Chapter 3

2413 Words
Chapter 3.. "ATE! Ate naman po! Gising ate!" hiyaw ng kapatid ni Nadine sa kaniyang nakadapang katawan. "Ate!!" ulit pa nito sa pagtawag sa kaniya. "Hhmm.." ungol na sagot lamang ang lumabas sa labi niya saka bumaligtad ng pagkakahiga sa higaan na gawa sa kawayan. "Ate naman, yung baon ko po." muli niyugyog siya sa katawan ng isa sa nakakabatang kapatid para tuluyang magising siya. "Ate, mahuhuli na po ako sa skwelahan!" pero hindi parin siya nagising. "Ate!! Yung baon ko?" tanong pa ng isa niyang kapatid at pumasok narin sa loob ng kwarto niya. "Ate tumayo kana nga dyan! Yung baon namin!" pabulyaw namang sabi ng sumunod sa kanya. Si Lilia. At nagsunudan na din ang ibang kapatid niya. Pero ungol lang ang naisagot nya. "Aattteeeeeeeeh!!!!" sabay sabay na sigaw lahat ng kanyang kapatid. "Anong meron?! Anong meron?!" tanong ko na tila naalimpungatan ako. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. At sa isip may sunog sa kabilang bahay kaya napabalikwas ako sa pagkakahiga at napalinga linga sa paligid kung okay lang ba amh mga ito habang sunod-sunod na nakapila sa paanan ko na naka suot ng unipormeko? "Ate baon po namin?" Sabay sabay muling sabi ng mga ito. At isa isang naglapitan. Bigla pumasok sa isipan niya lunes nga pala ngayon. Muli naghikab siya. Napuyat siya kagabi dahil pinaubos niya ang kaniyang paninda. Sa gabi kase nagtitinda siya ng balut sa kanto, at sa araw naman ay highway vendors ang ginagawa niya. Pagtitinda ng candy at sigarilyo sa daan. Kaylangan nyang kumayod para gawin iyon dahilan sya ang panganay at inaasahan ng kanyang pamilya. Siyam silang magkakapatid, kaylangan nyang tulungan ang mga magulang dahil hamak na labandera lang ang kanyang ina at ang kanyang ama namam ay pa extra extra lang sa kontraksyon. Ayaw niyang maihantulad sa kanya ang mga ito, dahil Grade 4 lamang ang kanyang natapos. At kahit nahihirapan siya pilit syang kumakayod para sa mga kapatid na pang baon araw araw. Hindi rin niya masisi ang kanyang ina, dahil mahakbangan lang yata ng kanyang ama ay buntis na. At kamakaylan lang nalaman nya'ng nakunan pala ito. Na sanang ika sampu sa kanilang magkakapatid kaya dahilang napahinto sa paglalabada kaya ngayon doble kayod ang ginagawa niya. Tumayo sya sa pagkakaupo sa higaan at kinuha ang kanyang maliit na pitaka na kung saan doon lahat nakalagay ang kanyang kinita kagabi. Kumaway sya sa mga kaptid, na ibig sabihin mag silapitan ang mga ito sa kanya. "Oh, Jun jun maghapon mo ng baon yan. Huh?" wika niya. Sabay about ng barya. "Ate, kulang ito!" naka busangot na sagot nito habang hindi mahawakan ng mabuti ang pera. "Pagkasyahin muna, sige na.." wika niya na sinasabayn ng taboy. Walang nagawang kumakamot sa ulo na tumalikod ang kapatid niya. Napatitig siya ng husto sa umunos sa kaniya, "Oh, ikaw Li--. De putik ka!! Bakit ang pula ng nguso mo?" at namilog pa kanyang mga mata sa pag kagulat. "Ate may intrams eh.." sagot naman nito sa tinuran niya. "Bakit Lilia pati ba ngayon yung nguso nag iintrams narin?" aniya na naiinis sa kapatid. "Ang bata bata mo pa kumekerengkeng kana! Di ko nga nakikitang hinuhugasan mo yang p**e mo! Alisin mo yang pamumula ng nguso mo baka tapalan ko yan ng simento! Eto oh! baon mo!"sabay inginuso nya ang kanyang nguso sa kapatid. "Ate naman eh.. Pero salamat sa pera, ba bay.."sabay talikod nito sa kaniya. "Hintayin mo mga kapatid mo!" hiyaw na sabi sa patakbong si Lilia. "Late na ako ate.." hiyaw na sagot nito. Walang nagawa kaya hinayaan na lang niya ito. "Oh ikaw kambal yung bilin ko, ha? Huwag makikipag away.. Pati itong kambal mo tuloy nadadamay. Tuloy sya ang napagkakamalan." mahabang sermon niya sa kambal. At tumango tango naman ito sa kaniya. Matapos iniabot niya ang pera sa dalawang kambal na lalaki. Napangiti ito sa kaniya at nagpasalamat saka magkaakbay na tumalikod sa kaniya. Doon nakakaramdam siya ng pagka alis ng pagod. Ngiti lamang ng mga kaptid niya masaya na siya. Matapos bumaling siya sa nakakabatang kapatid. "Oh, Bunso eto ang dalawang piso." sabay about niya. "Ate, dalawang piso na naman? Baka pwede namang gawin mo namang limang piso ayoko na pong umuwi ng rises." wika nito, ngunit nagtataka siya bakit malungkot ito. Hinaplos niya ito sa mukha, "Bunso naandyan lang naman sa tapat yung school mo, pag nagutom ka umuwi kana lang. Sige na kuhanin muna to at tanghali na." malamlam na wika niya. Umiling ito bago sumagot sa kaniya, "Na naman ate..? Ayoko na nga pong umuwi ng rises." pagmamatigas nito sa kaniya. "Eh bakit ayaw mo ng umuwe bunso? Ginagawa mo naman yun dati diba? Saka paano ka makakain ng kanin? Diba yun ang sabi mo uuwi ka ng rises para kumain ng kanin?" Aniya, ito ang kanilang bunso may edad na pitong taong gulang. Natutuwa sya dito kase sa twing uuwi sya galing sa pagtitinda kaagad itong nag aabang ng candy na may tira sa kanyang bag. Kaya ginagawa nya nag titira sya ng ilang piraso para dito. "Opo ate, kaso natatakot po kase ako." kuwento nito sa kaniya, doon napakunot noo siya sa narinig. Pero nahpatuloy ito kaya hinayaan niya para marinig niya kung tanong dahilan at bakit natatakot ito, "Sa twing umuuwi po kasi ako ng rrises naririnig ko pong umuungol si nanay at tila nag aaway po sila ni tatay." "Si nanay at tatay nag away? At umuungol?" hindi maintindihan na tanong paulit niya sa sinabi nito. Lumaki at nagka isip ganoong ni minsan hindi niya narinig ang mga ito na mag away. "Opo ate." maikling sagot nito. "Anong pinag aawayan nila bunso?" tanong niya dahilan interesado nyang malaman. "Hindi ko po alam ate, basta nung dumakot ako ng kanin sa kaldero narinig ko po si nanay umuungol. Tapos narinig ko si tatay nagsalita." "E anong sabi ni tatay?" muling tanong niya sabay abot ko ng barya kay bunso. "Ang sabi ni tatay, "Ano gusto mo pa?" umpisang kuwento nito habang titig na titig sa akin ang dalawang mata, "Tapos po narinig ko ang kasunod kumakalabog po. Tapos narinig ko po si nanay na parang umiiyak na umuungol po tapos tinatawag pangalan ni tatay. Ganon din po nung biyernes nag aaway na naman po sila ate." anito na sumbong habang binibilang ang perang barya na binigay niya. Napatda siya sa narinig at nahulaan ang kinukwento nito, "Tatanda na eh!" bulong sa sarili, "Kakakunan lang eh! Dumadali na naman! E anong lilibog naman!" hindi maiwasang pabulong niyang sabi, nag iingat na huwag marinig ng bunsong kapatid niya. "Ay ate salamat!!" At itinaas nito ang kamay na puno ng barya. Sabay takbo nito papalayo sa kaniya. "Huh." hindi pala niya namalayang naibigay niya lahat ng kanyang baryang trenta pesos sa kapatid kaya wala syang nagawa sa batang kapatid na musmos nakangiting tumalikod sa kanya. Matapos nyang kumain ng almusal nagawa na nyang gumayak para magtinda sa bayan. Sa twing magtitinda sya sa kalye tamang t-shirt lang na puti at pantalon lang na luma ang kanyang suot. May dala din syang towel kung saan nakagulatay sa kanyang leeg, at sumbrero laban sa init ngunit pabaligtad namang nakasuot sa ulo niya. At bago umalis hinablot sa kabinet ang ID nya para sa pagtitinda. At kasabay ng pagkuha niya ang lalagyan ng paninda niya. "Candy, segarilyo kayo dyan!!" hiyaw niya sa daan. Katak..! Katak..! Tunog ng kanyang dalang box na hinahagapit ang saraduhan para gumawa ng ingay. "Candy, sigarilyo kayo dyan... Oh...!" Katak! Katak! "Neng sigarilyo nga." Hinto sa kanya ng isang driver ng jeep at sabay hugot niya ng isang sigarilyo at inilagay sa bibig ng driver saka sinindihan matapos iniiabot sa kanya ang bayad. "Walang barya manong. Candy na lang yung sukli" wika niya ng makita ang papel na pera at hindi naman nagreklamo ang driver pagkatapos umalis na ito sa harapan niya. Sanay na siya sa ganoong bagay. At dahil yun lang ang alam niyang makakatulong sa kaniya kaya ginampanan na lang niya ang pagka vendor. Tila maganda yata ang araw niya ngayon. Mabilis syang nakapagpaubos ng mga candy at sigarilyo at itinira lang ang ipapasalubong sa kapatid. Bago sya umuwi ng bahay dumadaan muna sya sa bilihan ng balut. Kung tutuusin ayaw na nyang umaangkat ng balot na paninda dahil bukod sa malayo na liblib pa ang bahay ng may ari. Ayaw din namang nyang sumakay ng sasakyan dahil sayang pa ang pamasahe na ibabayad nya. Kaya mas minabuti niyang maglakad at kaya naman niya. Pero wala syang magagawa dahil kung iiba sya ng pag aangkatan ng paninda hindi ganon kaparehas ang presyo, dahil sa palengke mas mataas ng dalawang piso kumbaga dito ay mababa ng dalawang piso. At doble pa nyang maibebenta kaya dito sya bumabawi. Lumiko siya sa isang iskinita malapit sa pagbibilan nya ng hilaw na balot. Pero hindi namalayang may tao don at walang sabing hinablot ang kanyang bag at mabilis na nagtatakbo papalayo sa kanya. "Akina yung bag ko! Akina!" hiyaw niya sa lalakeng papalayo ng takbo at hinabol nya. "Alam ko maabutan kita!" sambit niya habang binibilisan ang takbo, dahil malapit na nyang maabutan. "Akina yung bag ko! Walang hiyang magnanakaw ka! Hindi ka kumayod tapos yung bag ko kukuhanin mo!" ulit na huyaw niya hindi humihinto sa pagtakbo. At binilisan pa ng takbo ng magnanakaw. Kaya binilisan din niya ang paghabol dito. Hindi na niya alam kung nasaan na sya basta ang alam nya hinahabol nya ito. At mana mana'y may nadaanan syang mga bato na tila nakalaan talaga sa kanya pinulot nya yun at lakas n ibinato sa lalaking tumatakbo. Pero hindi nya alam kung natamaan ba niya ang lalaki o hindi. Pero nauubusan na sya ng lakas. At napa bagal ang kanyang pag takbo at napahinto na lang sa lalaking nakatayo na tila model na naka estatwa saka nagtanong. "Hoy boy may nakita kabang lalaki na tumatakbo papunta doon?" maangas kong tanong habang humihingal ako sa pagsasalita. "Nakita mo rin ba kung sino yung bumato ng kotse ko?" baling n tanong nito sa akin. "Nagtanong ako, tapos magtatanong din?" Pabulong. Hindi ko maaninag ang mukha nitong nasisikatan ng araw, dahil may kaputian ito. Sa nakatagong mata nito sa shade tila meron itong matang nakakaakit at isama pa ang mapula pulang labi at pisngi dahil sa tindi ng init. "A, eh ano bang nangyare sa kokotse mo?" sabay napatingin ako sa kotse nito at hindi maiwasan kabahan. "Ikaw bakit may hawak kang bato?" baling nito sa akin. "Ibabato ko sana sa lalaking humablot ng bag ko. Pero wala ito--." at mabilis kong binatwan ang bato. Na akala ko hindi nito napansin. *** NASA LOOB kami ng presinto. Nakanguso akong pumasok sa loob dahil hindi man lang ito naawa sa akin at dinala pa ako dito sa pulisya. Anong gagawin ko? Nanakawan na nga , ipinapulis pa ng lalaking to! Mabaog ka sana, bwisit ka!! Ano kayang gagawin ko. "Sir and Ma'am ano pong sadya natin?" At inilahad ang isang kamay ng isang hepe hudyat na maupo kami. Naupo naman ako. Pero mabilis din akong tumayo. Walang lingon sa lalaking walang awa na ipapulis ako. Gwapo sana ngunit mukhang simpatiko! "Ako si Nadine Lumantod. May 9 anak at 26 years old. Hinipuan po ako ng lalaking yan! Nilapi lapirot po ang aking dibdib! Pagkatpos non--- nag isip! Pagkatapos po non pinag samantalahan ako! At sinipsip po ang kaibuturan ko!" wika ko habang naka tingin nasa lalaking ngayon ay nakikita ko ang reaksyon ng mukha nito. "What!!" malakas na sabi nito, "What did you saying Miss Malantod?!" matapos nagtanggal ito ng shade. Napamangha ako pati na ang mga pulis napatitig. Para akong nakakita ng kakambal ni adan na may galit ang mukha. Yung adonis na adonis sa mukha. Yung ito na yata ang perpektong nakita ko sa buong mundo, kahit may galit ang pagmumukha nito hindi nawawala ang ka gwapuhan nito. Na parang ito na yata yung pinapantasya ng mga kababaihan. Parang ito na yata yung nakikita ko sa panag--- "Miss. Malantod!! Answer my question. What did you say?!" Bulyaw nito sa akin. Kaya nagising ako sa pag iisip at pagkatulala. Akma na akong sasagot para itama ang apelyedo ko, ngunit naunang nagsalita ang isang pulis sa akin na parang nabigla ng kung ma sino ang nasa harap ko. "Mr. Jacob Saa--. " "Stop!!" Bulyaw na nitong sabi sa pulis. At nakita kong mga natameme ang mga ito na parang kabaligtaran pa dahil tila natakot pa ang mga pulis sa lalaking kaharap ko na nagtatagis ang dalawang mata dahil sa sinabi ko."Enter the girl in jail!" dinig ko'ng wika nito. Kahit wala akong pinag aralan parang nagets ko ang sinabi nito dahil tinuro nito ang papasok sa kulungan. Kaya napaurong ako. Mabilis naman kumilos ang dalawang pulis na nasa likod ko at pinososan ako. "Ay, mamang pulis maawa ka. Syam ang aking anak. May pinasususo pa ako at naglilihi ako! Maawa kayo. Pilay ang aking asawa wala siyang trabaho." Bulalas ko. Dahil yun ang naisip ko na baka kaawaan ako. "Lintik ka! Sa ganda mo na yan bakit hinayaan mong maging pabrika ka ng mga anak. Pilay pa non ah." natatawang saad sa akin ng isang pulis. At kumibo ang isang pulis. "Bakit dungol? Paa ba ang gumagalaw?" Diba hindi naman?" Anitong tanong sa kasamahan. "Mga bastos na pulis yun ah!" Pabulong kong sabi. Tipa yata hindi umobra ang nabanggit niya. "Bitawan nyo ko. Maawa po kayo." Pakiusap ko na naluluha, hawak na nila ang baraso ko paakay sa loob ng kulungan. "Malabong makalaya ka pa Mrs. Malantod. Ikaw ba namang yung kinalaban mo ay-." At nakita kong dinunggol ng isang pulis ang kasama nito kaya di naituloy ang sasabihin. "Pogi!! Pogi!! Maawa ka!! Pogi!!" Sabay wagawag kopa ng heras n hawak ko. "Mamang pulis pakawalan nyo po ako! Kawawa po mga kaptid ko!" doon tuluyan ng bumagsak ang luha sa mata niya. Hindi man lang nito pinakinggan ang mga pakiusap ko. "Wala na Mrs. Malantod umalis na. Maghintay kana lang ng ilang araw ililipat ka namin sa mandaluyong. Sayang ka, maganda kapa namnlan sana kahit marami kang anak." naka ngising wika ng isang pulis. Tila may panghihinayang. "Mandaluyong?" Napalaki ang aking dalawang mata. Ito yung kulungan na pinadadalhan ng mga krimina at maraming nakakulong doon. Balita kopa kahit kapwa lalaki nag rerepan doon. At napaupo ako sa harap ng heras saka malakas na napahagulgol. Maliit lang na bagay ang nagawa ko. Pero bakit mapupunta ako sa ganito? Paano na ang mga kapatid ko? Paano na sila kung makukulong ako? To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD