CHAPTER 6

1397 Words
Hindi ko na kinausap si Bryan after that. Pumunta kami sa sumunod na klase na puro tango lang at iling ang sinasagot ko sa kanya. Nang matapos ang klase, nag-text na ako kay Kuya para magpasundo. “Uy, kunin ko nga pala ang number mo!” biglang sabi sa akin ni Bryan na naglabas din ng cellphone. “May sss ka ba at IG? Invite mo naman ako.” “IG?” tanong ko “Insta-Graph, pwede ka mag-post doon ng mga pics at artworks mo.” sabi n’ya sa akin. “sss lang...” “Okay, anong username mo, add kita?” Wala na nga akong nagawa kung `di ibigay sa kanya ang account at cell number ko. “Ano, alis na tayo?” aya niya sa akin, sabay kapit sa aking kamay! Kumalabog ang dibdib ko! “M-m-may... s-sundo ako!” pautal-utal kong sinabi habang hatak n’ya ko sa kamay. “Ah, saan ka maghihintay?” “D-dito lang...” “Sige, samahan na muna kita.” Umupo s’ya sa bench na malapit sa amin at tinapik ang tabi niya. Tinitigan ko siya. Nakangiti lang siya sa akin. Nagbuntong hininga ako at umupo sa kabilang dulo ng bench. “Ano ba’ng forte mo sa art?” tanong n’ya habang umuurong palapit sa akin. “P-painting...” sagot ko. Natawa siya. “Alam ko, pero ano ang style mo? Ako caricatures ang forte ko, mahilig din ako sa art nouveau, balak ko maging 3d artist pagdating ng araw. Ikaw? “Realism... gusto ko yung mga renaissance art.” “Oo, ang ganda nga ng mga drawing mo eh...” may kinuha s’ya sa kanyang bag. “Gusto mong makita ang akin?” inabot niya sa akin ang isang makapal na sketch pad. Nakakatuwa ang mga drawing dito! Kitang-kita sa mukha ng mga characters niya ang kanilang nararamdaman. May masaya, malungkot, galit, naiinggit, natatae. Natawa ako sa isang picture ng sikat na politiko na may buntot ng tuta at nililinis ang back-side ng isang baboy na may bituin sa pigi. “Ayos `to ha?” tumingala ako sa kanya at nakita siyang nakatitig sa akin. Ang ganda ng ngiti sa mga labi niya. Umiwas ako ng tingin, inilipat ang pahina hanggang sa maabot ko ang dulo. Pero hindi ko masyadong nakita ang gawa n’ya. Hindi pa rin kasi naaalis ang titig n’ya sa akin, at feeling ko, nalulusaw na ko na parang ice-cream sa init ng kanyang titig. “Bakit ba ang tagal ni Kuya Brent?!” sabi ko sa sarili. “Daryl...” Sa wakas nag-vibrate din ang phone ko! “Ah, si Kuya!” kinuha ko ang cell ko. “Hello? Okay, palabas na `ko! Bye!” “Uuwi ka na?” “Oo, sige, bukas na lang ha! Bye!” “Sandali!” hinawakan uli ako ni Bryan sa kamay, at pakiramdam ko ay hihimatayin na ko sa nerbiyos! “Sabay na tayong lumabas.” sabi niya. “A-ang kamay ko...” “Hm?” ngumiti s’ya sa akin. Binitawan n’ya ang kamay ko, tapos ay umakbay naman sa balikat ko at hinatak ako palapit! “Lika, baka naghihintay na Kuya mo.” Syet! Ano ba ito? Kung kailan ko pilit pinipigilan ang sarili ko, s’ya naman itong lapit ng lapit! “Daryl!” kinawayan ako ni Kuya na nakasandal sa kotse. “O, sino naman `to?” “Bryan po, kaibigan ni Daryl.” nakipagkamayan siya kay Kuya. “Buti naman at mukhang marami kang nagiging kaibigan.” nakangiting sabi ng kapatid ko. “Taga saan ka ba Bryan? Baka p’wede ka’ng sumabay sa amin?” “Ho? Nakakahiya naman po...” “Sige na, okay lang, basta kaibigan ng kapatid ko!” “Eh, sa Cainta po ako, baka out of the way..” “Aba, tamang-tama, sa Antipolo naman kami, pa-Sumulong, sige sakay na!” Lumaki ang ngiti sa mukha ni Bryan habang lalo naman akong na-mroblema. Buti na lang sa harap ako umupo. “Saan ka naman sa Cainta?” tanong ni Kuya sa `pag start ng kotse. “Sa Maric po, pero okay na ko bumaba sa may Sta. Lucia.” sagot niya. “Kayo po, saan sa Antipolo?” “Sa Crestwoods naman kami, malapit sa SSS.” Nag kuwentuhan pa sila Kuya, habang ako nakikinig. Apat palang magkakapatid sila Bryan, pangatlo siya, at bunso sa tatlong lalaki. Ang tatay n’ya pintor din, ang nanay n’ya naman, nagtuturo sa Cainta Catholic highschool. Marami pa silang napag-usapan hanggang sa bumaba siya sa may Robinson’s Cainta. “Sige, pare, bukas uli ha?” inabot n’ya ko sa harap at tinapik sa balikat bago bumaba. “Salamat, Kuya! Ingat kayo!” “Ingat din.” pahabol ni Kuya. “O, ba’t ang tahimik mo?” tanong n’ya sa akin pagsara ni Bryan ng pinto. “Inaantok lang, Kuya.” “Okay yang si Bryan ha, mabait, parang yung best friend mo nung highschool.” Nanikip bigla ang dibdib ko. “Ano na nga bang nagyari kay Rylie? Dati ang dalas pa no’n pumunta sa atin `di ba? Ngayon ni wala akong balita sa kanya?” “Busy rin sa college.” “Hmm... saan ba s’ya pumasok?” “Sa Baguio.” “Ah, malayo pala, ba’t naman sa Baguio pa?” “Gusto n’yang magsundalo, kaya pumasok s’ya sa PMA.” “A ganoon ba? `Wag kang mag-alala, ayan naman, may Bryan ka na.” Kumalabog ang dibdib ko. Tumingin ako kay Kuya na diretso ang tingin sa kalsada. “May alam kaya s’ya tungkol sa crush ko kay Rylie?” tanong ko sa sarili. Hindi naman siguro... baka ibig lang n’yang sabihin, eh, may bago na akong magiging best friend? Pag-uwi namin sa bahay, dumiretso na ako sa kusina para maghanda ng hapunan. Sa akin kasi nakatoka ang pagluto, si Ate sa paglilinis, habang si Kuya naman ay driver namin, since nag start na s’yang mag work sa clinic niya sa Trinoma. “Anong lulutuin mo ngayon?” tanong ni Kuya na naka suot lang ng boxer shorts. Kitang kita ang mapipintog na muscles n’ya sa braso at sa tiyan. “Chop suey. Kaninang lunch, puro karne ang pinakain sa akin ni Ate Althea, eh.” “Sige, sarapan mo ha, mag pupunta lang akong sandali sa gym.” ginulo n’ya ang buhok ko. “Hintayin mo na lang ang Ate mo, mga 7 nasa bahay na `yun.” “Okay.” Naggayat na ako ng gulay at naggisa ng bawang at sibuyas, nang biglang mag-ring ang cellphone ko! Nahulog ang dala kong sandok. Walang ibang tao sa bahay. Baka si Ate Althea lang `yan, o kaya si Kuya Brent... Pero pano kung ibang tao `yan? Kung hindi ko kilala... o kahit pa kilala ko... Bumilis na ang t***k ng puso ko, at kinailangan kong huminga ng malalim ng ilang beses bago ko nalapitan ang cellphone, pero dahil sa tagal, eh, tumigil na ito sa pag-ring. “Haaa....” salamat... babalik na sana ako sa ginigisa ko, nang bigla nanaman itong tumunog! “Okay... text lang `yan, text lang...” Kinuha ko ang phone at tinignan kung sino ang nag-message sa akin. ‘Pare! BC k ba? Ano gawa mo?’ si Bryan pala! Tinitigan ko ang phone. Inisip ko kung sasagutin ko ba s’ya o hindi. ‘Nagluluto ako.’ I texted back. At nagulat ako sa aking ginawa matapos kong mapindot ang ‘send’. Biglang nag-ring ang phone! Incoming call. Naihagis ko sa ere ang telepono ko na pilit ko rin sinalo! “H-Hello?” ‘Hello pare? Nagluluto ka? Anong ulam ninyo?’ sabi sa kabilang linya. “C-chop suey lang...” ‘Uy, sarap naman, paborito ko `yan! Minsan patikim ng luto mo ha? Ako taga-kain lang sa amin, eh, ang toka ko maglaba at maghugas ng plato.’ tumawa siya. ‘Ulam namin spam at itlog, busy si nanay eh, di na makakapagluto.’ Wala akong maisip na sabihin. ‘Ano pang alam mong lutuin?’ “Kahit ano.” ‘We? `Di nga? Sige nga pagluto mo ako bukas, gusto ko ng tapsiolg!’ tumawa uli siya. Nakakatuwa namang pakinggan ang tawa niya. “Tosino na lang... wala kaming tapa ngayon.” sabi ko. “Saka mag-sesebo ang tapa `pag hindi na mainit.” ‘Wow! Ipagluluto mo talaga ako?! Sige dalan mo ko ng tosilog bukas ha? Tamang-tama, masarap kainin `yan matapos nating mag-PE.’ “He-he... basta ikaw ang bahala sa panulak.” ‘Okay, ako sa softdrinks.’ natahimik s’ya matapos noon. “A-ang gusto ko iced tea...” sabi ko, bago pa n’ya maisipang ibaba na ang linya. ‘Okay, iced tea.’ muli s’yang natigilan ng sandali. ‘Ang ganda pala ng boses mo sa phone, Daryl.’ Nag-init bigla ang mukha ko! Tapos noon ay may naamoy akong nasusunog! “Ah! Ang ginisa!” ibinaba ko ang phone at agad pinatay ang apoy sa burner! Itim na ang bawang at sibuyas ko! ‘Hello?’ Pinindot ko ang speaker sa phone ko. “H-hello... mamaya na lang kita tatawagan! Magluluto muna ako!” ‘Ha? Okay...’ narinig ko s’yang tumatawa. ‘Kain ka nang marami para maging cute ka pa lalo ha?’ sabi n’ya bago ko pinutol ang linya. Napa-squat ako sa lapag. Sobrang nakakahiya! Tinakpan ko ang mukha ko, at sumigaw. “Aaaaaarrgghhhh! Nakakainis!” Buti nalang at wala ang dalawa kong kapatid, kung `di, siguradong sesermonan nila ako. Hinampas-hampas ko pa ang mukha ko, huminga ng malalim, at saka muling tumayo. Napatingiin ako sa stainless steal na caserola namin at nakita ang mukha kong pulang-pula. Pero hindi lang ito kahihiyan. Hindi ito sobrang nerbiyos o anxiety attack. Hindi, iba ang nararamdaman ko ngayon... `di tulad ng mga naramdaman ko kamakailan lang bago kami nagbakasyon. Muling nanginig ang katawan ko. Oo. Kinikilig ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD