Prologue
I’m on 3:00 pm Sunday Service ngayon. This is our second Sunday na physical worship after the second hard lockdown in Metro Manila. Iba pa rin talaga pag physical. Mas damang-dama. Not that, hindi mo dama Online. Iba lang talaga pag nagkasama-sama na kayong nagworship at praise kay God.
While singing Hosanna habang nakataas ang aking kamay at puso sa panginoon, I can’t help but look at the beautiful Hesed who’s singing her heart out to the Lord, nakapikit at nakalahad ang dalawang kamay para kay God. She looks like an angel nung mga oras na yun.
It’s been 3 years na simula nung maging myembro ako ng church, and 3 years na rin since naging crush ko si Hesed Dale Entrata, or Sed sa mga kaclose niya. Kuya niya ang connect leader ko, kaya ako na si Haskell John Barber, walang lakas ng loob umamin. I am praying for the courage though, pero hangga’t hindi pa ito yung tamang oras, kuntento na akong tumitingin sa kanya.
Sumunod na inawit ay ang isa sa paborito ko, ang Oceans, mas lalo kong naramdaman ang init ng presensya ng Holy Spirit at ni God. Napakasarap sa pakiramdam. Nawala na ulit ang isip ko sa babaeng kumakanta sa may platform, at bumalik na ulit sa pagsamba sa panginoon.