Natawa ako. "Ang lakas ko naman sa 'yo." He chuckled. "Like I said, as long as it's you." Tumagal ang titig ko sa kanya at ramdam kong nanginit ang magkabilang pisngi ko kaya agad akong napaiwas ng tingin at tumikhim. "You are still at your duty," I said and looked around the restaurant, wala nang halos mga tao, anong oras na rin kasi at linggo pa kaya mukang pa-close na rin sila. "P'wede naman mamaya. Pa-out na rin ako," saad niya at tumingin sa suot niyang na relo. "Sigurado kang sasamahan mo 'ko?" tanong ko. "Baka sabihin ng Kuya mo, ikaw naman ang target ko ngayon dahil hindi ko lang siya nakuha." Tumawa pa nga ako. "Alam mo na, best in misinterpretation ang Kuya mo." "No one will think of you that way," he assured me and smiled. "Ako ang nag-offer, hindi mo ako pinilit so never