CHAPTER FOURTEEN PAGKATAPOS ng dinner naming 'yon ay hindi na muli ako kinontak ni Luis Alfred at sa totoo lang, nami-miss ko na siya. Iba pa rin pala talaga ang ma-miss mo ang isang tao na hindi mo pwedeng makita dahil sobrang layo niyo sa isa't-isa kaysa ang ma-miss ang isang taong nasa malapit nga lang pero hindi mo naman pwedeng makita kahit gustuhin mo. “So Friday afternoon would be okay, then? Hannah?” “Y-yes?” “Okay ka lang ba?” Napaayos ako ng upo. Nasa isang coffee shop kami ni Bryce sa labas ng Digby para pag-usapan ang magiging bakasyon namin sa napanalunan niyang vacation package sa auction noong nakaraan. “I-I'm sorrry, Bryce. May iniisip lang ako. Ano nga ulit 'yong sinabi mo?” Para na pala akong tanga. Salita nang salita si Bryce tapos hindi naman pala ako nakikinig.