatayo ang kanyang ama at may kausap na Doktor base sa suot nito. Bahagya niyang narinig ang pag-uusap ng mga ito. It was confirmed that she was used and not once. She was used several times, that's why she bled a lot. Despoiled and severe damage of her female part resulting on having a force i*********e. Bahagyang sumara ang pinto nang tuluyang lumabas si Weng. Saglit din ay bumukas iyon at pumasok ang doktor kasama ang kanyang ama. Hindi na niya napigilan ang sarili, humagulgol na siya ng iyak kasabay ang pagwawala. "Hindi totoo! Hindi pwede! Bakit? Bakit ako pa?" Wala na ang ilang taon niyang iningatan. Wala na ang bagay na ibibigay lang niya sa lalaking nakalaan sa kanya. "Marjie, huminahon ka.." Pinagsisira niya ang nakakonekta sa dextrose patungo sa braso niya. "Gusto ko ng mamatay! Gusto ko ng mamatay!" Hindi na siya makakalma kung hindi lang tinurukan siya ng Doktor. Nakaramdam siya ng panghihina hanggang kumalma ang nerves niya at namungay ang mga mata. "What will going to happen to my daughter?" Narinig pa niyang tanong ng kanyang ama sa Doktor. "I think your daughter was undergo a phobia. I'm sorry, Mister Gonzales, pero siya lang ang makagagamot sa sarili niya." Iyon na ang huli niyang narinig nang tuluyang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata. Salamat sa itinurok ng Doktor at parang nabawasan ang sakit na nararamdaman niya, kasabay ng pamamanhid ng kanyang katawan. Kung puwede lang pati puso ay mamanhid, kung pwede lang na iumpog ang sarili at magkaroon na lang ng amnesia, marahil ay nagawa na niya. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulog. Nagising na lang siya sa banayad na haplos sa kanyang buhok. Buhat iyon sa kanyang ama na hindi na niya maalala kung kailan siya huling nahaplos nito. Nagtubig ang mga mata niya, umangat ang kamay nito at pinunasan ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi. "I'm sorry, my daughter. Pinabayaan kita. Ipinagpalit kita sa trabaho ko. Sorry kung hindi kita napahalagahan. I'm so sorry," sabi ng kanyang ama na kasunod ang pagpatak ng mga luha ng ama. Nakisabay na rin siya. Labas ang pagtutubig ng ilong at luha dahil sa matinding pag-iyak. Nagkapatawaran silang mag-ama. Nangako ito na pahahalagahan, aalagaan at palagi ng magkakaroon ng sapat na oras sa kanya. Kapalit din naman ng pangako niyang susunod na sa kait anong sabihin nito na maikabubuti niya. NAKALABAS na rin ng Ospital si Marjie, hindi na siya nagtagal doon. Pumayag na rin siyang pangasiwaan ang kompanya habang nakaalalay sa kanya ang ama. Sa tulong ng mga gamot na ibinigay ng Doktor para sa stress at sa mga alaalang nais niyang mawala ay bumuti rin ang pakiramdam niya. Epekto rin ng malagim na kahapon ay ang pagkawala ng pagiging conyo niya, dumiretso ang kanyang dila, nawala ang arte at pagka-spoiled bratinella niya. Marahil ang isang mapait na kahapon ay tinutupok ang kanyang kasalukuyan upang mawala na ang mga bagay na nagpapaalala sa kanyang kasuwailan. "Good Morning, Ma'am Marjie!" bati sa kanya ng mga nakahilerang empleyado. Tinanguan lang niya ang mga ito. Unang araw niya sa trabaho, isang linggo lang siyang na-train ng ama ay parang nasabik na at na-challenge na mag-umpisa sa trabaho. Ngayon lang niya naisip na maganda pala sa kompanya ng kanyang ama. Magaganda ang facilities at magaganda rin ang benefits. Nagreklamo pa nga siya dahil unfair kung ilalagay na siya sa mataas na posisyon, ngunit iyon ang nais ng kanyang ama na sinang-ayunan na lamang niya sa huli. Siya na ang Executive secretary ng Presidente o may-ari ng Winery and brewery. She already had the notes and things she needed to accomplish. Matapos sanayin ang sarili sa loob ng opisina ay dumayo naman siya sa pabrika o pagawaan ng mga alak. Nagsuot siya ng safety attire nang pumasok siya sa loob. Dahil base sa iba't-ibang uri ng prutas ang pagbuo sa alak ay naghahalo ang amoy ng mga nakikita niyang prutas gaya ng strawberry, apple, grapes at pineapple. Most of the fruits are needed to ferment before brewing at barm. It was good to know that their products are made of natural and organic ingredients. In-adjust niya ang suot na mask saka nagsalita. "Mayroon ba tayong nagmo-monitor sa mga prutas na ginagamit sa paggawa ng alak at beer?" Tumango ang Quality control head na nagmo-monitor ng proseso sa loob ng pabrika. "Yes Ma'am! Infact, I am the--" "Huwag mo na akong Englesin. Magtagalog na lang tayo. Isa pa ay hindi naman pinatutupad ang English sa pabrika. Intended lang sa Kompanya lalo na kung karamihan sa products natin ay for export at mga foreign country ang customer." Tumango ang lalaki. "Hindi lang po kayo maganda, mabait at maunawain pa." Napangiti na lang siya sa loob ng kanyang mask. "Dahil diyan, bawal ng makipaglandian." Tumawa ang lalaki na tantiya niya ay nasa late thirty's lang. "Sige ma'am. Dito po tayo sa ferminting." Iba't-ibang parte ng pabrika ang pinuntahan niya. Magmula sa delivery section, kung saan dumarating ang mga delivered fruits. Sa Ferminting, kung saan binababad at binuburo ang mga prutas. Sa Barm, kung saan ginagawa na ang mga prutas na sasailalim na sa pagproseso ng wine o beer. Nagtungo rin siya sa packaging department, ginagawa ang labels, cover at style ng mga alak o beer. Kapag natapos na ay dadaan na ito sa huling level, ang checking at pagsasalansang sa mga produkto. "Hmm.. mukhang wala naman akong nakikitang mali sa process ng mga alak at beer. Pero magsasagawa pa rin ako ng surprise inspection," sabi niya nang makalabas na sa Pabrika. Pinaupo siya ng Head Quality Control sa bakanteng bench sa labas ng Pabrika. "Walang problema, Ma'am." "May napansin lang ako sa mga labels." "Ano iyon, Ma'am?" "Not attracted. Parang may kulang at hindi takaw tingin. Ganito, ibigay mo sa akin ang lahat ng style at uri ng labels ng mga alak at beer. Susubukan kong bigyan ng bagong bihis." "Ayos Ma'am!" Nagpaalam na siya sa buong mga trabahante, hindi na rin siya nakabalik sa Opisina. Nagulat pa nga siya nang makitang nauna pang umuwi ang kanyang ama. Napamasid ang kanyang ama sa dalawang katulong na kumukuha ng karton mula sa sasakyan niya. "What are those?" tukoy ng kanyang ama sa bitbit ng mga kasambahay. "The packages and lebels of the product," pasimple niyang sagot saka umikot sa sofa at nagbeso sa amang umiinom ng tsaa. "What are you going to do with that?" "Pag-e-experimentuhan. Something need to change with the labels. Something more, eye-captured and head turner, if you allow me." "Wow! I didn't expect that you actually improved within a weeks." "Wala akong interes noong una, but now I found it challenging. Maybe. I'll focus on our company." Lumawak ang ngiti ng ama na parang naginhawaan ito at nabunutan ng tinik. "You look stress. Gusto mo bang magpa-massage? May alam akong maganda ang massage service at facility." "Later na lang, Dad." "Anyway, may gustong makipagsosyo sa atin. He was known as best creator of ideas for product endorsement." "That's sounds good. Bigyan mo ako ng sample niya or else I'll make an on the spot test." "Great! Papuntahin ko siya sa office bukas to bring his samples and details." "Okay. I'll go to my room now, Dad. Kailangan ko pang pag-aralan ang mga designs at label packaging ng produkto natin." Nang tuluyang nakapasok siya sa kwarto ay inuna na niya ang mga kartong ibinaba ng dalawang kasambahay. Nagpahatid na lang siya ng pagkain sa tagaluto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD