Chapter 5

2999 Words
Chapter 5.. SUMAPIT ang dapat hapon.. "Ate!! ate!" dinig niyang paulit-ulit na hiyaw na naman ni Lilia, "Buksan mo nga itong pinto!" malakas na hiyaw nitong pakiusap sa kaniya habang sinasabayan pa ng kalabog ang pintuan. Pero hinayaan lamang niya ito. Nagawa niyang magkulong ng kwarto dahil iniisip niya kung bakit nagawang sabihin ng binata na nobya s'ya nito gayong napag usapan naman nila ang nasirang sasakyan nito at paano ang araw ng pagbabayadbniya. "Ano ba ate Adine! Buksan mo itong pinto dahil naandito na naman yung pogi mong boyfreind!!" at malalakas na katok ang pinakawalan nito. Mabilis na napalikwas siya sa kinahihigaan ng marinig niya ang huling sinambit ng kapatid. "Ate naandito 'yung lalakeng nagpunta kaniyang umaga!" dinig ulit niyang hiyaw nito. Alam niyang hindi siya hihintuan ni Lilia pag hindi niya pinag buksan ito ng pinto. "Ano ba kasing problema ng lalaking 'to?! Pabalik balik na lang dito?! Ano ito mall? Sa oras na gustong pumunta pupunta na lang dito tapos mambibigla na lang at sasabihing nobya daw siya nito! Loko na 'to.. Kung kasing kerengkeng lang ako ni Lilia e baka kanina pa ako kinikilig sa' yo, damulag ka!" at napatikhim pa sa binigkas. "Ate, lumabas kana dyan!" Dinig niyang sigaw ulit ng kapatid niya. "Oo na, eto na!!" Hiyaw niyang sagot at ibinaba magkasabay ang dalawang paa na galing sa higaang kawayan, inaayos muna niya ang suot na damit at short bago sya lumabas ng kwarto. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at bumungad nga sa kanyaang harapan ang binatang nakaupo at maluwang ang pag kakangiti sa kanya. Baliw na yata ang lalaking ito. Maya maya'y pumasok na rin ang kanyang ama at ina sa sala at nakita ng mga ito na nakaupo si boy pogi sa sofa. Nakita niyang nakakunot ang magkabilang noo ng kanyang ama at palipat lipat ang tingin sa amin ni boy pogi. At ng makita ni boy pogi ang reaksyon ng kanyang ama mabilis na tumayo ito at inaakbayan na naman ulit siya tulad ng ginawa nito kaninang umaga. Kaya hindi maiwasang nanlaki ang dalawang mata sa ginawa nito. "Nay, tay.. Sinagot na ho ako ng anak ninyo, girlfreind kona ho si Nadine." Anito nasa mukha ang kasiyahan dahil nababasa niya iyon. Naramdaman ko na lamang ang pag pisil nito sa balikat ko habang nakaakbay. Napa awang ang bibig ng tatay ko at ang nanay ko naman na hinihintay sa sasabihin ko kung totoo ba ang sinasabi nito. Napa baling ako ng tingin kay boy pogi. Muli kase sinabi na naman nito na nobya iya nito. Kung tutuusin perpekto na itsura ng lalaking ito. Maganda ang katawan. Ang kagwapuhan mukha nito. Sa simpleng suot nito ngayon lalong lumitaw ang matitipunong dibdib nito na parang lageng may rampa sa etlado kumbaga kaninang umaga na tila isa itong artista na may shooting naman. Akma na akong sasagot na biglang bumulong ito sa akin. "Please say yes. Later i will talk to you about this." dinig niyang wika nito. Hindi man niya naiintindihan ang binigkas nito pinakinggan na lamang niya "Huh, eh." Sagot ko ngunit pabulong din. Hindi ko kase naintindihan ang pag inglis nito. Parang nabasa nito ang ibig kong sabihin kaya itinagalog nito. "Omoo kana lang kung ayaw mong ibalik kita sa kulungan." dinig niyang bulong ulit nito. Kahit bulong lamang iyon tila isang malakas na hiyaw na sa tenga niya iyon. Kulungan? Mabilis, sixang nakaramdam ng pagkatakot ng marinig niyang ibabalik siyang muli nito sa kulungan. "Pero pag sinabi mong hindi. Ngayon din ipapakukulong kita at mabubulok kasa bilangguan. Wala kang pambayad sa kotse ko dahil ang nasira mo ay wan milyon tri handred tawsan pesos!" Sunod sunod akong napalunok sa naririnig ko, dahil anong balak nito? Sa tanan ng buhay niya ay di pa sya nagka nobyo tapos ganon ganon lang papayag sya? At isama pa kung tatanggi sya paano na ang kanyang pamilya n sya lang ang inaasahan kung makukulong sya? At hindi biro ang babayaran niya dito dahil mahigit isang milyon. "Ano babayaran muna lang ba ako o oo kana lang?" naramdaman kong pinisil na naman nito ang akbay nitong balikat ko, habang nakangiti at nakatingin ito kay tatay ko na ibinulong sa akin ang sinani nito. Hindi ako makatingin kay itay at hindi rin ako makapag salita. Parang nalunok kona yata ang dila ko, napansin yata ng aking itay ang pagkabalisa ko kaya galit itong nagtanong sa akin at napatingin ako ng diretsyo dito. "Nadine! Bakit hindi mo masagot sagot ang tanong ng nanay mo?! Nobyo mo na ba yang lalaki na'yan?!" matigas na tanong nito sa akin. At napa sulyap ako ulit sa binata. Nakangiti ito na tila ba sigurado at walang balakid sa nais nito. Sasabihin kong oo ni hindi ko nga alam ang pangalan ng herodes na lalaki na to, pag sinabi ko namang hindi kulong ako at paano na ako at ng pamilya ko?! Nagbaba ako ng ulo nag iisip kung ano ba ang isasagot ko. Pero sandali lang at mabilis din akong nagtaas at nakangiting sinagot ang tanong ni inay. "Opo nay! Nobyo kona po sya." Sabay angat ko ng kaliwa kong kamay at inilagay sa bewang nito para kapani paniwala ang sinabi ko. Nakita kong lumuwang lalo ang pagkakangiti ni boy pogi sa tinuran ko. At tinitigan kami ng tatay ko na tila binabasa kaming dalawa. Pero naandoon ang malakas na kaba. Kung nakaligtas, siya sa binata. Mamaya paano na naman kaya sa magulang niya? Matapos non nagsalita ang tatay ko at tumingin kay boy pogi. "Ikaw lalaki, ikaw ang kauna unahang nangahas na pumunta dito at naglakas loob na magpakilala sa amin na nobyo ng anak ko." baling ni itay sa binata, "Ngayon pa lang binabalaan na kita oras na pinaiyak mo ang panganay ko. Nakikita mo ba ito?" sabay taas nito ng isa baraso. Napansin ko'ng napalunok ang binata habang titig na titog sa tatay ko, "Ito ang dudurog sa katawan mo!" Parang naramdaman kong napakislot si boy pogi dahil napapisig ito. At hindi kona lamang pinansin iyon. Sigurado na naman na sindak ito ni tatay. Pinaupo ko si boy pogi sa sofa habang ako naman ay nagpaalam muna na gagawa ng maiinom nito. Pasimple kong inutusan ang isa kong kapatid na bumili ng juice. Pinaka titigan ko muna ang perang inabot ko dito dahil last na pera na yun. Dahil pambili nila ng 1/4 na bigas yun. Habang nagtitimpla ako ng maiinom pasimple akong sumisilip sa mga ito at tinitigan ko ang mukha ng lalaking ito. Ano bang balak ng lalakeng ito? Huwag naman ako dahil may pamilya at tahimik ang buhay ko. Pwedeng iba na lang? Pakiusap ng isip niya. Pinagmasdan ko ito sa ulo hanggang paa, na baka sakali may mabasa ako sa itsura nito, napahinga akong ng malalim nakikita kong para itong mayaman at may sinabi sa pamumuhay dahil naaalala niya ng sabihin nitong paboritong kotse nito yung ferrari car, ibig sabihin marami itong kotse at mayaman nga ito. Pero bakit hindi parin maalis sa isip kona anong balak nito at bakit ganon ang klaseng gustong pagbabayad ang gagawin ko? Ang magkunwari? Gayong gwapo naman ito para walang magka gusto. Kung tutuusin kung ibang babae ang aalukin nito ng ganoong pagkukunwari baka tuwang tuwa at mabilis na mapapayag. At napabuntung hininga lamang ako sa malalim na pag iisip na yun. Siguro kaya ganoong nahihirapan akong tanggapin ang alok nito dahil hindi kopa nararanasang magkanobyo at ayaw ko sa ganitong paraan at walang pag iibigan. Ayaw ko man sa pagkukunware nito pero saan ako kukuha ng ganong kalaking pera para pambayad dito? Kaya inabot ko na lang ang pitsel at ilang baso para ihatid sa mga ito. Nagulat ako ng makalabas ako sa kusina. Nakaupo nasi bunso sa kandugan ni boy pogi. Siguro gusto lang nitong ipakita na totoo ang aming pagpapanggap ng di makahalata ang aking pamilya. Samantalang kanyang dalawang kapatid na kambal nakatabi sa kanyang inay samantalang ang aking itay ay wala na. Pasimple kong minulagatan ng dalawamg mata si bunso ng makalapait ako ngunit hindi nito nakuha ang ibig kong sabihin bagkus ngumiti lang ito sa akin. Sinalinan ko sa baso si boy pogi ng juice at saka iniabot yun, kinuha naman nito at nakita kong inilapag din sa harapan ng sopa ng makasimsim ng kaunti. Napansin ko pang tinitigan muna nito nag juice bago tikman. Matapos inabutan ko rin ang aking ina ng maiinom. Narinig kong nagsalita si inay. "Hala! Mag sipag laro na kayo." Dinig kong pagtataboy ng aking ina sa mga kapatid ko., "Mag uusap ang ate nyo at ang kuya Lee nyo." Lee? Lee ang pangalan nito? Kay gandang pangalan. Nakita kong isa isang nag alisan ang mga kapatid ko ganun din ang kapatid kong bunso na nakipag apir pa kay boy pogi bago umalis sa pagkakandog sa hita nito. Na tila ba magkasundo kaagad ang dalawa. "Pasensya kana iho nung umaga. Ganon lang talaga ang asawa ko. Sige mag usap na muna kayo ng anak ko." dinig ko'ng anas ni nanay, "Nadine nag usap na kami ni Lee, anak. Kaya maiwan na muna kayo." Ha? Mag usap. Ano naman pinag usapan nila? At tumayo nasi inay at iniwan kami. Nilinga linga ko muna ang paligid kung may nakatingin ba sa amin. At ng masiguradong wala bumaling ako dito. "Anong balak mo, ha?! Tandaan mo, hindi kita nobyo! Babayaran kita. At babawiin ko yung sinabi ko sa magulang ko na nobyo kita!" Matigas kong sabi dito na kami lang ang nakakarinig na dalawa. "Okay, you will paid me now!" Sarsastikong sagot nito sa akin. "Hoy! Huwag mo akong inglis inglisin. Oras na makaipon ako, ipakukulong kita sa ginagawa mong pagpupumilit sa 'kin." Banta na naman niya sa binata. "Saan ka kukuha ng pera?" Tila nang uuyam nitong tanong sa akin habang diretsyong nakatingin ito sa akin. "Puwede Lee huwag ako. Tahimik kami ng pamilya ko. Hindi nga kita kilala, at kahapon lang kita nakita. Tapos magigising ako sa umaga sasabihin mo sa akin at sa pamilya ko nobyo kita! At hindi mo pa alam ang buhay ko. Sa nakikita ko mayaman ka at nakikita mong bang mahirap lang kami?" sabay taas baba niyang tingin sa binata muli nagptuloy sa gustong sabihin, "Hindi ako nakatapos ng pag aaral at elementarya lang ang natapos ko pero kumakayod ako sa tamang paraan na alam ko. Please huwag ako! Saka pumapatol kaba sa maitim ang singit? Kulubot na ang p**e? Saka madalang lang hugasan 'to. Ang masakit pinatahi kona ito para mag sarado! Ano payag kapang maging nobya ako?" walang kakurap kurap na wika niya. Napakunot noo ito at tila nagulat sa mga sinabi ko, at yun naman ang gusto ko para magbago ang isip nito. Baka mamaya sindikato na ito. Baka mamaya ibenta nako nito sa mayamang intsik, hindi porket guwapo at itsurang mabait pero nasa puwit namam ang totoong pagkatayo. Maya maya'y napapansin kong tila pinipigilan lang nito ang pagtawa kaya nag salita akong muli. "Kaya Lee bawiin muna mga sinasabi mo sa mga magulang ko dahil wala kang makukuhang benipisyari sa akin! Ay hindi benispisyo na makukuha sakin. Kung baga sa kamote ulalu na." pagkasabi non tumalikod ako para don ingisi ang bibig kanina pa kase siya natatawa sa mga pinagsasabi niya. At nadinig kong nagsalita ito kaya humarap muli ako. "Baliw kaba?" taas kilay nitong anas sa akin na tila babae kung umasta, "Pagpapanggap ang sinasabi ko' hindi makakatabi sa kama." pagpapaintindi nito sa kaniya at tila natatawa sa sinabi niya. "Saan ba napupunta ang mag nobya at mag nobyo? Diba sa pag aasawa?! Nagyon pa lang sinasabi kona. Dinederetsya na kita. Hindi ako masarap! Lasa akong ulalong kamote at maalat alat dahil walang hugas ito." Pinipilit niyang madiri sa kanya ito. Pero sumagot muli ito. "Yun 'yung masarap!" Pabulong na sabi nito sa akin. Kaya nanlaki ang dalawang mata niya sa sinagot nito, "Ay hayop kang lalaki ka ah!!" bulong niyang nakangiwi. Kadiri! Hinarap niya muli at seryosong kinausap, "Umuwi kana Lee, kaylngan kong magtrabho para sa pamilya ko ngayon, nauubos ang oras ko at magugutom kami pag nakipag kwentuhan lang ako sayo." Aniya, mamaya at di maikubli ang paglamlam ng dalawang mata. At tumingin ito sa akin at pinagkatitigan ako. Itsurang nabasa nag mukha ko. Hindi ko kasalanan na makita nito ang mukha ko. Totoo ang mga sinasabi niya. Para naman akong tila malulusaw sa ginawang tingin nito, kaya napayuko na lamang ako. At nadinig kong nag salita ito. "Alam ko kaylangan mo ng pera Nadine." Sabay dukut nito ng wallet. At nagulat ako dahil lilibuhin ang inaabot nito sa akin sa tansya ko parang nasa sampung libo ito o mahigit pa. Pero hindi ako nagpasindak sa ginawa nito. Nakangiting inabot iyon sa akin. Pero hindi ko yun kinuha, bagkus tumalikod ako pero sa totoo lang nangangati na ang palad ko para abutin ang inaabot nitong pera dahil sagot na yon sa gutom at problema at ngayon lang siya makakahawak ng ganon kalaking pera. "Sige na kuhanin muna ito. Naipon ko 'yan sa pagta trabho ko. Call center ako nagta trabaho. Angmga sasakyan na nakita mo at nasira mo eh, sa kumpanya iyon." Ganoon din na hindi siya nito nakilala lulubusin narin niya an pag papanggap. "Abutin muna, hindi pa pala kayo na nanghalian. Diba nga ang sabi mo kahapon ninakaw lahat ng pera mo?" wika nito sa mababang tono. Napalingon sya rito, paano nito nalamang hindi pa sila kumakain ng tanghalian? Langya! Ambisyosong lalaki, ang sabi kaniya daw 'yung Ferrari car. Hiram lang pala, sakumpanya! Gulat siya ng bigla nitong inabot nito ang palad ko at inilagay doon ang pera na hawak nito. "Ibili mo ng makakain ninyo, this is not borrow, ok? Please take this." At mabilis kong binitawan yun at ibinalik sa palad nito. "Wala akong ibabayad dyan!" "No! Bigay ko lang saiyo ito." mabilis na wika ni Jacob. Nagawa na nyang itagalog dahil pansin niyang hindi nakaka intindi ng ingles ang dalaga dahil sabi nito elementarya lang ang natapos nito. Nakaramdam siya ng pagka awa kahit kanina pa s'ya maiingyan dito. Makakapangasawa ako ng walang pinag aralan at sana huwag maging tulad niya ang magiging anak ko kung sakaling ito ang gagamitin niya. "Hindi ko matatanggap yan. Pwede umalis kana! Pinababa mo lang lalo yung tingin ko sa sarili ko!" At sabay kaming napalingon sa paparating nasi bunso at kaagad kumandong ito sa binata ng makalapit. Gulat siyang pinandilatan ang bunsong kapatid sa ginawa nito pero inignora lamang siya nito at bumaling sa binata. "Kuya Lee nagugutom na po ako. Puwede po bang makahingi ng dalawang piso pambili ng candy." At napahawak pa ito ng tiyan itsurang kumakalam ang sikmura. "Bunso!" Suway nya sa kapatid, hindi rin niya ito masisisi dahil pati rin sya'y kumakalam na rin ang sikmura. "Ganon ba bunso?" At napatingin ang binata sa akin. "Sandali lang may tatawagan si kuya Lee." At saka tumayo ito at dinukot sa bulsa nito ang magandang selpon na ngayon lang sya nakakita. At di nagtagal may kausap na ito sa kabilang linya. At ng matapos humarap ito kay bunso. "Bunso maghintay ka lang ng 15 minutes, darating na yung pagkain mo." sinabayan pa ng pag ngiti nito sa kapatid ko. Bumalung siya kay bunso na masayang nakatanglaw sa binata,"Yehey! Ang bait mo kuya Lee! Hindi kanaman magiging nobyo ni ate kung hindi ka mabait, diba?" At yumakap pa ito sa binata. Napapansin ko parang mahilig ito sa mga katulad ni bunso. Matapos tumingin ito sa akin. Nakangiti ang mukha sandali lang at nagbago din. At simpleng ngiti lang ang itinapon ko dito dahil narin sa kasiyahan ng kapatid ko. At di nagtagal nagpaalam ito. "Hintayin muna yung iniorder mo Lee." Aniyang pigil sa binatang paalis na. "Huwag na para sa lahat ng kapatid mo 'yun." dinig niyang ulas nito, "Bukas susunduin kita para mag usap tayo." dagdag pa nitong wika. Bigla naisip niya, tanong pag uusapan naman nila ng binata at tumango na lamang siya walang tanong na mutawi sa bibig niya. Bumaling naman ito kay bunso matapos. "Bunso uuwi na si kuya Lee, ubusin mo yung inorder ni kuya Lee sayu." Sabay gusot ng kamay nito sa buhok ng kaptid ko. "Sige po kuya salamat." Masayang turan naman ni bunso. Akma ng tatalikod ito ng biglang pinigilan ni bunso ang kamay nito. "Kuya di kaba kikiss kay ate bago umalis? Kase pag nag aaral ako bago ako pumasok sa school ikinikiss ko sya bago ako umalis." dinig niyang tanong ni bunso sa kaniya. Napatingi si Lee kay Nadine at hindi maipaliwanag ang itsura. Nadali na!! Nakita ko namang napangiti ang binata sa tinuran ni bunso at tumingin sa kaniya. At walang kaabog abog hinawakan ni Jacob si Nadine sa ulo at mabilis na hinalikan siya sa pisngi. "Ayeeee... ehem!!" isang boses na nanggaling sa likuran nila. Boses ni Lilia kaya bumitaw ito sa kaniya. Walang ulas na nanggaling sa labi niya hindi siya makapaniwalang may nakahalik na sa pisngi niya. Hanggang sa nakita ko na lang na kumaway ang binata sa dalawang kapatid niya palabas ng pintuan nila. Maya maya'y nagsalita si Lilia ng mawala na sa paningin namin ang binata. "Ate ah jockpot! Ang gwapo ni kuya Lee!!" kinikilig na wika nito habang sinisilip pa ang pintuan, pero ala sa isip niya ang inanas ng kapatid. Nagawa na lang niyang haplusin ang pisngi at hindi makapaniwala sa nangyayare, "Saan mo napulot yun ate? Baka may kapatid si kuya Lee baka puwede mo ko'ng ipakilala? Ate!!" sa huling pagsabi nito pa hiyaw na kaya nawala ang pagkatulala niya. "Kanina pa ko nag sasalita dito, naririnig mo ba ako?" "Oo, pero ano ba kase sinabi mo?" nakngiting anas niya. Nagtaas ito ng kilay sa kaniya saka pinagkatitigan siya, "Ang sabi ko, ngayong may nobyo kana, pwede ate dalas dalasan muna ang paliligo ah, isama mo narin ang paghuhugas kay inday." Sabay halakhak nito at mabilis na tinalikuran siya. Mukhang naisahan siya ng kapatid niya kaya malakas niya itong tinawag sa pangalan, "Llilliiiaaaa!!" Lalong inigihan nito ang takbo ng marinig nitong sinigaw ko ang pangalan nito. To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD