Kabanata 20 Ace Benedict's Point of View "Boss!" Biglang pumasok ang isa sa mga tauhan ko kaya naman napa-angat ako ng tingin mula sa binabasa kong libro. "What's the panic all about?" Malamig na tanong ko. Ramdam ko kasi ang pagka-taranta sa kaniya. Sa paraan pa lang ng pag-taas-baba ng kaniyang dibdib ay alam ko na may problema. "Patay na si Carl." Tukoy nito sa isa kong tauhan na inutusan kong magmanman kay Lj. Agad na nangunot naman ang noo ko. What? Sino naman ang pumatay sa tauhan ko? "Who killed him?" Siryosong tanong ko sa kaniya. Napa-lunok naman siya. Mukhang alam ko na kung sino. "Si Rain, boss. Nahuli niya si Carl na minamanman si Lj at tinuluyan niya ito kanina sa parking lot ng school nila." Pagla-lahad nito sa akin ng detalye. Agad na kumuyom ang mga kamao ko. Ta