Ibinaba ko muna ng ballpen at sumandal sandali sa sandalan ng swivel chair saka patingalang pumikit. Tama, makaka-move on ako nito, hindi dahil sa ibang lalaki kundi sa pagod dito sa opisina at tutok sa trabaho. Iniisip-isip ko kanino ba galing iyung bulaklak na iyon? Dati naman na ako nakakatanggap ng ganoon pero ngayon na lang ulit, maybe the last time was two years ago? Ngayon na lang ulit may nagpadala. Ang weird lang ng message. I'm sorry? Ano kaya iyon. I just have a ugh face. Hindi ko na lang inisip at muling na lang akong umayos ng upo at kinapitan na ulit ang ballpen. I started to review the documents that requires my signatures. All these are business plans and offered new toy models from some local inventors. I have two companies I'm handling, one is the company produ