Kabanata 18 Louise Jadelyn's Point of View Tinitigan kong mabuti ang hawak kong litrato. Hindi ako pwedeng mag-kamali. Si Tito Benedict ang nasa larawan, ang tatay ni Marie Claire. Pero anong ginagawa ng picture ni Tito Benedict sa kwarto ni Rain? At bakit meron siyang litrato nito? May kaugnayan ba sila sa isa't isa? "What are you looking at?" Nagulat ako ng bigla kong narinig ang boses ni Rain. Agad kong itinago sa aking likuran ang picture na hawak ko at isinilid iyon sa likurang bulsa ng suot kong maong shorts. "Huh? Wala." At umiling ako sa kaniya. Umangat naman ang isang kilay niya habang pinagma-masdan ako. Halatang hindi siya naniniwala sa sagot ko. "Tss. What are you doing to my room, anyway?" Pagpa-palit niya ng topic. Naka-hinga naman ako ng maluwag. Akala ko'y magta-t