KABANATA ELEVEN

1546 Words

Hindi na ako nakatiis at tumayo na ako. Humawak ako sa rehas at tiningnan ang mga pulis na nagtatawanan doon na may pinagku-kwentuhan na katawa-tawa at kasama roon si Kandrick na nakikitawa. Nakahilig siya sa kantuhan ng lamesa niya habang nakahalukipkip at nakikipag-usap sa mga kasama at tatawa-tawa rin sa kung ano mang pinaguusapan nila. "Hey!" tawag ko sa atensyon nila pero hindi nila ako pinansin kaya humigpit ang hawak ko sa rehas. "I'm very thirsty! Nanunuyot na ang lalamunan ko pati ang labi ko! Wala ba kayong awa? Isang bote lang naman ng distilled water ang hinihingi ko!" sumigaw na 'ko. Tumigil naman sila sa tawanan at lumingon ang grupo ng mga pulis na iyon ganoon din si Kandrick na dumako na nga ang tingin sa akin pero hindi niya naman ako pinansin at ibinalik din agad ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD