chapter 18

291 Words
Mikaela's P.O.V Mag iisang buwan na simula ng nangyari yon. Malungkot akong tumatanaw sa magandang tanawin' Nandito ako sa balkunahe ng resthouse ni daddy, Naalala kong pag gising ko nakahiga na ako sa hospital bed nakalabas din ako agad dahil wala naman akong ibang natamo kundi ang sakit ng tiyan ko dahilan sa pagkakasuntok saakin ng nag tangkang dumukot saakin. Hindi ko din alam kung nasaan na si sev. Napabuntong hininga nalamang ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko gusto ko siyang makita kung okay lang ba siya alam kong siya ang nag sagip saakin mula sa mga lalaking yon alam ko ang amoy nya kayat nakakasiguro ako. Tinanong ko si daddy kung nasaan si sev wala siyang sinasagot iniiba nya lamang ang usapan. May mga bagong body guard din ako sa labas ng mansyon naka paligid. Habang tumatagal ako dito lalo akong nalulungkot na hindi ko siya nakikita hindi pa kami nagkakausap ng maayos bago ang pangyayaring yun batid kong umiiwas na siya saakin at masakit isipin yon siguro ay hindi nya talaga ako gusto. Hindi ko din alam kung hanggang kailan ako dito ang alam ko lang ay inaantay ni daddy na maluklok siya bilang governor. Napaka ganda ng paligid dito malinis at masarap ang simoy ng hangin malayo sa syudad at tahimik. Habang nakatanaw ako sa malayo ay may nakita akong paparating na sasakyan napanganga ako dahil alam ko kung gaano kamahal ang sasakyan na yun. Nakita kong huminto iyon sa gate ng mansyon ' malayo ang gate sa mansyon kayat dali dali akong bumaba at pumunta sa may entrada ng mansyon, kasabay non ang pag pag parada ng kotse sa may harap ng mansyon. Literal akong napanganga ng mapag sino ang may ari ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD