Chapter 11.. KALALABAS lamang ni Jacob galing hospital ng magtungo siya sa bahay ni Marco. Ilang oras din siyang nanatili doon dahilan sa masamang pakiramdam ng tiyan niya. Mas minabuti niyang doon na lamang dumeretsyo kesa magtungo ng mansion nila lalo na at baka maabutan pa niyang naandoon ang pinsan si Venj at baka kung ano lang ang magawa niya sa binata. Naiinis na sinalinan niyang muli ang kopita ng hard wine samantalang si Marco naman ay hinahagalpak ng tawa sa mga naikwento niya. "Please can u stop laughing?" suway niya sa kaibigan. "Sorry bro. Hindi ko lang talaga maiwasan tumawa." sagot nito na may namumutawing tawa pa sa labi. Umiiling na sumsim siya ng wine. "Kung may alam lang akong kukunsyambahin about sa marriage, much better na yun na lang. Kesa sa ganito!" nangin