"Gising na raw si Morrine," anunsyo ng kapapasok lang na si Jarren sa dinning room habang hawak ang phone habang mayroong mensaheng binabasa. Nasa hapag na kami, kakain na ng hapunan. Napatingin sa akin si Tito Benedict at nakita ang reaksyon kong napairap. Idinaan ko na lang sa pag-inom ng tubig sabay taas ng isang kilay. Naupo na si Jarren sa kabilang bahagi ng lamesa katapat ko habang si Tito Benedict nasa sentrong dulo katabi lang namin at pinaggigitnaan namin dalawa. "Mabuti naman at nagising na!" saad ni Tito Benedict na tila nakahinga na ng maluwag at kahit na ano pang sabihin pamangkin niya pa rin at naibsan ang pagaalala. Dumako naman ang tingin sa akin ni Jarren. "Ikaw, Aya? Wala ka man lang ba sasabihin? Gising na ang kapatid mo matapos ng pagkakasuntok mo." Natawa lang ako