Chapter 15.. KAILANGAN niyang kumilos at kung hindi baka masiraan siya ng utak. Kailangan niyang libangin ang sarili. Sanayin ang sarili na kasama ang binata. Gigising siya ng maaga para maghanda ng pagkain nila, maglilinis siya ng buong bahay o kahit ano pa. Baka kase mabaliw siya kung kain tulog ang gagawin niya at kung maaari hahatidan pa niya ito ng pagkain sa loob ng kuwarto nito na tila may sakit siya ay gagawin niya. Pero baligtad ang nangyare ito pa ang gumawa nun sa kaniya. Basta malibang lang siya at mapag bayaran niya ang nasira sa kumpanya nito. Pagkatapos kasing maisarado nito ang zipper niya, nahihiyang hindi na siya lumabas ng kuwarto. Nakaramdam siguro ang binata sa kaniya kaya hinatidan na siya ng pagkain nito. Bukod doon bago ito luamabas ng kuwarto, ikinatutuwa niya a