THIRD PERSON'S POV "Ma, si Jandrick ba, bakit hindi pa umuuwi?" tanong ni Kandrick kay Odessa. Kabababa niya lang ng hagdanan at tinungo ang dinning kung nasa'n ang Mama niyang nakaupo may ginagawa sa may lamesa. "Hindi ko nga alam at kanina ko pa nga rin hinihintay, anong oras na, alas diyes y media na wala pa," sagot nito na itinigil muna ang paglilista sa papel na pamimilhin bukas sa palengke. Dumako siya sa suot niyang relo, nangunot ang noo niya. Kapag naman may gagawin si Jandrick sa labas nagsasabi naman late na siyang makakauwi pero ano oras na wala pa? Wala man lang pasabi kung nasaan lugar nagpunta o kung naka-out na ba. Hindi p'wede sa kanya na wala pa ang isa sa miyembro ng pamilya kapag ganitong oras na kahit pa lalaki ang kapatid niya nasa pangangalaga pa rin niya 'to. "