On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 23 MAKI- POV "Matagal kaming hindi nagkitang mag ina, nanirahan kami ng pamilya ni Vincent sa Thailand five years ago at naiwan sya dito. Nasa pangangalaga ko si Jin nung bata pa sya but I don't ever think na naging isa akong mabuting ina sa kanya ng mga panahong iyon. Malaking malaki ang pagkukulang ko sa kanya, kaya magpahanggang ngayon ay alam ko na malaki ang hinampo nya sa akin. At baka nga hindi na nya ko mapatawad pa sa ginawa kong pag aabandona sa kanya. Alam mo kung bakit ko nasasabi to? Because I know him.. Sa dami nang mamanahin nya sa akin ay ang mga panget na traits ko pa. He was hard as a rock, tulad ko noon. He would say everything he's thinking kahit pa makapanakit sya ng ibang tao, bagay