L.A’s POV Pagkarating namin sa Catelthon University ay mabilis kaming hinaramg nung guard sa entrance nang papasok na sana kami. “Ma’am hindi po kayo pwedeng pumsok, bawal po ang outsider tuwing regular school day,”sabi nung guard. Dahil ako ang nasa harapan kaya ako na ang unang nagsalita. “I am Lorraine Athena-- VARGAZ.”sabi ko at talagang in-emphasize ko pa talaga ang surname ko dahil Tito ko ang may-ari ng school na toh at pinsan ko ang namamahala. Parang ako lang din sa Althon. Nang marinig nung guard ang sinabi ko ay agad niyang nilakihan ang pagkakabukas nung gate. “So-sorry po Ma’am.”sabi niya at nag-bow pa siya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na kami sa loob. “Aba, aba naman L.A, daming connection natin diyan ahh.”bulong ni Yanna sa pabirong paraan.