XI.

2614 Words

CHAPTER ELEVEN “UMAMIN na siya, Miss De Vera.” Kahit nanginginig ang katawan ko ay pinilit kong harapin ang suspek na siyang nakabaril kay Luis Alfred na kasalukuyang nasa custody na ng NBI. “Si Sylvia Mendez po ang nag-utos na barilin kayo, Ma’am. Wala akong nagawa. Matagal na akong nagbagong-buhay pero binantaan niyang may mangyayaring masama sa pamilya ko kapag hindi ko sinunod ang mga utos niya,” sabi ng lalaki habang nakaupo siya at may mga posas sa kamay. “Pero bakit kailangan niyang ipapatay ang pamangkin ko? Hindi pa ba sapat sa kanya na kinuha na niya ang lahat kahit labag iyon sa batas?” puno ng hinanakit na sabi naman ni Tita Thesa. “Hindi lang naman po ang pamangkin niyo ang gusto niyang ipaligpit sa amin, eh. Pati kayo. Lahat-lahat kayo na posibleng umangkin ng kayamanan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD