Chapter 5

2253 Words
"Congrats Miss Jelaine you are now an official photographer on Agencia de modelos!" nakipagkamayan pa sa akin si Axle pagkatapos kong pirmahan ang contrata. "Salamat sir Axle!" ngumiti ako sa kanya sabay tayo at nagpaalam na rin upang pumunta sa assigned room ko. Sasabak na kasi ako sa trabaho ngayong araw. Minsan ay natatawa na lamang ako dahil sa aking kagagahan dahil hindi ko naman talaga kailangang magtrabaho. Kung hindi lang talaga dahil kay Leon ay mas mabuti pang atupagin ko na lamang ang aking resto. But this is a chance for a lifetime! May mission ako na kailangang gawin. Ang mabihag ang puso ni Leon. Pagkatapos ng aking trabaho ay pumunta ako sa room nito. May sarili kasing kwarto ang mga sikat na models dito sa agency. Kumatok ako at ang gwqpong mukha ni Leon ang aking nabungad pagpasok ko pa lamang. Lu'cj time na kasi kaya nagpadeliver ako ng foods para sa aming dalawa. " Hey, may dala akong lunch para sa'tin!" malapad ang aking ngiti sa kanya habang itinaas ko ang paper bag na may lamang dalawang dtyro ng pagkain. "Wow, salamat talaga Jelaine! Hindi ka pa rin talaga nagbago!" masayang saad nito at hinawakan ang aking bewang papasok sa loob ng kwarto. Ngunit noong isara na sana ni Leon ang pinto ay may mahabang kamay ang humarang sa pinto. " Hi... Mind if I could come in? " Nakita ko ang seryosong mukha ng aming boss na pumasok na kaagad sa loob ng kwarto ni hindi man lamang hinintay ang tugon ni Leon. " Y - yes po Boss Tiger!" mahinang saad ni Leon. " Hi Miss Jelaine... Close pala kayo ni Leon noh? Parang komportable ka rito sa kwarto niya! Ayaw mo ba sa doon sa room mo?" mapakla nitong saad sa akin. Tinaasan ko lamang ito ng kilay. Hindi porke't boss siya rito ay kaya na niya akong kausapin ng ganu'n na lang. At mukhang okay na okay na ang Tigreng 'to ah! Tumikhim muna ako dahil gutom na nga ako at parang nagsisimula na naman ang gagong' to sa pang-iinis sa akin. "Excuse me po boss pero hindi ko naman po siguro obligasyon na ipaliwanag sa inyo kung bakit kami close ni Leon right? Hindi naman po siguro kasama 'yun sa kontrata natin ang mangialam sa buhay ng iba." umirap ako sa kanya dahil napaka pakialamero niyang tao. " Ahhh eh Boss. Childhood bff ko po si Jelaine. Umalis lang po ako sa Turkey noong nasa grade five kami. "pagpapaliwanag ni Leon. Tumango naman si Boss Tiger rito ngunit ang mga mata ay naka focus sa akin. " Oo nga dahil itutuloy namin ang aming naudlot na---"hindi ko na naituloy dahil nabilaukan ako. " Naudlot na ano Jelaine? "pagpapatuloy ni Tiger. " Pagkakaibigan.. May problema ba sa'yo? Naku Leon, let's eat nagugutom na ako. Favorite mo ito noong bata pa tayo remember? "pag-iba ko ng topic dahil gusto ko nang umalis si Boss. Favorite talaga ni Leon ang chicken curry. Ngunit wala talaga itong balak umalis dahil kinuha nito ang pack lunch na binili ko para kay Leon." "'Langhiya talaga." mahina kong bulalas. " Wow favorite ko rin ito! " narinig kong saad ni Boss. "Hati nalang tayo rito Leon.You should try this!" itinaas ko ang kutsara at isinubo ang laman no' n kay Leon. Binuka naman nito ang bibig at ngumiti sa akin. "Leon.. Maraming magagandang model rito noh? I heard type ka ni Trina..." Ano ba talaga ang gustong palabasin nitong taong 'to.? "Ay Boss, ibahin niyo si Leon. Hindi siya katulad ng ibang lalake diyan na malandi at feeling super gwapo na sa isang halik at haplos lang sa babae ay tingin niya' y bibigay na agad!" sumingit ako sa sinabi niya. Nakita kong namula si Leon sa sinabi ko. Hindi siguro nito na-expect na akonang sasagot sa salaysay ng Boss namin. Eh, sa prangka ako at ayokong itago ang nararamdaman ko eh! Ako ang isang klase ng tao na ayaw itago ang gusto kong sasabihin sa iba lalo na't sa mga kaibigan ko. Bahala na't masaktan sila sa katotohanan kaysa naman puro kasinungalingan ang sasabihin ko. "Wow, overprotective mo naman. Boyfriend mo?" Nakangisi nitong saad sa akin. Halos nagkulay kamatis ang aking mukha sa matinding hiya kay Leon. Hinawakan ni Leon ang aking palad at nakuha ko agad ang ibig sabihin nito na huwag ko nang sagutin ang boss namin. Nahismasan naman ako nang maramdaman ang mainit niyang palad sa aking kamay kaya nanahimik na lamang ako. Pasalamat talaga siya dahil siya ang boss rito at wala kami sa labas. Tumayo ako at nagpaalam na sa kanilang dalawa. Ako na lamang ang iiwas sa aming Boss dahil baka mag-aaway na namin kaming muli. ------- Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso na muna ako sa resto. Bibisitahin ko muna ang aking negosyo dahil nitong huling araw ay hindi na rin ako naka-update sa status nito. Mabuti na lamang ay napaka - aktibo ng aking manager na si Lorena. "Ay ma'am. May bago pala tayong waitress. Si Eloisa Madrigal po!" ipinakilala nito sa akin ang isang batang bata na waitress. Napakaganda niya at maganda rin ang katawan. She looks like sixteen or seventeen. "Good afternoon po ma'am!" bati nito sa akin. Ngumiti ito at mas lalo 'ata itong gumanda nang ngumiti. "Hi, Eloisa. Ang bata mo pa. Ilang taon ka na?" tanong ko rito. "Eighteen po. Pero may asawa na po ako. Kailangan ko po talaga ng trabaho ma' am eh." "Don't worry Miss Jelaine... Napakasipag nitong batang 'to eh!" Kinuha ko sa bag ang aking cellphone nang marinig ang ringtone nito. "Bess?"Si Althea Belle ang nasa kabilang linya. " Huwag mong kalimutan ang birthday ni Josh ha? "saad nito. Si Josh Mondragon ang pinsan nitong napakababaero ang tinutukoy nito. " Oo nga pala bess... Samahan mo'ko bukas sa parlor. I need a make over. This pass few days ay parang na stress ang matris ko bessy! " " Huh? W-what do you mean? Hindi ka na virgin?" Natawa ako sa sinabi nito. Parehas talaga ang ugali nitong si Belle. May pagkapilya rin ito pero mas madaldal lamang ako sa kanya. " Gaga...ganito 'yun! "panimula ko sa kanya. Ikinwento ko ang lahat ng nangyari sa amin ng aking Boss at ang plano kong landiin si Leon na hanggang ngayon ay drawing pa rin dahil umeeksena lagi ang Tiger na' yon. Narinig ko ang malutong na tawa ni Belle sa kabilang linya. " Hoy bess? Bakit mo'ko pinagtatawanan ha?" "Kasi naman bess baka type na type ka ng boss mo at hindi si Leon ang destiny mo kundi ang boss mong Britanyo! Natatawa ako sa'yo bess kasi I can imagine your face noong nahawakan at tinitigan mo ang ano niya!" " Anong nakakatawa doon bess ha? Hay naku ni hindi ko nga siya boyfriend eh! Wala pa kaming contract para mahawakan niya ang katawan ko noh! Ang swerte kaya niya! " " Pero paano kung liligawan ka niya? Kasi the way he talks at ang galawan niya bess eh parang attracted sa'yo? " " Nooooo hindi pwede! Si Leon ang gusto ko. At kapag ako mababaliw bess, ako na ang manliligaw sa kanya! " " Huwag naman bess. Landiin mo lang! " " Sige lets see kung hindi siya mahuhulog sa aking kagandahan! "saad ko na ang itinutukoy ay si Leon. Dumiretso na ako sa simbahan pagkatapos kong magpaalam sa aking mga staff sa resto. Punong puno ang simbahan dahil alas seis na pala ng gabi. Nang lumingon ako sa aking likuran ay nakita ko si Tiger Geller na nakasandal sa pader at seryosong nakikinig sa sinasabi ng pari. Natawa ako sa itsura nito.Hindi kapanipaniwala na relihiyoso ito dahil sa porma nitong parang isang hoodloom. Naka-itim na leather jacket. Naka-itim na pantalon. Itim rin ang t-shirt sa loob. Ang buhok ay hanggang balikat. At nakablack-shades. Hindi ko inaasahan na tumatawa na pala akong mag-isa habang nakatingin sa itsura niya. All black? Seriously? "Ako na naman 'ata ang pinagtatawanan mo Kitty Kat? May nakakatawa ba?" tumayo ang aking mga balahibo nang maramdaman na nakatayo na ito sa aking tabi at ang mainit niyang hininga ay tumama sa aking punong teynga. "Oo, ikaw! Nakakatawa ka!Mukhang ang laki ng kasalanan mo kay Papa G! Okay ka lang ba? Baka mali 'ata ang pinuntahan mo eh. Lumipas na ang November one at talagang terno pa kayo ni kamatayan!" mahina ko rin bulong sa kanya. "C-could you just please shut up Jelaine!Lagi mo na lang talaga akong kinokontra. Remember, may kasalanan ka pa sa akin? We have a deal. Friends na tayo right? Kaya after here sasama ka sa akin. Mag dinner tayo!" "Paano kung ayaw ko? Atsaka nakakatakot kang kasama. Parang susunduin ka na ni kamatayan sa all black outfit mo. Huwag mo naman akong idamay, virgin pa'ko." "Puro ka kalokohan. Basta sasama ka sa akin ngayon. I'll treat you for a dinner!" "Ganyan ka ba kung makikipagdate sa babae? Namimilit? Namumuersa?Ulitin mo ang pag-alok mo. Dapat convincing!" saad ko rito. "Pagkatapos rito, samahan mo ako... Kakainin kita. Ay mali, kakain tayo sa restaurant!" "Hmmmm demanding ulitin mo!" "Jelaine, can I ask you to join me in a dinner please? It's just a friendly dinner promise!" "Bakit bukod sa friendly dinner, may iba pa bang klase ng dinner!?" Napakamot ito sa ulo. "Oo na dahil marunong ka rin naman palang makiusap. Ganyan ang bet ko, 'yung ako ang nasusunod! Ayoko ng namimilit." "Really? Sasamahan mo' ko?" nakita ko ang liwanag na sumilay sa mukha nito. "Ayaw mo 'ata eh. Hindi ka' ata seryoso?" "Of course I want to. Thank you Jelai!" "Ooooops! Huwag ka munang magpasalamat dahil habang kumakain tayo mamaya ulitin mo ang sermon ng pari dahil hindi ko naiintindihan dahil sa'yo nyemas ka!" Sumeryoso ito at ibinaling ang tingin sa nagsesermon na pari. Tinanggal ko ang shades niya. "Huwag ka nang magshades."itinago ko iyon sa aking bag. Kahit ako ay hindi ko naiintindihan ang sarili ko kung bakit ginagawa ko ito. Ang isip ko ay tutol sa mga ginagawa ngunit sa kabilang banda ay may nag-uudyok sa akin na maging mabait sa lalaking ito. Naka-sideview siya at seryosong nakikinig sa pari. Napakatangos ng kanyanag ilong at sobrang tangkad niya talaga. No wonder, ang laki ng ano niya! Natigilan ako sa aking pag-iisip. Parang ako 'ata ang nagkakasala dahil sa kung anu-ano ang nasa imahinasyon ko. Pagkatapos ng misa ay sabay kaming lumabas. Humawak ito sa aking bewang ngunit tinanggal ko ang kamay niya. "Oooops, bawal ang hawak-hawak. Wala tayong kontrata Boss Tiger remember. Off-limits ang mga kamay mong daig pa si swiper sa Dora the explorer!" "W-what contract?" " Basta. Bawal yan baka mabalian ka na naman!" "Okay-okay. So, let's have dinner? Sundan mo na lang ako sa likod. Naka-ducati kasi ako. But if you want pwede kang umangkas sa akin! Balikan lang natin ang kotse mo?" "Ah no need. Sundan na lang kita. Baka ihuhulog mo pa ako sa motor mo!" sambit ko. Sa isang Seafoods restaurant ito huminto at naghintay siya sa akin hanggang sa makababa ako sa kotse ko. Marami akong inorder sa waiter dahil gusto ko talagang ma badtrip siya sa akin para tigilan na niya ako. Parang fiesta na ang aking inorder. Balak ko na madidismaya siya sa akin at madidiscourage na nang tuluyan. "Ano ba ang gamot sa buni at hadhad?" seryoso kong tanong sa kanya. Pero deep within ay tawang tawa ako sa aking sarili dahil alam kong mawawalan ito ng gana sa akin. Sa gwapong lalaki ni Tiger ay alam kong iba ang taste nito sa babae. "Ha?" Ang tanging tanong nito at tila naestatwa na 'ata sa tanong ko. " Ang sabi ko, ano kaya ang gamot sa buni at hadhad. Marami kasi ako sa hita at sa pang-upo ko!" nakakunot ang aking noo sa kanya pero sa totoo lang ay tawang-tawa ako. "Jelai? Sa akin mo pa talaga tinatanong' yan?" "Ahhh, sige sorry... Dadaan na lang ako sa pharmacy mamaya." Natahimik itong bigla. I'm sure bukas na bukas rin ay pagsisisihan na niya kung bakit pa siya lapit ng lapit sa akin. "Ma'am, Sir.. Dinner is served. Bon appeti!" masayang saad ng waiter.Namilog ang aking mata dahil sampung klase ng ulam ang inorder ko. "Boss Tiger... Magkakamay lang ako ha?" tumayo ako at naghugas ng kamay sa may wash area. Pagbalik ko ay pinakpak ko na agad ang mga pagkain sa mesa. Sinadya kong maging isang patay gutom sa harapan niya. Sinadya ko rin na ikalat ang sauce sa aking bibig. Tiyak kong nandidiri na ito sa akin ngayon. "Oh ba't hindi ka kumakain? Ang sarap kaya..." saad ko sa kanya. Tumayo ito at akala ko talaga ay iiwan na 'kong mag-isa ngunit naghugas rin pala ito ng kamay at kinamay na rin ang mga pagkain. Nakita ko rin ang mga sauce na nagkalat sa mukha niya. Tarantado talaga! " Oo nga, ang sarap nga! Parehas pala tayo kapag kumakain noh? Parang wala nang bukas!" natatawa ito habang parang patay gutom rin sa aking harapan. Parang ako na ata ang naestatwa sa ginagawa niya. Obvious talagang ginagaya niya ako. "Oo nga pala Jelaine. Pabili rin ng gamot sa buni ah? Mayroon din kasi ako sa hita at sa itlog ko!" Napaubo ako nang malakas dahil sa sinabi niya. Inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig at gusto ko talagang tumawa ng malakas. "'Di ba meant to be tayo? "kinindatan pa ako ng gago at inirapan ko na lamang ito. Akala ko ay ako lang ang marunong mang-good time. Eh mas baliw pala itong Tigre na' to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD