On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 39 Gabi na pero hindi na naman ako makatulog. Bakit kailangan na lagi na lang ako may mga sleepless night? Yung nakapikit nga ako pero gising naman yung diwa ko. Hindi na ba ko mauubusan ng iniisip? Aba'y para na akong eyebags na tinubuan ng mukha ah. Bumiling ako ng pagkakahiga ko, isa sa mga iniisip ko yung tungkol sa mga kaibigan ko. Hanggang ngayon kasi ay ayaw pa din nila akong kausapin. Naisip ko nga, ganun na ba talaga kalala yung nagawa kong kasalanan sa kanila? Para nagkagustuhan lang kami ng idol nila, grabe na nila akong ichapwera? Hindi naman yata makatarungan yon, pwede naman kasi na pag usapan man lang namin kaya nga lang eh ayaw nga nila kong kausapin. Miss na miss ko pa naman sila kaya nakaka