CHAPTER 26 F*CK! Siya lang ang nakakagawa sa akin ng ganito at naiinis na ako sa sarili ko kung bakit hinahayaan ko siya. Mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin. "GAGO KA TALAGA NOH! "Galit na sigaw ko sa kanya at aktong susuntukin ko na sana siya nang bigla siyang lumayo sa akin at hinarang niya pa ang kamay niya sa may bandang mukha niya. "Bakit ka ba galit? Naiinis na ako kakatanggi mo eh kaya hinalikan kita para tumahimik ka na. Tsaka, binalaan naman kita di ba? Ang sabi ko, kapag umangal ka ay hahalikan kita... eh umangal ka, kaya yun ang nangyari."sabi niya na parang wala lang yung halik na ginawa niya sa akin tsaka ngumiti pa. F*ck! "Eh kung bugbugin kaya kita diyan mismo sa kinatatayuan mo huh!? "Pagbabanta ko sa kaniya. Ngumiti na naman siya sa akin. "Okay lang-