Kabanata 23 Louise Jadelyn's Point of View Lunabas ako ng kwarto pagka-tapos kong maligo at ayusin ang mga gamit ko. Nag-pahinga din ako ng kaunti dahil hindi talaga naging sapat ang pag-tulog na ginawa ko kanina habang bumabyahe kami ni Rain. Pag-labas ko ay wala si Rain. Siguro'y nagpa-pahinga ito dahil alam kong wala rin siyang tulog at pahinga mula kagabi. Alas-singko na ng hapon at natanaw kong papalubog na ang araw saktong pag-baba ko ng hagdanan. I stop for a moment to admire the view. It's breathtaking. Ngayon lang ako nakakita ng sunset and it's really mesmerizing. Ang ganda-ganda. Napa-ngiti na lang ako at tumuloy na sa kusina. Andoon pa din ang mga paperbag na pinamili ni Rain kanina. Inayos ko na iyon at sinasalansan sa mga lagayan. Nag-grocery na din pala ito at bu