Kinabukasan ay pumasok na ako ulit sa Agency ni Tiger at nagsimula na ako sa aking trabaho.Katulad ng utos ng aming boss ay sa mga babaeng models ako naka-assign. Nang matapos kumuha ng mga photos ay dapat munang ipakita kay Tiger ang mga nakunan kong litrato. Dumiretso na ako sa kanyang office at naabutan siyang may kausap na dalawang magaganda at seksing babae sa mesa. Naroon rin ang baklang si Axle na namilog ang mata nang makita ako. "Hi! I think I just go back after a while boss!" sambit ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Niliitan niya ang kanyang mga mata habang nakatitig rin sa akin. Is he flirting at me? "No Jelaine pumasok ka na rito at baka matulungan mo kami kung anong background ang bagay para sa shoot ng ating mga models sa baguio!" saad niya. Nakita ko ang isang b