"Kung doon ka na lang kaya sa lamesa namin, hija? Mukang nag-iisa ka riyan sa lamesa mo, doon ka na sama-sama na tayo mukang wala pa naman din ang order mong pagkain," alok ni Tita Odessa na maki-table ako sa kanila na pang-five seater sabay sulyap sa lamesa kong pang-single. Sinilip ko naman sa bandang likuran niya ang lamesa nila kung nasa'n nakaupo na sina Kandrick at iyong babae... Well, not a bad offer, huh? At least I'll have a clear view of them, closely. Pabor pa sa akin. "Naku, hindi ba parang nakakahiya, Tita? May ibang tao kayong kasama..." kunwari nahihiya pa 'ko para naman hindi mukang garapal. Tukoy ko rin doon sa babaeng katabi ni Kandrick na siyang kanina pang nagpapainit ng bunbunan ko. Pagak naman itong natawa. "Sus! Nahiya pa! H'wag ka nang mahiya hindi na rin iba