Chapter 8.. KINAKABAHAN si Nadine habang sinisipat nito sa salamin ang kaniyang mukha. Gusto man niyang makita ang kabuuan ng katawan niya ngunit isang maliit lang na salamin ang meron s'ya. Kanina pa siya pasipat-sipat sa kaniyang nguso na dinampian niya ng kaunting lipstick kung tama ba ang pagkakalagay. Hindi naman sya kasi sa sanay sa ganoon at may kaunting pagkailang. Maging ang suot niyang dress na hiniram 'nya sa naka babatang kapatid. Idagdag pa ang sandals nito na nagawa rin niyang hiramin. At akalain ba niyang kumasya yun ganoong nag subok lamang siya. Muli, tumayo sya at isang beses umikot sa kinatatayuan niya, sinubukan niyang ilakad ang sandals kung kaya ba niya yun ihakbang dahilang matangkad na nga sya lalo pang nadagdagan ang katangkaran niya. Naiinis na hindi siya komport