Kabanata 15 Louise Jadelyn's Point of View Isang oras na kaming naghi-hintay dito sa labas ng emergency room at hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas si Rain or kahit ang doctor. Hindi ko maiwasang mag-alala. Ano na kayang nangyayari sa loob? Sana maayos lang ang lagay ni Rain. "Lj, kumain ka muna." Saad ni Lance sa akin pagka-tapos ay inabot niya sa akin ang isang club sandwich. Matamlay na ngumiti naman ako sa kaniya at kinuha iyon. "Salamat." Saad ko. Tinitigan ko lang ang sandwich na hawak ko. Wala akong gana kumain. Hangga't hindi lumalabas si Rain or ang doctor sa loob ng silid na iyon ay hindi ako mapapa-lagay. "Kumain ka. Baka magalit si bossing kapag nalaman niyang ginugutom ka namin." Saad naman ni Xander sa akin nang mapansin niyang naka-titig lang ako sa sandwic